• Give your Yaya a Merry Little Christmas

    How? Pick up some pointers from their own true tales. (Plus, gift suggestions and a wish list from real yayas!)
    by Maricris Orpiano .
  • nannyShe’s your kids’ yaya, and your family’s beloved house-help. She may not be the perfect nanny, but she’s been with you for quite some time now and is already a part of your family. This Christmas, it’s time to show her some love. As we speak to some of our dear yayas about their most unforgettable Christmas, we gain insight into how to make this year a truly memorable one for them.

    “Ang hindi ko makakalimutan ‘pag Pasko, yung may wish list kaming lahat sa bahay. Ako, madalas humihingi ng T-shirt, damit panlakad, photo frame, towel, iba-iba. Lahat sila sa bahay may gift sa akin. Si Caitlin laging may regalo. Pati family ni Pam, meron. Lahat ng mga kapatid niya may regalo din sa akin.” — Evelyn Gonzales, 50, nanny of Pam Capiz, 39, insurance marketing manager, mom to Kyle, 5, and Caitlin, 16

    “Sixteen years na ako sa kanila. Palagi ako sa kanila nagpa-Pasko. Memorable yung may exchange gift kaming lahat sa bahay. Lagi akong kasali. Kung ano ang meron sila, meron din ako. Pati pagbisita sa pamilya nila sa Pasko, kasama ako.” — Perpetua Mahasol, 46, nanny of Vivian Marie Vinas, 38, bank executive, mom to Andre, 12, Tricia, 10, Sean, 6, and Claire, 4

    “May 13th month pay ako kay Ate pag Pasko, may extra cash bonus, at may SM gift check na ginagamit kong pang-grocery, pasalubong sa pamilya ko. Pinapayagan din akong umuwi
    sa parents ko kinaumagahan ng Pasko. Kasali din ako sa exchange gift namin sa bahay.”
    Kris Ondo, 18, nanny of Arlene Josef, 40, advertising professional, mom to Doby, 8

    “Pinag-party kami ni Ate sa bahay niya, binigyan kami ng panghanda, tapos nag-karaoke kami sa bahay kasama ng mga kaibigan namin sa subdivision.” —Rosanna de Guzman, 20, nanny of Ting Lagasca, 41, finance officer, mom to Rhea, 13, and Clifford, 9

    “Naalala ko, namasyal kami sa mall, nag-rides kami sa Star City, tapos binigyan ako ng amo ko ng cell phone. Yung alaga ko rin may maliit na note sa akin, nakalagay ‘Merry Christmas, Ate.’” — Joy de los Santos, 23, nanny of Pearly Dy, 40, housewife, mom to Patrick, 5

    “Hindi ako nagtrabaho nung Pasko, at pumunta ako kahit saan ko gusto kasi Pasko naman. Binigyan ako ng pang-shopping— mag-enjoy lang daw ako. ‘Yun ang ‘di ko makakalimutan.”
    Geraldine Asis, 20, nanny of Gina Cruz, 38, housewife, mom to Trisha, 8

    “May alkansya pala ang amo ko na itinago para sa akin. Araw-araw hinuhulugan niya. Nung Pasko, binigay niya sa akin ‘yon, para buksan ko. Iyon ang pinakamasayang Pasko ko.”
    Glenda Salve, 28, nanny of Thess dela Paz, 34, housewife, mom to Lance, 4

    “Ang hindi ko malilimutang Pasko na kasama ang aking amo ay noong nakaraang taon. Kasama ako kumain sa labas; namasyal kami, nanood ng sine, at niregaluhan ako ng cash pang-load sa cell phone. May Christmas party ang mga magkakapit-bahay, at isinali ako ng aking amo. Siya ang nagbayad ng pang-party at siya rin ang bumili ng pang-exchange gift ko.” — Salome Garay, 17, nanny of Victoria Sangcap, 34, housewife, mom to Chester, 6, and Chelsea, 2

    “Ipinasyal po niya ako sa SM at ipinamili ng mga damit.”
    Michelle Depillo, 18, nanny of Luzvisminda Petalver, 31, government employee, mom
    to Quintin III, 3

    “Ipinag-party ako ng amo ko sa bahay kasama ang mga pinsan ko. Naghanda din siya ng pagkain at isinali ako sa exchange gift namin sa bahay.” — Rosemarie Vuelta, 20, nanny of Lyma Rico, 39, businesswoman, mom to Emman, 3, and Sam, 1

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

      1  of  2  NEXT

View More Stories About
View more articles
Sign In with your website account