Parentchat

Author Topic: All about "BINAT"  (Read 80737 times)

Mommyjazz

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2783
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #105 on: September 01, 2010, 02:58:33 PM »
Same topic merged. Please search first if the topic already exist before starting a similar thread.

cherryblossom

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 75
  • ♥My baby is my life♥
    • View Profile
when can i resume my activities of daily living?
« Reply #106 on: November 17, 2010, 07:36:34 PM »
Mga SP moms hindi ko alam kung san ko 2 ipopost kaya dito nalang, paki move nalang kung maling category..=)

I just gave birth last Nov. 10 po, 1 week old na si baby now and im planning to go back to school tomorrow, normal delivery naman ako, ok narin yung stitches ko, d na masakit nakakalakad na ako ng tuwid,.. pero baka may possibliteis na mabinat ako, ano kaya sa tingin nyo mga moms? although natatakot parin akong iwan si baby kasi nagpapabreastfeed pa ako pero marami na kasi akong namiss sa klase eh, graduating panaman ako next year..

kayo mga moms ilang araw ba kayo nakarecover at bumalik sa work or school?

thanks for the replies in advance!

abygi

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
"binat
« Reply #107 on: November 21, 2010, 03:49:23 PM »

What are the do and donts after pregnancy esp. in CS delivet, to prevent "binat" ??? thank you !

danixnix

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 137
  • ilovemarheyceldan! Godbless us!
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #108 on: February 05, 2011, 02:36:53 AM »
same here naniniwala ako sa binat, wala naman masama kung maniniwala kasi health pa rin naman natin nakasalalay. Even the doctor cant explain bkit may namamatay nalang after manganak eh wala naman sakit yung nanganak ang sinasabi lang talaga dahil sa binat.
A baby is God's opinion that life should go on.


RMMD

DD

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #109 on: February 19, 2011, 08:41:09 AM »
ellow all,

For me may mawawala kapag maniwala sa 10 days no bath..
one is 10 days of no bath is unhygienic, which may increase the risk of infection, if your used to taking a bath everyday, this will be very uncomfortable, your husband may not like your smell hehe....

if you take all the cases of birth giving including outside the Philippines, how many do you think have gone crazy, got sick or died if she took a bath after delivering a baby. If this is true then maybe only in the Philippines.

My opinion only....


pinoytamil

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 322
  • its so hard wanting & labing sam1 dat u cant be w/
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #110 on: February 19, 2011, 04:20:48 PM »
haay naku!
isang napaka ewan na tanung para sakin to!
i give birth last october 10 by a cs at naku nakakabwesit 7 or 10 days talaga ang pinalipas ko bago ako naligo nag karoon ako ng katakot takot na balakubak as in haaayst!
pero hindi ko sila sinunod na magbalot ng jacket medyas at kung ano anung ekekek
naka panty at T-shrit lang nga ako at kapag nagpapaBF ako naka panty lang talaga ako eeh sa ganun ako comfortable diba and besides promise wala namang nangyari sakin na binat ever na yan...
diba mahirap kapag 1st time mom ka na balot na balot ka pagkapanganak kasi annoying pa magpadede diba?
haaayst!

abbejay

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 84
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #111 on: February 23, 2011, 08:42:52 AM »

Hi mommies!
I gave birth thru cs last dec1.. Pagkalabas ko ng hospital,naligo na ako,pwede na daw sabi ng ob ko eh. 1wk lang tuyo na sugat sa labas,1mo daw sa loob. Sinunod ko yung nagpapawis at di ako tantanan ng matatanda. Grabe pati paminta kinaskas sa katawan ko! Sabi ko nga lagyan na nila pati toyo at suka para pwede na adobo! :)
Ewan kung binat nga nangyari sakin sabi nila binat daw. 3wks after kasi nagbabad ako sa malamig na tubig,di maligamgam ha. Ayun kinagabihan super migraine ako! Umiiyak na ako sa sakit parang sasabog na utak ko. Buti na lang hinilot ako sa ulo at paa di pwede sa katawan at cs eh. May kamag anak din akong namatay kakapanganak lang niya nun,nagkikilos kasi agad naglaba,etc. Ayun nalamigan daw,dedo. Newei,hay ang bebe ko na nagpa-cs sakin ang sungeeet!!! Hahaha

DD

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #112 on: February 23, 2011, 09:14:31 AM »
mommy abbejay,

nagpacheck ka sa doctor about your migrane? ( better make sure na its not something serious) ...
ano daw COD nung namaty mong kamag-anak na according sa death certificate? baka kasi iba ang nakalagay na cause of death nung kamaganak mo..

I have an experience kasi with my son, inuubo at sipon tapos lagnat every night umaabot ng 38 degrees. Nung una sabi ng matatanda sa amin ngipin lang lumalabas, tapos pilay daw, kaya pinahilot. Nung ikatlong araw na nilalagnat pa rin dinala na namin sa hospital, ayun pneumonia / asthmatic pala..

I learned now to  always  get a medical diagnosis para sigurado, but we also do home remedies.

abbejay

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 84
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #113 on: February 23, 2011, 10:43:52 AM »

Hi there mommy DD!
May migraine na talaga ako sa mata nanggagaling. Pero that night iba talaga yun migraine ko sa ulo talaga. Siguro nga nalamigan lang ako naging ok naman nako after hilot at hindi na naulit. Di rin ako napagniniwala sa sabi sabi but then minsan wala din naman mawawala di ba. I guess dapat ibalance na lang natin when to and not to believe. Pagdating sa baby ko,simpleng sipon lang check up agad ginagawa namin ni hubby that same day din na sinipon sya. But yung sabi ng mama niya na paliguan ng nilagang dahon ng kamyas para daw di malamig pawis ni baby,sinusunod ko yun. So i guess balance balance lang. :)
Yung sa kamag anak ko,diko alam sis eh.

ryuu

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 521
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #114 on: March 09, 2011, 07:05:11 PM »
naniniwala ako sa binat.. 10 days ako hindi naligo after giving birth (pero may punas naman ng katawan).. lagi rin akong naka-pajamas (until now) at mejas para di malamigan.. 3 months na hindi kumain ng mga pagkain na hindi dumaan sa apor/hindi luto (fruits, raw veggies, etc).. until now lukewarm water pa rin pinanliligo ko tapos every other day.. so far okay naman.. walang pekas or singaw or galis na tumutubo sa akin.. nagkakaron daw ng ganun kasi nalalamigan/nabibinat..

kaya eto problema ko rin ang anit ko na sangkaterba ang balakubak.. :(
 

Kimps08

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 241
    • View Profile
    • Adventures on Planet Mom
Re: All about "BINAT"
« Reply #115 on: March 16, 2011, 11:15:27 PM »
i personally do not believe in binat but i accept the fact na kailangang magpahinga ng mga moms after childbirth.  ang hirap kaya manganak.  I just dont see any logical explanation kung bakit nangyayari sya sa mga nanay sa pilipinas at hindi sa ibang bansa.  what's so special about moms outside the philippines na hindi sila nabibinat?  ayoko lang kasi na ur forced to do something or not to do something tapos yung sasabihn lang nila na dahilan --- BINAT.  kadiri kaya na hindi ka pagpaliguin ng 10 days or more.

young.mama07

  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #116 on: August 20, 2011, 07:01:49 PM »
Ako, I don't believe sa BINAT, old wive's tale. Mas nakikinig ako sa doctor. I gave birth Sept.7, naligo ako Sept.8 :) pagkauwi deretso agad ako sa banyo at naligo, malamig ng tubig, straight from the drum, hahaha. Nagulat na lang silang lahat nang makita ako lumabas ng banyo na ligo na. Almost 30mins ata ako naligo, ayoko talaga ng amoy ospital. Super body scrub, shampoo, conditioner ako nun. twice a day din ako naliligo. Well, sa pakiramdam ko, ang bilis ko nakarecover unlike sa mga nakikita kong bagong panganak na sobrang haggard and wasted ng itsura, sobrang balot na balot pa then pinagpapawisan. Di ko kaya yun. Hindi din ako nakaranas ng "pinasok ng lamig" kahit naka aircon kami ni baby. I really think na pwede maging psychological lang yung sumasakit ang katawan, etc. kasi kapag ganun talaga inisip, pwede  ganun maging reaksyon ng katawan natin.

And meron din na nurse dito, eto lagi binibida sakin ng matatanda, namatay daw sa binat kasi naligo at gumagawa agad. Turned out na namatay pala kasi parang sobrang nastress yung katawan niya from giving birth, may problema pala sya sa puso. Ayun. Ang dami dami din mga kasabihan na pinagagawa sakin at sa baby ko, wag maligo sa araw ng kapanganakan, sa byernes, mag bigkis, talian ang paa para di sakang (ano yun manok? kayo kaya talian ko sa paa?), maglagay kontra bati, lawayan (ikaw lawayan ko, okey lang? hehe), wala ako sinunod kahit isa. So far, healthy naman si baby at ako :)

mum_06

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 206
  • you're my greatest achievement.love you both!!!
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #117 on: September 01, 2011, 08:54:38 AM »
ako,naniniwala talaga sa binat kasi yan ang nagisnan ko kay Mama..kahit kasi hiskul na ako,nanganak pa rin mama ko at ang dami talaga bawal..hanggang sa ako na ang nanganak,sobra ingat talaga pati sa foods.9 days din yata ako di naligo kasi lagi may bantay at takot din talaga.kaya punas lang with warm water.tapos yong unang ligo mo pa dapat may mga herbs na pinakuluan(di ko na maalala kong ano-ano).

             sa ngayon dito na kami abroad,shocks ako sa mga kwento dito ng mga nanay,after mo daw manganak,utusan ka daw agd maligo at mag-isa ka pa sa banyo..meron dalwang pinay dito na hinimatay sa banyo.tapos wala ka pang makasama sa loob ng room nyo,kayong dalawa lang ng bby kaya lahat kilos mo.parang di ko yata kaya to :(..nakausap ko kapitbahay ko na puti nung malapit na sya manganak,tanong ko sya if ilang araw b4 puwede maligo,sagot just after you gave you give birth..eto naman ako,sinabi ko na dyan sa pinas after ilang days talaga,napa yuck tuloy sya..lol..sabay bawi ko na di naman lahat,ang may mga beliefs lang.
:) In God we trust :)

mommylala

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 330
  • My RVA
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #118 on: October 08, 2011, 11:14:25 AM »
Mga sis kahit ba mag1year ng kakapanganak, may tendency pa ding mabinat? :-\

young.mama07

  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
    • View Profile
Re: All about "BINAT"
« Reply #119 on: October 17, 2011, 06:00:40 PM »
Check with your doctor sis. Masyado na matagal 1yr para mabinat, though hindi ako naniniwala dyan. Sa pinas lang naman uso yung binat  ;)

 

Search in Smart Parenting

Our Partner Sites