naka twice lang ako sa Lyndavel. Hindi na ulit ako magpapainjectables. First shot ko(October 2010), halos everyday ako meron, mawawala lang ilang days tapos babalik ulit ng mas matagal pa. Sabi nung midwife normal lang daw so go ulit ako sa second shot(January 2011), nag-improve nga yung period ko, halos wala na talaga, pero the downside is sobra as in sobrang sakit talaga nung in between balakang at bum ko. Nakakatayo pa naman ako sa bed pero it will take time at pakonti konti lang ang galaw ko sa bed or else sobrang sakit! Very sensitive din ako kapag natutulog, hindi pwede magchange ng position ng mabilis dahil sasakit ulit, kahit movements ni hubby limited din dahil hindi niya ako pwede matamaan, pati din sa loving loving affected, dahil sobrang sakit nga ng back part ko na yun, dapat careful lang si hubby at one position lang or else mapapasigaw talaga ako sa sakit

Kaya nagdecide kami both ni hubby na hindi na ako magpapa third shot, oobserve daw muna namin kung yung back pain ko is because of the injectables or dahil baka may kidney problem na ako since hindi ako pala-wiwi... Ganun padin yung pain, and kahit hindi na ako nag third shot, mas lalo nawala yung period ko as in zero! Kaya medyo naalarm nadin ako.
After more than 6 months mula nung supposed-to-be 3rd shot ko (April 2011), I can say na pain free na ako at bumalik na ulit period ko after almost 4 months since April. Naisip ko baka dahil sa wala akong period kaya sumasakit lower back ko nun. Kasi kasabay ng pagbalik ng period ko, nawala nadin ang back pains ko. Grabe din kasi ang weight gain ko nung nag-injectables ako. Happier ako ngayon, maghahanap nalang siguro ako ng ibang ways para sa family planning, baka back to the natural method nalang kami since effective naman siya sakin before getting pregnant, try namin if effective padin sakin.
I'm not saying na dinidiscourage ko ang mga mommies dito who's into injectables, pero kung yung mga naranasan niyo is the same sa naranasan ko, I suggest na stop niyo nalang, or better yet, consult your OB