Parent Chat

Please login or register.

Login with username, password and session length
Advanced search  

News:

Call for your favorite online shops! Fill us in on your top picks when it comes to online shopping! Best recommendations get featured in the December 2009 issue of Smart Parenting magazine.

Author Topic: how did we manage my son's eczema ( long story)  (Read 79 times)

mommyness

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 114
  • i'm a tough mommy!!
    • View Profile
how did we manage my son's eczema ( long story)
« on: July 14, 2017, 07:46:13 PM »

sorry admin mahaba, I just want to share mga mommies and daddies yung skin condition ng panganay ko, atopic dermatitis/eczema/skin asthma.

Baby palang sya napapansin na namin na mabilis sya tubuan ng mga butlig sa parts na pawisin sya like armpits, likod ng siko and likod ng tuhod (sorry diko alam tawag dun sa parts na yun eh  ;D ) pero we tried to ignore as much as possible, pag madami at makapal na talaga saka namin nilalagyan ng cream/ointment.
Last year, Grade 2 sya, may napansin ako na super liit na butlig sa may paa niya ( nasasakop ng socks at shoes). Nagtubig sya hanggang sa di na namin namalayan lumaki na sya na kasing laki ng palad at malalim na (parang tocino). nakakaawa, di makapag socks at shoes sa school.
Dinala namin sa pedia and nirefer kami sa derma. Ang findings Atopic dermatitis nga, niresetahan na sya ng antibiotic ( amoxicillin ) para matuyo na agad yung sugat. then napaka daming cream/ointment (hydrocortisone, mometasone, miconazole name it lahat natry namin ( take note steroids lahat yan) pati lotion lahat nabibili lang sa derma na napaka mahal talaga, per week gumagastos ako ng 2k para sa trial and error kung ano babagay sakanya. hanggang sa nagkaron na sya sa muka, sa ulo, nakakaawa.
Ang pinaka nahiyang sya ay Vanicream skin cream lotion sa buo katawan mga 3x a day (Abroad available or kay derma pero mahal talaga) then cetaphil restoraderm na wash.
Kakahanap sa internet napunta ako sa National Eczema Association website, nakalagay kung pano imanage ang eczema. Malaking tulong, and may list sila ng approved na mga lotions, cream na para talaga sa eczema.
Pero ang nakatulong talaga eh tyaga.
1. bawal muna malalansa like egg chicken, preservatives
2. lukewarm water panligo 2x a day
3. Vanicream sa buong katawan 3x a day
Then finally nawala na yung flare ups niya (pag atake ng eczema)
sabi sa website kelangan malaman kung ano nagtrigger sa attack, nalaman ko dahil sa kakatanong kung ano kinakain niya sa school kaya nadiscover ko na sa preservatives sya allergic (french fries na may flavoring) so iwas kami dun and eto yung mga ways na naka help para maprevent na namin ulit ang attack:
1. stock lagi ng cetirizine para pag di napigilang makakain ng foods na allergic sya
2. Virgin coconut oil sa buong katawan minutes bago maligo (kahit sa face)
3. bawal mascratch ang skin kaya kamay lang ang pangligo bawal loofah or face towel even after maligo dapat dampi lang ang pagtuyo gamit ang towel, di pwede yung hagod talaga
4. Ilog Maria Propolis ointment ang bago kong nadiscover dahil naawa nako sa kanya na kada may tutubo eh steroids nanaman, lagyan lang sa affected area.
5. latest discovery ko na mas mura sa vanicream na approved din ng Nat.eczema Association eh yung Vaseline Intensive Care advance repair unscented lotion (sm hypermarket sa imported goods)
6. basta laging hydrated ang skin ng lotion/cream na mild like vaseline eh magiging ok din ang skin dahil ang kalaban ng balat nila ay dryness.
7. Bawal sa may mga amoy like powder, cologne, alcohol (kaya check if may alcohol content ang ipapahid nyo sa skin), palit ng detergetn soap na natural/organic (human nature, messybessy etc.), bawal na downy sa damit.

Sana makatulong sa mga gaya kong namroblema sa eczema, by the way di na mawawala ang eczema kaya dapat nalang imanage or macontrol ang flare ups.. Sofar wala na syang malalang flare ups, may pakonti konti pero naagapan na namin dahil sa mga tips na yan..

sorry ang haba talaga ng kwento..  :D
« Last Edit: July 14, 2017, 07:51:26 PM by mommyness »
Logged
happy mom!