Parentchat

Author Topic: Beware: mga Modus Operandi  (Read 17655 times)

insensitive

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 945
  • i didn't know i was capable of feeling so much...
    • View Profile
    • https://www.facebook.com/booktalkcandice
Beware: mga Modus Operandi
« on: April 08, 2011, 12:08:06 PM »
 
Just want to share this mga sis..Kasi nadinig ko na din to last week kwento ng tita ko, hindi ko pinansin masyado.Ngayon nagkalat na pala..katakot talaga

Hindi ako makapaniwalang may mga tao talagang handang pumatay para lang makuha yung mga materyal na bagay na gusto nila o siguro dala na ng desperasyon kung paano makakatawid ng gutom. Kwinento sakin ‘to nung kaibigan ko kanina: Papunta sila ng ...kaibigan niya sa CEU kahapon para sunduin yung isa pa nilang kaibigan. Sumakay sila ng jeep sa may bandang Ortigas. Pagsakay nila, konti lang yung mga pasaherong nakasakay. Mag-jowang magkayakap, isang matandang babae, sila, tapos yung driver. Sa may bandang likod sila nakaupo. Yung mag-jowa yung nasa may bandang unahan ng jeep. Nakasandal si ate kay kuya na parang natutulog tapos si kuya nakayakap kay ate. Yung matandang babae naman nasa may bandang gitna. Inaabot na nung kaibigan ko yung bayad niya dun sa lalaki pero hindi siya pinapansin kaya yung matandang babae na lang yung nagabot ng bayad. Yung matandang babae din yung nagabot ng sukli sa kanila. Napansin na din nila nung mga oras na yun na ang sama ng tingin ng driver sa kanila. So medyo nagtataka na din sila. Mayamaya, biglang sinabi sa kanila nung matandang babae na bumaba na sila. So lalo silang naguluhan kung saan mas matatakot. Sa manong driver na masama yung tingin o sa aleng bigla na lang nagyayayang bumaba ng jeep. Hindi na din sila nagisip tapos bumaba na sila ng jeep. Pagkababa nila ng jeep, sinabi sa kanila nung matandang babae kung bakit. Buti na lang daw hindi sila nagtanong kung bakit. Sabi nung matandang babae patay na daw yung babaeng nasa jeep. Hindi daw mag-jowa yung dalawa. Kaya nakasandal si ate kay kuya tsaka nakayakap si kuya kay ate kasi may nakasaksak kay ate na ice pick. Kaya hindi din inaabot ni kuya yung bayad. Napansin din daw ni ale na medyo nangingitim na yung bandang leeg ni ate. Kaya din daw siguro masama yung tingin ni manong driver sa kanila kasi baka binabalaan na din silang bumaba. Nakakatakot lang kung iisipin mong isa ka sa mga nakasakay sa jeep na yun. Sobrang nakakatakot. Sa panahon ngayon, hindi ka na talaga makakasigurado kung sino yung mapagkakatiwalaan mo tsaka kung hanggang kelan na lang yung buhay mo. Nakakatakot na, lalo na kapag gabi. Kaya paalala lang sa mga madalas bumyahe sa gabi, mag-ingat. Hangga’t maaari, maghanap ng kasama. Tsaka wag kalimutang magdasal. Hindi mo man akalain pero malaki ang impact niyan. Ingat! -A student from AB Pol Sci. (UST)
« Last Edit: April 08, 2011, 12:10:50 PM by insensitive »
Dealer of educational books https://www.facebook.com/booktalkcandice

yshaleigh

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 382
    • View Profile
    • http://lilypie.com/pic/080924/h6EJ.jpg
Re: Beware! Holdaper New Modus
« Reply #1 on: April 08, 2011, 12:23:14 PM »
sis.. kinilabutan naman ako.. di ko akalain na gnon.. so meaning kasabyat yung driver pag ganon.. wawa naman yung babae... 22o ba yang story na yan?

loneylou

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 86
    • View Profile
    • http://kylleandrei63.multiply.com/
Re: Beware! Holdaper New Modus
« Reply #2 on: April 08, 2011, 12:44:46 PM »
nyay natakot naman ako at parang ayaw ko na sumakay ng jip.... naku sasabihin ko to sa kapatid ko.. hse's working in ortigas kasi eh at minsan gabi na sya nakakakauwi kasi auditor sya at sa diliman pa ang uwi,,,, thanks sis for sharing

Angel's Mom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 496
    • View Profile
    • She Likes Labels! (..and everything in between)
Re: Beware! Holdaper New Modus
« Reply #3 on: April 08, 2011, 12:52:14 PM »

kakatakot naman ito sis.. lalo tuloy ako napa-praning sa pagko-commute.. ilang beses na kasi ko naholdap, na-snatch, nadukutan, nalaslas ng pocket..   :(
Guaranteed Authentic items from USA and Spain

www.facebook.com/shelikeslabels

missmemay

  • Newbie
  • *
  • Posts: 30
  • i'm a young mom and i'm loving it.. =)
    • View Profile
Re: Beware! Holdaper New Modus
« Reply #4 on: April 08, 2011, 12:53:00 PM »
true yan sis? natakot naman ako bigla for my hubby. he's a call center agent and madalas he uses the public transpo para na din makatipid.. lagi pa naman siya night shift. hay ba yan..ba't ba kasi my mga ganyang tao. pray na lang talaga always.

insensitive

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 945
  • i didn't know i was capable of feeling so much...
    • View Profile
    • https://www.facebook.com/booktalkcandice
Re: Beware! Holdaper New Modus
« Reply #5 on: April 08, 2011, 01:05:00 PM »
hindi ko din alam sis kung totoo..actually yung kwento ng tita ko from Taft-Cubao naman yung jeep..ganyang ganyan din daw yung nangyari..
creepy..
katakot talaga ang panahon ngayon.dapat talaga aware tayo sa paligid natin..ang sarap pa naman matulog sa jeep lalo na pag traffic.
Ingat tayo. 
Dealer of educational books https://www.facebook.com/booktalkcandice

Kuya Xtian

  • Newbie
  • *
  • Posts: 49
    • View Profile
Re: Beware! Holdaper New Modus
« Reply #6 on: April 08, 2011, 01:31:12 PM »
Wala pong ibang mas matinding sandata sa mga masamang tao kundi ang maningas na Panalangin
=======================================================
Minsang sinabi ni Kuya...

"Kung may pagkakataon tayo gumawa ng mabuti ay gawin na natin agad, sa panahon ngayon mas marami ang gumagawa ng masama kaysa sa mabuti"

leilatoto

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 330
  • Zoe Alexa Maxine
    • View Profile
Re: Beware! Holdaper New Modus
« Reply #7 on: April 08, 2011, 01:39:27 PM »
natakot naman ako dito...bigla ko kinabahan..pray talaga tayo palagi

ea_brea

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 454
  • don't be afraid to dream a little bigger, darling
    • View Profile
    • La Mer de Reve
Re: Beware! Holdaper New Modus
« Reply #8 on: April 08, 2011, 03:50:37 PM »
grabe nakakatakot. ano na ba nangyayari sa mga tao ngayon? yung iba parang wala nang kaluluwa, hindi na tao.

rosetan

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 222
    • View Profile
Re: Beware! Holdaper New Modus
« Reply #9 on: April 08, 2011, 04:07:42 PM »
Grabe!!!! Kinilabutan ako! Seryosong seryoso ako sa pag babasa at na iimagine ko pa hays... nakakatakot!

clover.

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 167
    • View Profile
Re: Beware! Holdaper New Modus
« Reply #10 on: April 08, 2011, 04:12:27 PM »
omg. nakakatakot naman to. ngayon ko lang nalaman na may ganito palang modus. nung high school days ko may nakita naman akong magkaakbayan sa cubao habang naglalakad tapos me nakatutok sa babae na kutsilyo. ngayon naisip na rin pala nila ang jeep. kawawa naman yung mga biktima ng ganito.

hindi na ko mashado sumasakay ng jeep kasi mas marami ako nababalitaang holdapan sa jeep kesa fx. pero pareho lang rin yata. hindi ko na alam kung san at anong mode ng transportation ba ang safe na bumyahe. bakit ba may mga taong ganito?~

salamat for posting sis.

nylej20

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 545
  • mother of twins...
    • View Profile
Re: Beware! Holdaper New Modus
« Reply #11 on: April 08, 2011, 04:16:32 PM »
hala ngayon lang ako naka encounter ng ganito kwento?nakakatakot naman! kaya ako pag umaalis at at alam ko na medyo delikado sa lugar na pupuntahan ko, di ako masyado ngdadala ng pera o kaya pinapalitan ko unit ng CP ko para in case na mgkaholdapan, di ako masyado maghinayang ibigay yung cp at tama na dasal lang talaga lagi and pag kinuha na sau, wag ka na lumaban ibigay mo na lang para di ka na masaktan, isipin na lang natin na materyal lang yan at pwede pa natin mabili...
Happy Mom

mommyayie

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 119
    • View Profile
Re: Beware! Holdaper New Modus
« Reply #12 on: April 08, 2011, 04:24:09 PM »
Naku sis, ako den kinilabutan. Mow let's tell our loved ones to be more observant.
Pag may nakita ko magkayakap, observe na kung patay na.. kakatakot. Let's always pray.
Hope it wont happen to us. God Bless!

MommyJammy

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 244
  • Disco Disco Good Good \(^o^)/
    • View Profile
Re: Beware! Holdaper New Modus
« Reply #13 on: April 08, 2011, 04:39:36 PM »
omg! nakakatakot na, pasama na ng pasama ang tao. thank you for this.

alexismom

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1303
    • View Profile
Beware! Holdaper Modus
« Reply #14 on: April 08, 2011, 05:44:14 PM »
creepy pero things like that happen. yung prof ng brother ko nakaexperience ng ganyan nung student pa siya. sumakay siya ng jeep bound to baclaran sa bandang PNU. may mga nakasabay siya guys. i forgot yung number of men kasi kuwento lang ng bro ko dati. yung female prof niya nilapitan ng isang guy tapos pinagitnaan na siya. tinutukan ng knife. parang high sa drugs yung guys. nafefeel daw niya yung pressure sa body niya. bigla daw nakita niya na may blood stain na sa white blouse niya. yung driver napansin na yung nangyayari sa kanila. umiiyak na lang daw prof ng brother ko that time at nagmamakaawa na huwag siya patayin. hinipuan pa raw siya ng guy. pagdating ng libertad lrt station, napansin niya na may ginagawang outpost at may policemen. nagtraffic daw so sumigaw yung prof ng bro ko ng saklolo. lumapit yung isang police na nakarinig sa likod ng jeep. tumayo daw yung prof sabay talon. hinatak daw ng isang guy yung damit niya. punit daw. sinalo ng policeman yung prof ng bro ko.
« Last Edit: April 08, 2011, 05:55:09 PM by sexymomma »

 

Search in Smart Parenting

Our Partner Sites