Parentchat

Author Topic: Feedback on Cake Supplier: IKO's Bakeshop - Part 2  (Read 85940 times)

macky27

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 114
    • View Profile
Re: Feedback on Cake Supplier: IKO's Bakeshop - Part 2
« Reply #285 on: October 22, 2011, 11:47:07 PM »
oo nga sis, sa dec 27 pa naman hihi naniniguro na ko kasi peak season eh.. tinikman ko rin yung mga cupcakes nila, masarap nga, pwede ika nga hehe. ayoko kasi yung cake na maganda nga design talo naman sa lasa. infairness sa iko's nakita ko yung mga design na ginawa nila magaganda na rin .

MommyMichell

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 225
  • Love my smart kids!
    • View Profile
Re: Feedback on Cake Supplier: IKO's Bakeshop - Part 2
« Reply #286 on: October 23, 2011, 12:02:58 AM »
winner ka sis! girl scout na girl scout, ako madalas puro last minute hehe, naisip ko lang baka yung birthday gift ni baby maging Christmas gift na din or yung pangChristmas gift maging birthday gift na rin katulad nung nangyayari sa son ko dati na December 12 birthday (asawa ko naman december 3) lol  :D
Thanks to all the moms here for sharing!

macky27

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 114
    • View Profile
Re: Feedback on Cake Supplier: IKO's Bakeshop - Part 2
« Reply #287 on: October 23, 2011, 08:50:30 PM »
hihih naniniguuro lang sis, peak season kasi ber months kaya mabuti ng maaga. worry ko naman ngayon baka makalimutan order ko since sa dec pa hahaha

ondi

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 544
  • I know how to do anything because I am a mother.
    • View Profile
Re: Feedback on Cake Supplier: IKO's Bakeshop - Part 2
« Reply #288 on: October 24, 2011, 06:43:14 AM »
mizundaztood - 10 inches yun diameter nyan sis.. yun tower saken yun.. last year pa yan actually, dinecorate ko lang for his birthday this year.

chervenly - salamat! purple and green for buzz light year.  :)

ambrei

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 71
  • incredibly inlove with my two boys
    • View Profile
Re: Feedback on Cake Supplier: IKO's Bakeshop - Part 2
« Reply #289 on: October 25, 2011, 06:23:45 AM »
i just learned earlier na nagde-deliver pala ang iko's! i went to festival mall earlier so napadaan na din ako sa iko's. sabi nung nakausap ko pwede naman daw i-deliver yung order, may certain days nga lang. sad lang kasi medyo mahal ang delivery fee, it will cost 1k daw to deliver sa area namin in paranaque.

bigla naman ako nabuhayan ng malaman ko na nagdedeliver din pala sa festival branch ang iko's. matagal-tagal narin ako nagbabasa sa thread nato, intresado talaga ko sa cake ng iko's yun nga lang may kalayuan, im from starosa laguna pa kasi. i knew here na may branch nga sa festi pero i thought na yun order kukunin pa sa main branch.. haay bat ba hindi ako nagtatanong dito hehe.. pero sis mahal ng s.f. na 1k sa paranaque what more pa kaya kung from laguna :(

ambrei

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 71
  • incredibly inlove with my two boys
    • View Profile
Re: Feedback on Cake Supplier: IKO's Bakeshop - Part 2
« Reply #290 on: October 25, 2011, 06:27:14 AM »
sis ondi the cake is so nice!! how much inabot lahat nyan? TIA!!

ondi

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 544
  • I know how to do anything because I am a mother.
    • View Profile
Re: Feedback on Cake Supplier: IKO's Bakeshop - Part 2
« Reply #291 on: October 25, 2011, 07:12:00 AM »
kulang kulang P1000. toy story nga pala ang theme kaya puro stars. gusto kase namin si buzz. P500+ for the cake, P400 for 20 cupcakes. hindi na namin dinamihan yun cupcake namin kase konti lang naman guests namin. second birthday na kase. problema pa namin kung kanino ipapamigay pag dinamihan.

purple_girl

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 677
    • View Profile
Re: Feedback on Cake Supplier: IKO's Bakeshop - Part 2
« Reply #292 on: October 25, 2011, 08:23:51 AM »
@ambrei

oo nga eh. mahal ng delivery fee. sa pasig pa rin kasi manggagaling kahit na sa festival ako mag order. so, in my case, better kung pick up na lang.

bianxious

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 169
  • Life must go on. ♥
    • View Profile
    • Bianxious | Tumblr
Re: Feedback on Cake Supplier: IKO's Bakeshop - Part 2
« Reply #293 on: December 13, 2011, 07:33:34 AM »
Hi mommies. Just had my daughter's baptism last Saturday, December 10 at Shakey's E. Rodriguez. Since naka-tie up sila sa Iko's Bakeshop sa kanila din ako nag-order.

While backreading posts, halos positive lahat ng nababasa ko. I won't disagree na masarap ang choco moist cake and cupcakes nila pero I has some issues with them regarding sa quote na binigay sakin.

Uminit ulo ko kasi mali mali yung binigay nila sakin info about their prices. Yung palang customized cupcake P35 each wala pang box. Eh sinabi kasi sakin nung una na may kasama ng box, paulit ulit pa sa email at sa phone so yun talaga yung nakatatak sakin price. Tapos last minute na nila sasabihin na mali. >:( Sinabi lang sakin yung tamang price nung Friday eh kinabukasan na binyag ng anak ko. So hindi ako pumayag dahil nakakataranta yun naka-budget na yung pera namin para sa lahat eh. Chaka huli na nila sinabi siguro nung habang ginagawa nila yung cupcakes dun lang nila narealize na mali sila sa info.

Tapos nung pina-email ko yung final quote ng order namin, tumaas na naman ng 1k. Naloka na naman ako ng bongga. Lagi na lang nila naooverlook yung samin. >:(

Pero buti naman naayos din sa bandang huli. Nag-apologize naman sila samin. Sa Shakey's lang talaga kami nagkaproblema ng sobra sobra, kaperahan din. Pero siyempre ibang topic na yun. Yun lang naman mga mommies. Kaya advise lang po to make sure na tama lahat ng sasabihin nila sa inyo

kissablesam

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 658
    • View Profile
Re: Feedback on Cake Supplier: IKO's Bakeshop - Part 2
« Reply #294 on: December 15, 2011, 04:49:12 PM »
^sis, would you mind sharing your baptism cakes on one of our threads in baptism for us to have an idea? :D

I'm prepping na din for my daughter's baptism and sa Ikos din talaga ako mag oorder ng cake. 35 nga daw ang souvenir cuppies nila. how much did it cost you ba? pick up din ba?

Ive learned today na may Ikos na sa Sta Ana, sa Savemore Sta Ana. Alhough malapit sya, sa pasig pa din talaga
galing ang cakes & cupcakes nila. Sarap talaga ng party cupcakes.. pabalik balik kami :)

bianxious

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 169
  • Life must go on. ♥
    • View Profile
    • Bianxious | Tumblr
Re: Feedback on Cake Supplier: IKO's Bakeshop - Part 2
« Reply #295 on: December 15, 2011, 06:43:19 PM »
^sis, would you mind sharing your baptism cakes on one of our threads in baptism for us to have an idea? :D

I'm prepping na din for my daughter's baptism and sa Ikos din talaga ako mag oorder ng cake. 35 nga daw ang souvenir cuppies nila. how much did it cost you ba? pick up din ba?

Ive learned today na may Ikos na sa Sta Ana, sa Savemore Sta Ana. Alhough malapit sya, sa pasig pa din talaga
galing ang cakes & cupcakes nila. Sarap talaga ng party cupcakes.. pabalik balik kami :)

Hi sis kissablesam. Ito yung mga cupcakes and cake nung baptism ng daughter ko.



6in round cake, 60 minicupcakes and 50 cupcakes. Total cost niya ay P3,040. Hindi ko na to pick up, free delivery kasi pag sa Shakey's yung venue ng party. P35 each yung customized cupcake tapos P14 for the minicupcake. Just add P15 daw pag gusto may box and ribbon. Eh ang nabanggit kasi sakin nung nakausap ko na P35 na daw yung customized cupcake with box, paulit ulit ko pang tinanong.

Pero masarap naman talaga cupcakes nila hindi masyadong matamis sakto lang. Gusto namin matikman syempre yung cupcakes nila kaya bumili kami sa SM Megamall dun sa katabi ng supermarket. Not sure kung lahat ng SM or Savemore na bakeshop ang supplier nila Iko's.

kissablesam

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 658
    • View Profile
Re: Feedback on Cake Supplier: IKO's Bakeshop - Part 2
« Reply #296 on: December 16, 2011, 08:48:25 AM »
^thanks sis.

oo divine ang cupcakes ng Ikos, what more pa kaya ang cake? havent tasted eh..

re your cakes & cuppies, maganda sya sis. Ive asked din Save more Festi kung how much if for souvenir type 35.00 nga daw with styro and ribbon..

Sana consistent naman, sis pahingi naman number ng Ikos Pasig? Nag email na kase ako sa kanila pero wala pang sagot. Shakeys din kami sa 1st bday ni baby ko! hehe sana applicable don irequest yung Ikos as our Cake supplier, free corkage ba yan sa shakeys sis?

mamagwyn

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 686
    • View Profile
Re: Feedback on Cake Supplier: IKO's Bakeshop - Part 2
« Reply #297 on: December 16, 2011, 10:07:36 AM »
mga ilang days ang lead time puwede magpagawa ng cake sa iko's?

magbirthday kasi si hubby sa 27 eh. hehe

mgaguas

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 432
    • View Profile
Re: Feedback on Cake Supplier: IKO's Bakeshop - Part 2
« Reply #298 on: December 16, 2011, 10:19:43 AM »
sis mamagwyn, tumawag kana ngayon sa Iko's, kase last week order din sa dbay ng mami ko 3days lang nakaya nila p-up sa savemore delmonte...maica yung ka usap ko  :)

A.L.

  • Newbie
  • *
  • Posts: 33
  • 1st time mom
    • View Profile
Re: Feedback on Cake Supplier: IKO's Bakeshop - Part 2
« Reply #299 on: December 16, 2011, 10:46:32 AM »
sharing my son's 1st birthday cake & cupcakes last Nov. 6 by Iko's Bakeshop:

2-layer choco moist cake covered with marshmallow icing, 12" and 8" in size. name and decors made of gum paste as well as the 2D baby superman topper.




100 pcs. cupcakes, all in choco moist flavor topped with marshmallow icing, with edible justice league toppers.


the cake & cupcakes were really moist and yummy, so addicting! all of our guests loved it. since ka-tie up ng Shakey's ang Iko's we didn't have any problem regarding the delivery of the cake & cupcakes, they were ahead of time. we didn't encountered any major issues with this supplier. right from the start of our dealings, we transacted directly to them specifically to Ms. Bless, at their main shop in Pasig (although we were from QC pa) to avoid the hassle of wrong info's sa dami ng kausap. they're very accomodating and friendly.

perharps the only issues we had with them, although minor lang naman, was when i had to repeatedly email them of my preferred cake design & instructions. they confirmed receipt of my email but nagkaka error sa opening ng file, some data won't appear as it should be, maybe because of the program version used, sabi nila mababang version daw yung naka install sa computer nila baka kaya di madisplay ng tama yung file, eh hello word file lang po un, kaya to cut it short, we went there na lang ulit to personally submit the design kesa magka problema pa.

another thing was that hindi nila nilagay yung figurine topper na provided namin sa cake, a Shakey's staff approached me and handed me the figurines before the party, di raw nilagay ng Iko's on top of the bottom layer ng cake dahil baka matumba during the transportation/delivery process & masira yung cake, kaya kami na lang daw maglagay. although valid naman yung reason nila, i'm just wondering how come other bakeshops can fully deliver a cake complete with figurine toppers. eh kung yung topper nga na si baby superman na pagkalaki ay nagawa nilang isecure ng mabuti, bakit kaya di nila nagawa dun sa maliit lang na figurine. moreso, kami pa talaga ang pinaglalagay nila nung topper sa cake eh malay ba namin dun db, so sa takot ko na baka masira ko lang yung cake pag ininsist ko pang ilagay, i just decided na itayo na lang sila sa side nung cake as shown in the picture above.

yun lang naman mga sis, overall, satisfied and happy pa rin naman kami sa naging service nila. di talaga maiiwasan ang mga minor glitches sa parties kaya dapat ready tayo lagi. what's important to us was nadeliver on time yung cake & cupcakes, nagandahan and nasarapan ang mga guests dito. ;D as in naubos yung cupcakes, ang bilis lang talaga right after iannounce ng host that guests are free to get their cupcakes, nagulat na lang ko pagtingin ko wala ng laman yung tower, buti na lang alert ang mommy ko, nagawa nyang isecure yung 2 boxes (24pcs) pa ng cupcakes na hindi na naidisplay sa table due to lack of space na rin, kaya meron pa kaming naiuwi pambigay sa iba & para sa amin. after the party, i realized ang hirap pala umubos ng cake & cupcakes, pero ok lang yummy naman! hahaha!  ;D
 


 
 

 
« Last Edit: December 16, 2011, 11:09:22 AM by A.L. »

 

Search in Smart Parenting

Our Partner Sites