Parentchat

Author Topic: Having doubts with my OB-GYNE. Should I believe?  (Read 12748 times)

sherealicious

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
Having doubts with my OB-GYNE. Should I believe?
« on: September 15, 2011, 10:41:20 AM »
Mga mommies, ganito kasi yon yesterday (Sept 14) , I went to clinic in Antipolo for a check-up para narin masigurado at mawala na yung haka-haka ko na posibleng buntis ako kasi nga "FEEL" ko preggy talaga ako at napansin narin yung ng friend ko dun sa physical changes ko like yung sa tiyan ko and balakang.
So, yun first prenatal check-up un at first kabado eh, she asked me kung kelan yung LMP ko (Aug. 1), pati yung sumunod na mens ko before my LMP (July 3). Nabanggit ko sa kanya na nagkaroon ako ng bleeding nung Aug. 25 until 28  na masasabi kong iba talaga sya kasi nung 2nd day lang siya malakas, hanggang sa humina na. Iba talaga sya kesa dun sa normal period ko kasi usually nag lasts yung period ko 4-5 days eh at talagang heavy yung mens ko monthly. Tapos ayun, sabi niya baka daw "implantation bleeding" yon. Then inexplain niya sakin yung meaning ng implantation bleeding. Then, nabanggit ko rin sa kanya na nagtest ako nung isang araw and it says negative (but I'm not really sure kasi di ako talaga marunong tumingin ng PT nung time na chineck ko un but I just realized last night na parang may faint line na pink akong nakita.)

So after non, sabi niya sakin na icheck daw niya ako, I don't know if Pap Smear rin ba tawag don. So, we went to other room and pinahiga niya ako and pinahubad yung pants and underwear ko to check my vagina daw. Pinasok niya yung finger niya while wearing gloves and parang may kinakapa sya eh. Medyo masakit and uncomfortable kasi syempre ilang ka pa non eh. Sabi niya na di pa totally napunit yung hymen ko... kaya nagdoubt sya na buntis ako. Then after non, we went back dun sa table niya, based daw sa kanya, NEGATIVE ang result. Sabi ko rin sa kanya baket may nararamdaman akong symptoms. Then, pinakita ko nga rin sa kanya yung tiyan ko eh kasi nga bloated talaga. Sabi niya, baka raw tumaba lang ako... Hindi naman niya kinapa yung tiyan ko. Niresetahan niya ako ng pills pero di ko binili un kasi pro-life ako. Don't want to use contraceptives eh. Basta.

Kampante na ako na NEGATIVE yung result nung sinabi ng OB na yun nga, negative based sa kanya.

But now, I started to have doubts na simula nung kagabi after checking my HPT that I took last Sept. 13. To recheck my previous hpts. Napansin ko dun sa medic hpt (expensive pt) ko na may super light pink na faint line siya. Then I decided to take a pic and transferred it sa laptop. Ginawa ko, ininvert ko yung pic (para gawing negative film) and yun nga, mukhang may malabong line sya na possibleng positive yung result.

Hindi ko alam kung binased lang ng OB ko yung observation niya dun sa mga sinabi ko like yung negative yung result ng hpt ko na recent ko lang ginawa. Hindi nga rin niya sinabi na posibleng low ang hcg level ko kaya negative parin ang result.

Kahapon before ako pumunta ng clinic, medyo masakit yung puson ko, hanggang sa gabi na parang feeling ko magkakaroon na ako pero wala naman. Then, yung lower back pain at yung thighs ko sumakit nung gabi. Di ko na alam kung ano ba ito.

Tingin nyo ba mommies, tama ba yung sinabi ng OB ko? Para kasing yung mga sinasabi niya is based lang sa observation niya at wala pa sa kasiguraduhan. Kasi sabi rin niya yung bleeding ko nung Aug. 25, "BAKA" napaaga lang yung mens ko. Yung sinasabi nyang word na "BAKA" kaya rin siguro nagkaroon ako ng doubts sa kanya.

Eto pala yung PT na sinasabi ko:


casperthegoat

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 183
    • View Profile
    • [URL=http://imageshack.us/photo/my-images/806/10005781.jpg/][IMG]http://img806.imageshack.us/img806/549/10005781.th.jpg[/IMG][/URL]
Re: Having doubts with my OB-GYNE. Should I believe?
« Reply #1 on: September 15, 2011, 11:51:04 AM »
sis kapag mga nasa 1st week old pa lang kasi medyo malabo talaga ang 2nd line sa PT, ganyan ako dati, pero kaya sumasakit ang puson ko at balakang kasi may UTI ako, kaya binigyan ako ng antibiotic, pero nag hintay pa ako ng another 2 weeks para makita sa transV yung heartbeat ni baby. Kapag weeks old pa lang talaga malabo talaga ang 2nd line sis, yung pagsakit ng puson at balakang ko dati dahil sa uti.
Dalawa ang lalake sa buhay ko sina ERWIN at SID CERWIN my hubby and my son, sila ang hangin ko, ang tubig ko, ang nagsisilbing liwanag sa dilim ko, kung wala sila paano pa mabubuo ang mundo ko?

FayeP

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 229
  • I so love my baby Reid!!!
    • View Profile
Re: Having doubts with my OB-GYNE. Should I believe?
« Reply #2 on: September 15, 2011, 11:52:34 AM »
sis, nakailang PT ka ba??? make it three or more para sure mo talaga...PT ka ulit


ska if you are having doubts, change OBs...madali lang naman magpalit ng OB gyne lalo na at bago ka pa lang naman yata na nagpapacheck-up sa kanya...

"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

two_angels'_mom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 469
    • View Profile
Re: Having doubts with my OB-GYNE. Should I believe?
« Reply #3 on: September 15, 2011, 12:12:21 PM »
hi sis..if ur having doubts with ur OB go on and change ur OB since health issues ito  kailangan talaga kampante ka sa doctor lalo pa ito OB and it concerns pregnancy pa nga as u have been about..and one thing more sis if u really want to be sure ask ur OB for a blood pregnancy..as OTC PT kit can never detect early pregnancy but only a blood pregnancy can even as early as 1 week..ganyan pinagawa ko nun kasi ako din pakiramdam ko preggy ako but trying 2x with OTC PT kit showed negative results so when i went to my OB i asked for that and since at that time i was also detected to have UTI so hindi ako pumayag iprescribe niya ko antibiotics once maconfirm ko if pregnant nga ko kasi db iba ang antibiotics pag preggy..so ayun sis para makampante find another OB and ask for a blood PT..mura lang naman un at madali lang din gawin parang CBC lang..they will extract blood from u and in an hour okay na result at ito talagang accurate..hope i was able to help ;)

sherealicious

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
Re: Having doubts with my OB-GYNE. Should I believe?
« Reply #4 on: September 15, 2011, 12:54:59 PM »
sis kapag mga nasa 1st week old pa lang kasi medyo malabo talaga ang 2nd line sa PT, ganyan ako dati, pero kaya sumasakit ang puson ko at balakang kasi may UTI ako, kaya binigyan ako ng antibiotic, pero nag hintay pa ako ng another 2 weeks para makita sa transV yung heartbeat ni baby. Kapag weeks old pa lang talaga malabo talaga ang 2nd line sis, yung pagsakit ng puson at balakang ko dati dahil sa uti.


----
actually sis, if ibabase natin sa babycenter calendar, i'm on my 6th week s mahigit na based from my LMP. hindi naman masakit kapag umiihi ako, kasi maliban dun sa papanakit ng puson, nagkaheartburn din ako, nahihilo, sobrang acid na ng nasa throat ko, constipated, pala ihi, kaya ayun i feel talaga na preggy ako. Pero hindi naman kasi ako TTC kasi i'm not really ready yet to face the consequences pero if talagang blessing yung baby, syempre tatanggapin ko.


sis, nakailang PT ka ba??? make it three or more para sure mo talaga...PT ka ulit


ska if you are having doubts, change OBs...madali lang naman magpalit ng OB gyne lalo na at bago ka pa lang naman yata na nagpapacheck-up sa kanya...


actually, pang 4th sis... 1st one nung Sept. 20 which is too early to test (1 week palang non after the deed), then nung 2nd is Sept. 2 (2nd day of my missed period), then nung 3rd test  (Sept 13) eto na yung gamit ko yung medic na mamahalin yan na yung merong faint line na lumabas na huli ko na narealized. Yung 4th test ko, i used cheap hpt bought sa generics pharmacy na tig-30pesos... mukha namang negative.

hi sis..if ur having doubts with ur OB go on and change ur OB since health issues ito  kailangan talaga kampante ka sa doctor lalo pa ito OB and it concerns pregnancy pa nga as u have been about..and one thing more sis if u really want to be sure ask ur OB for a blood pregnancy..as OTC PT kit can never detect early pregnancy but only a blood pregnancy can even as early as 1 week..ganyan pinagawa ko nun kasi ako din pakiramdam ko preggy ako but trying 2x with OTC PT kit showed negative results so when i went to my OB i asked for that and since at that time i was also detected to have UTI so hindi ako pumayag iprescribe niya ko antibiotics once maconfirm ko if pregnant nga ko kasi db iba ang antibiotics pag preggy..so ayun sis para makampante find another OB and ask for a blood PT..mura lang naman un at madali lang din gawin parang CBC lang..they will extract blood from u and in an hour okay na result at ito talagang accurate..hope i was able to help ;)

nung nagtanong nga ako sa nurse about blood test, me sinabi sya na ano daw klaseng blood test, di ko naintindihan yung sinabi niya eh, pero meron yung sabi niya lahat daw madedetect worth 1k+ sya. ang mahal hehe. nabanggit ko naman sa nurse yung beta hcg, pero di naman niya nagets sinabi ko. haha! so kapag magpapablood test, ang sasabihin ko blood pregnancy test? tama po ba?

thanks po sa mga advices nyo. :)


two_angels'_mom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 469
    • View Profile
Re: Having doubts with my OB-GYNE. Should I believe?
« Reply #5 on: September 15, 2011, 01:32:20 PM »
yes sis un na lang sabihin mo blood pregnancy test para mas maintindihan ka hehe..although what u have referred to the nurse as beta hcg is also that test ewan ko bakit di niya alam hehe..blood pregnancy test or beta hcg test bec that blood will be used to detect the hcg levels from ur blood :)

momma_33

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 316
    • View Profile
Re: Having doubts with my OB-GYNE. Should I believe?
« Reply #6 on: September 15, 2011, 01:44:42 PM »
hi sis kapapanganak ko pa lang, the first time na ng PT ako was last year Oct 1 kase feeling ko talaga buntis ako, eh gusto ko mgparebond ng hair so pra makasigurado ako ng PT ako kase kawawa naman baby ko bawal sa buntis ang mga treatment na ganyan, it turned out to be negative so kampante naman ako so i had my hair rebonded. Oct 15 hindi pa rin ako ngkakaroon so parang iba na talaga feeling ko non ngPT ulit ako, ayon it turned out to be positive. talagang kabado ako the whole time of my pregnancy dahil sa rebond thing na yon buti nalang very healthy si baby nong lumabas, ala naman effect sa kanya.

casperthegoat

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 183
    • View Profile
    • [URL=http://imageshack.us/photo/my-images/806/10005781.jpg/][IMG]http://img806.imageshack.us/img806/549/10005781.th.jpg[/IMG][/URL]
Re: Having doubts with my OB-GYNE. Should I believe?
« Reply #7 on: September 15, 2011, 01:58:13 PM »
sa antibiotic naman na binigay sa akin safe siya for preggy, kasi kung di naman safe yun di ako papayag e. saka sa PT ko naka 4 o 6 ata ako noon para makasiguro, pero same na lahat malabo talaga, kaya nung bumalik ako sa OB ko, transV ang ginawa sa akin, di ko rin alam noon na preggy ako, pero nung naligo ako at yumuko para kuskusin ang binti ko, naramdaman ko na parang may naipit sa puson ko , then nag try ako mag PT, at + naman siya pero malabo, nung nagpunta ako sa OB, pinakinggan muna nila kung may heartbeat na, pero di pa narinig noon, + medyo chubby ako kaya malaki ang puson ko, so after 2wks pinabalik ako para sa transV, doon nakita ang heartbeat ni baby ko.

Sis kung may asawa o bf ka naman at ginawa ninyo yun na walang "pangontra" pwedeng buntis ka, ako kasi di ko napapansin pagbabago sa katawan ko pero ang nakapansin si hubby at sis-in-law, ang ginagawa ko lang noon palagi paggising pumunta sa ilalim ng bayabas at kumain ng bayabas, ayoko pa na pangit yung itsura ng bayabas na makukuha at ayoko na iba ang kukuha. At kung regular naman ang mens mo sis at alam mo kung kelan ka dadatnan, at now lang hindi, maaring buntis ka, kung 1st time lang naman na nangyari sayo ang nararamdaman mo, pwede ka naman magpa 2nd opinion sa ibang OB, marami namanng OB kung may doubt ka.  Try mo mag PT uli sis sa linggo. Kasi sa akin yung 30 pesos na pang PT ang ginamit ko pero 2 line ang lumabas. kapag malabo check mo uli kinabukasan yung PT mo sis minsan lumilinaw na. sa akin nung una wala din lumabas so iniwan ko sa kwarto, then nung bumalik ako at naisipan ko itapon 2 lines na siya mas malinaw na siguro mga 2 hours ko pa bago binalikan nun.


Hindi rin masakit ang pag ihi ko noon sis hindi ko alam na may UTI ako, nung nag urine test ako, doon ko lang nalaman na may UTI ako
« Last Edit: September 15, 2011, 02:00:26 PM by casperthegoat »
Dalawa ang lalake sa buhay ko sina ERWIN at SID CERWIN my hubby and my son, sila ang hangin ko, ang tubig ko, ang nagsisilbing liwanag sa dilim ko, kung wala sila paano pa mabubuo ang mundo ko?

sherealicious

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
Re: Having doubts with my OB-GYNE. Should I believe?
« Reply #8 on: September 15, 2011, 02:28:30 PM »
@two-time single mom , di ko nga alam sis eh, nurse sya, natanong pa niya ako, ANO UN? hehe... kasi nababasa ko lang sa forums yung beta hcg kaya un ang nasabi ko sa kanya. un din kasi ang need ko eh, kasi malay natin low hcg level ko diba? pero ewan ko ba, kahit na i'm not really ready yet para magka baby, meron paring part sa akin na nagsasabi na "PREGGY AKO" . hahaha! woman's instict? or mother's instict? LOL joke!

@momma_33 , may i know sis kung anong gamit mong PT? pang ilang weeks ka na nun nung nakakuha ka ng positive result? kasi sa ngayon kasi based sa babycenter, i'm on my 6th weeks mahigit na eh. kaya ayun, may changes talaga sa tiyan ko, di siya yung ordinary bilbil at taba, kasi pinakita ko pa sa bestfriend ko yung tummy ko, and she was surprised nga na iba yung kanya at yung sa akin kasi nga may form, tapos anlaki na daw ng balakang ko kaya nanibago siya. mabuti naman at di naka apekto sa baby yung chemical sa pang rebond. :)

@casperthegoat , yung pinaka first pt mo ba sis positive agad yung lumabas? Pang ilang days na missed period ka non, can you still recall? hehe... ako kasi petite ako, kaya mahahalata mo talaga sakin na lumaki ang balakang ko at yung sa bandang puson ko.

ginawa namin to with my bf, unprotected, di niya totally pinasok, pero ayun kasi nga diba sabi ng iba, kahit na di totally pinasok, possible paring mabuntis lalo na dun sa tinatawag na "precum". eh nagkataon pa na FERTILE ako nung araw na un, kasi nag "do" kame nung Aug. 13. withdrawal din kasi ang ginawa niya. kaya ayun. naku yung ginagawa mo pala pagpunta sa puno ng bayabas eh...naglilihi ka na talaga non. about naman sa mens ko, yup regular yung mens ko, and usually talaga every 1st week of the month ako kung magkaroon, kaya nga nagtaka ako na napaaga bigla yung period ko na imbes na Sept. 1, eh naging Aug. 25, kaya nga nagsuspetsha na ako na baka implantation bleeding un, ganun din nga yung sabi sakin ng OB.

casperthegoat

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 183
    • View Profile
    • [URL=http://imageshack.us/photo/my-images/806/10005781.jpg/][IMG]http://img806.imageshack.us/img806/549/10005781.th.jpg[/IMG][/URL]
Re: Having doubts with my OB-GYNE. Should I believe?
« Reply #9 on: September 15, 2011, 04:02:26 PM »
hindi sis, walang double line na lumabas single lang. saka irregular ako e, every two months ako bago magkaroon minsan 3months  :(, nag hintay ako ng 2days nag pt ako uli yun meron 2 line pero malabo yung 2nd line.

saka ang napansin din nila sa akin lumalaki ang balakang ko, hindi kasi ako hirap maglihi noon na nagsusuka every morning or nahihilo, hindi ko  nadaanan ang ganoon stage nung buntis ako (salamat naman), basta gustong gusto ko ng bayabas at ayaw ko ng amoy ng asawa ko kahit bagong ligo pa siya. Better sis, try mo by sat or sunday mag PT uli, kung aug 13 kayo then fertile ka that time if ever man +, nasa 5weeks na, kasi nalaman ko buntis ako july na e, mag 2 mos na tiyan ko noon, at malabo pa sa PT, pero sa transV kasi kita na ang heartbeat ng anak ko. pero doon sa pinapakinggan (di ko alam tawag doon) na maririnig mo ang heartbeat di pa dinig noon, pero sa transV lang nakita ang heartbeat ng anak ko. better sis para sure magpa transV ka, kasi di nila gagawin ang ultrasound lalo na kung maliit pa talaga, sa akin kasi ang sinabi ng ob ko transV, para mas makita sa loob dahil ipapasok ang machine, kasi sa ultrasound di pa makikita dahil sa tiyan lang.
Dalawa ang lalake sa buhay ko sina ERWIN at SID CERWIN my hubby and my son, sila ang hangin ko, ang tubig ko, ang nagsisilbing liwanag sa dilim ko, kung wala sila paano pa mabubuo ang mundo ko?

momma_33

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 316
    • View Profile
Re: Having doubts with my OB-GYNE. Should I believe?
« Reply #10 on: September 15, 2011, 04:23:28 PM »
limot ko na sis kung ano nga ba brand ng PT ang ginamit ko. I think the brand is not so important as long as you can use it to know if you are preggy or not sis. Or you try to go to another OB kung talagang duda ka sa first OB na pinuntahan mo.

sherealicious

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
Re: Having doubts with my OB-GYNE. Should I believe?
« Reply #11 on: September 15, 2011, 05:49:21 PM »
@casperthegoat : grabe naman pala sis yung sayo, 2 months or 3? yung akin kasi regular talaga eh kaya nagtaka na talaga ako. yup sis, i still have 1 HPT left, yung Medic nga yung tinira ko dito eh haha para sure na. Yup, fertile nga po ako nung araw na yon, the the following day nag ovulate ako, as in naging mainit yung pakiramdam ko na para akong lalagnatin. wow, 2 months mo ng nalaman na buntis ka? toinks... pero sa mga nakaraang weeks ba, you still feel preggy ka, tama? or you just ignored it?

alen po yung ipapasok na machine? dun ba sa vagina? di ba un masakit? hehe.


@momma_33 : baka kasi may pinipiling hcg level yung ginamit kong cheap hpt kaya ganun. anyway, yeah sis kapag malaman ko yung result ulit sa last hpt ko at positive this saturday or sunday. then dun ulit ako punta ng OB, hanap ako ng iba then magpapa TVU narin ako.

thanks mga sis!

sherealicious

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
Re: Having doubts with my OB-GYNE. Should I believe?
« Reply #12 on: September 15, 2011, 11:59:57 PM »
Mga sis, hindi kaya mali yung calculation ko? Paano kung ganito:

Aug 1 - 4 = menstruation (normal bleeding)
Aug 13 = the deed (unprotected & withdrawal)
Aug 25 - 28 = menstruation (pero ang expected period ko talaga is Sept. 1 dapat)

fertile ako nung nangyari yon, so ano kaya yung calculation nyo? yung gumamit ako ng pregnancy due date calculator, and nilagay ko Aug. 25 as my LMP, i'm on 3rd week palang if ever...kaya siguro negative ang result sa pt ko. sabi kasi ng OB ko, di pa talaga madedetect na buntis kapag 2 weeks palang. waaah! ano ba talaga.


LLLA

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 543
  • ♥♥♥cRazYwoRkiNgMoM♥♥♥
    • View Profile
    • lizloveslexidigiscrapbookplace
Re: Having doubts with my OB-GYNE. Should I believe?
« Reply #13 on: September 16, 2011, 07:27:28 AM »
Your OB could have ordered Trans V to check your uterus for implantation kesa sa IE... ???

Ako kasi yung PT ko din very faint young 2nd line but I am sure that I am preggy, bought another 2 PTs and super labo parin ng mga 2nd lines kasi 1st wk palang ng missed period nagPT na ko..
♥♥♥ I just love my kids! ♥♥♥

Kimps08

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 240
    • View Profile
    • Adventures on Planet Mom
Re: Having doubts with my OB-GYNE. Should I believe?
« Reply #14 on: September 16, 2011, 08:03:12 AM »
@ mommy sherealicious -- i think you should see another OB.  personally kasi i dont believe na sa PT eh.  last year i had a positive PT pero when they did a trans V, negative sya...wlang baby.  so we kept on trying hanggang sa me one month na akong delayed.  I took another PT negative. and mind you nasa doctor's office pa ako nag PT ha tapos negative sya.  i didnt believe it either kasi super antok ako and i know that something is different. i feel that i am pregnant. I called up my old OB (nag change kasi ako ng OB kasi ang layo na ng old OB ko) and she told me na magpa ultrasound .... trans V ako ulit and TADAH!!!! andun si baby...super strong ang heartbeat.

i had a false positive and a false negative pregnancy.  when i had a false positive kasi nakita din sa ultrasound na i have polycystic ovaries kaya na screw up yung result ng PT.

 

Search in Smart Parenting

Our Partner Sites