Parentchat

Author Topic: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (  (Read 21653 times)

mamazehj

  • Newbie
  • *
  • Posts: 40
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #45 on: September 16, 2012, 10:58:09 PM »
hi mommies!
ganyan din feeling ko nun nag-asawa at nagka-baby na ko. Di na rin kasi ako nakakasama sa mga gala ng highschool & college friends. Nun una iniinvite naman nila ako kaso di talaga pwede need unahin si baby kaya yun nun mga sunod na happenings na di na invited. Ngayon nagtetext naman sila pero di na tulad ng dati, madalang na..Mga single pa din kasi yun iba kaya anytime pwede sila gumala.

nakakamiss gumala kasama sila, kahit simpleng kwentuhan nga lang kasama sila. Dito kasi samin halos mga kalaro ng anak ko kasama ko kasi bantay ako palagi sa kanya. Yun mga kapitbahay naman malaki age gap namin kaya iba-iba interest

A day without laughter is a wasted day.

leegirl

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 98
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #46 on: September 16, 2012, 11:38:28 PM »
Ganito din nararamdaman ko ngayon.. :( stay att home mom kasi ako, lahat ng friends busy with their lives. pero ok lang kasi naaliw naman ako sa forum na to. Nagbaback read ng mga posts.

kiz_me1109

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 329
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #47 on: October 16, 2012, 07:49:50 AM »
It's ok to feel that way sis. =) Pero huwag ka masyado paapekto kasi nakakastress din yan. Just always bear in mind that there are still a lot of good things in life to be thankful. Ako, I don't have a bestfriend din. I guess hindi naman lahat ng tao may bestfriend e. I don't have a Barkada I call my own. Dati nung HS and college meron. Pero since nag work ako and ibat ibang tao na ang nakikilala ko, parang come and go na sila sa buhay ko. Dati, nahu hurt ako. Pero eversince I have my own family, iniisip ko nalang na I am still blessed because I have a loving husband, a cute son and super supportive parents and siblings. =) And sila forever sila sa buhay ko. They will love me unconditionally. Yung love na hindi kayang ibigay ng kahit na sinong best friend pa. =) \

And If you need a friend, andito lang naman kami. =)
[enter]anne080809.blogspot.com[/center]

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 455
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #48 on: October 16, 2012, 09:07:02 PM »
super relate naman ako dito mga sis,pero meron naman akong 2 treasured frends na kahit hindi kami mgkita eh we know for a fact na nandito lang kami for one another and meron kaming rule,bawal mangutang!haha.we make effort para mgkita kahit special occasions lang...my mom used to tell me bago ako manganak,sino kukunin mong ninong at ninang eh wala ka naman kaibigan...hehe..isa yun sa mga negative side pero madami din positive side like mas nakakatipid ka pag onti lang friends mo lalo pag may occasion kasi onti lang iimbitahin mo and reregaluhan mo...:)ok lang na onti lang friends mo as long na they are your real friends kaysa yung marami nga pero puro fake naman...

super_momy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #49 on: October 16, 2012, 11:16:58 PM »
ako din po..yan na din ang feeling ko ngayon after graduation naging busy na nag lahat sa pag wowork at may kanya kanya ng pamilya mga friends ko, tapus from manila kung saan kame lumaki nalipat sa province at nagka pamilya, wala na inatupag kung hindi mag asikaso sa mga dahil si hubby naman OFW :(.....kung may occassion hirap din lumuwas bit bit mga bata kasi nga malayo byahe......hindi din naman ako mahilig lumabas dito kasi yung mga kapitbahay naman namin puro may edad na...hihi...kaya eto tutok lang lagi sa computer kaya natagpuan ko ang SP....pwede mag tanung, hingi ng advice bilis din naman sumagot ng mga mommies dito eh,,kaya atted ako ng SP EB para mameet ko mga mommy and have a new friend. :) :) :) :)

leegirl

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 98
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #50 on: November 22, 2012, 09:58:40 PM »
Ganito na yata talaga pag may anak na. Malungkot kasi nasa bahay lang kahit kasama si baby pero iba pa din yung meron kang nakakasalamuhang ibang tao. Wala talaga akong social life ngayon.

kissablesam

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 658
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #51 on: November 23, 2012, 08:53:53 AM »
^May park ba sa inyo sis? try mo pumunta dun with your baby at least kahit papano kung me makikita ka mang mother and child you get to socialize :)

sangolko

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 199
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #52 on: November 23, 2012, 09:33:25 AM »
Emote mode naman ako kase hindi pala ako nagiisa, belong ako sa group na ito. Wala na  yung 3 friends ko since nag-abroad ako till bumalik ng pinas hindi na ganun kasarap samahan namin. Hanggang nag-asawa ako at sila din lalo nawalan ng communication kahit pa sabihin na my FB at cellphone. Ganun pala pag may kanya kanya na pamilya, nawawalan ng time sa kaibigan or let say nawawalan ng social life :( madalas sabihin ng hubby ko dati "invite mo mga friends m" pero sino invite ko eh yung iba nasa abroad na at my sariling pamilya tapos yung pinakabest ko my asawa na din at busy sa work. Hay nakaklungkot kase miss ko sila, smile na lang ako pag reminisce ng masasayang araw namin together. Ngayon wala na ako masasabi na bestfriends or even friends lalo na ngayon resign na ako sa work at SAHM. Minsan tumatawag ako sa dati ko office para makipagkwntuhan pero busy naman sila :( kaya kami na lang ng baby ko (4 mos) magkasama, then super excited sa hapon kase darating si hubby from work my makakausap ako. Masaya na malungkot talaga pag Sahm tapos wala pa friends :( feeling ko nagiisa ako, minsan din lang may magtxt wrong send lang pala. Waaaahhhhhh wala ako friends huhuhu

little lantern

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 71
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #53 on: November 23, 2012, 08:57:30 PM »
Hi po, pwede bang makisali? Kasi sa totoo lang kala ko ako lang may ganyang feeling. May mga kaibigan naman ako yung mga college friends ko tapos may best friend ako nung college pero hindi na din kami nakakapag-usap kahit ka-fb ko pa sya and yung best friend kuno ko nung HS ayun pag may kelangan lang tsaka ako tinetext. Ganyan din yung mga naranasan ko yun tipong colleague ka lang pala nila kahit na ikaw halos ituring mo sila sa higit sa katrabaho lang. Sept 2010 nung na-hire ako sa isang sikat na derma and surgical clinic at ayun dahil din sa halos showbiz ang clients namin pati mga empleyado dun ma-showbiz. One year lang nung nakapag work ako dun kasi nung Aug 2011 na nalaman kong buntis ako at since first baby at matagal din naming hinintay ng asawa ko napagpasyahan kong mag-resign na lang dahil malayo ang byahe ko. kala ko naman kahit na nawala na ako dun yung mga tinuring kong kaibigan talaga eh hindi na din ako kinukumusta at minsan nga pag naka-ol sa fb at chinat ko dedmakels lang yung iba biglang nagla-log off kaya di ko alam kung nagkataon lang or ganun talaga. Kaya minsan inisip ko na i-unfriend na lang sila. Sabi ng asawa ko sensitive lang daw ako kaya ganun feeling ko. Hanggang nagpabinyag ako last oct at tatlo sa kanila ang kinuha kong ninang tapos hindi naman pumunta at yung isa never naman syang nagtxt saken kahit nagttxt ako sa kanya. Kaya tuloy napagalitan pa ako ng mama ko kasi bat ko pa daw sila kinuha eh nakatrabaho ko lang naman daw sila. kaya eto ang buhay ko dito lang sa bahay wala din akong maka-usap. Nakaka miss din kasi yung feeling na tulad nung HS at college na may masasabi ka talagang best friend. Kaya dito na lang sa SP ako nagbabasa-basa pag may time mag-ol.

little lantern

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 71
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #54 on: November 23, 2012, 09:32:08 PM »
@sis sangolko... Sis, halos same lang pala tayo ng sitwasyon. Yung baby ko naman is 6mos, dito kami nakatira sa bahay ng parents ko kasi dalawa lang kami magkapatid tapos mama na lang yung meron kami namatay na kasi yung daddy ko 6yrs ago. Yung asawa ko naman gy shift kaya pag weekdays ayun kami lang ni baby sa kwarto. Nakakainis nga kasi yung celfone ko parang wala nag kwenta kasi wala naman nag-tetext. Pag tumunog yung cel ko magmamadali pa ako yun pala mga ahente lang ng condo o kaya naman yung salary loan. Ahaha.. Nakaka-lurky. :)

annamariemomof3

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 158
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #55 on: November 29, 2012, 08:49:35 AM »
Hindi Lang pala ako nag Iisa sa ganitong feeling. I was still in college kasi when I got married and had a child so Iba na Talaga priorities ko. Hurt ako ka pag Hindi man Lang nila ako inaaya pag lalabas sila. Hindi na rin ako in touch with my hs or college friends ngayon. I'm currently a SAHM so no contact with others talaga. Palipat lipat din kami ng bahay so no time to make real connections talaga. I'm just hoping na once we have settled in a place of our own at Medyo malaki na kids may makikilala rin ako even a single friend that I can share my life with

sangolko

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 199
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #56 on: November 29, 2012, 02:06:18 PM »
@ little lantern & annamariemomof3 - buti na lang my SP noh atleast meron tayo pagkaabalahan aside from hh chores. Nakakabagot sa house lalo na kung sanay ka magwork.  Kundi nga lang tagal din namin wait na magkababy hindi sana ako resign sa work tulad m sis little lantern. Anyway masaya naman ako kc super worth naman magalaga ng baby, everyday my bagong development na hindi ko alam if iiyak or tatawa ako sa tuwa. Sis little lantern pm m sa akim number m at mgtxt tayo hehe

oyie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #57 on: November 29, 2012, 04:37:13 PM »
minsan ganito din feeling ko...nakakasad din  :'(

meron akong barkada nung college na i hoped for life ko na mga kaibigan.
never ako nagkaboyfriend bukod sa asawa ko, and most of my friends din mga NBSB. kaya magkakasundo talaga kami sa lovelife. after graduation tapos nagkawork, ok pa din kaming lahat. until i met my husband, na naging boyfriend ko lang for 4 months. excited akong ipakilala sa kanila, and madalas ko din ikwento. then i got pregnant, had a miscarriage, pero andyan pa rin yung boyfriend ko (my hubby now). i told my friends about it, and they had their own opinions. hindi na naging maganda yung impression nila sa boyfriend ko. medyo masasakit na salita yung natanggap ko and i felt judged kaya i lost them after that.

i married my husband, wala akong barkada sa wedding, puro family, and family friends, and side ng husband ko. feeling ko since then, hirap na ko mag-open sa mga tao, except my husband, of course, siya na talaga yung naging barkada ko. ok naman ako sa mga ka-office mates ko pero hindi na talaga ko masyadong nag-oopen ng personal issues, ganun. sa mga forums lang din ako nakakapag-open pero may fear pa rin ako na majudge wrongly.

parang i'm a different person na ever since, laging may takot na baka husgahan.

and my college barkada, we reconnected a few years back. we talked na rin na forgive and forget na lang what happened. pero ako, hirap pa rin talaga ko ibalik yun dati. i go to our reunions, papakita, catch up, pero i don't open up kahit ano, at all, parang ibang tao ako. pero in a way gusto ko pa rin makibalita sa kanila, after all, marami talaga kaming pinagsamahan. pero i hate to say, i don't trust their judgement anymore. nakilala na rin nila yung husband and kids ko, i've proven to them na i've married a good guy.

feeling ko may mali din sa kin, kasi hindi na talaga mawala yun takot, yung hindi nag-oopen, takot humingi ng opinions, i was not that person before. pero ngaun i'm just myself to my husband. even to my family medyo reserved ako. and naiingit din ako na yung mga barkada ko ok pa rin sila sa isa't isa, ako lang talaga yung medyo malayo.  :'(

❤Xian&Mam ❤

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 611
  • choco lover.impulsive shopper. mother.wifey;)
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #58 on: December 02, 2012, 05:44:15 PM »
. Nakakainis nga kasi yung celfone ko parang wala nag kwenta kasi wala naman nag-tetext.

Hehe....pareho tayo sis.hahaha...
kaya kapag-toktoktok yung tunog na cp ko diko na pinapansin kasi alam ko taga network lang at kung ano-anong promo lang mababasa ko,napapagod pa ako magbura...hehe
kaya medyo advantage narin kasi di na ko mahilig kahit gano pa kaganda ang mga CP ngayon.
ok na ako sa e71 kahit  4yirs na to parang mukang bago parin di nagagamit eh :P
basta wag lang laptop ko ang wala...!
nakakmiz  talaga yung may lagi ka kabiruan,makakwentuhan ng mga kalokohan..alam mo yung kung ano ano lang mapagkwentuhan,kung san-san lang aabot tapos tapos tawanan kayo...haayyy..namiz ko talaga yung buhay na ganun :( pero naiintihan ko nalang din kasi si hubby ganun din naman eh..wala rin barkada...kaya sa minuminuto ginagawa ng dyos kami lang din laging tatlo ng anak niya nagkakasama.
minsan lang talaga naghahanap ako ng moment na masasabing mong...Hey..back off mheeennn....it's a girl thang,ya know! ;D hehe
Being a mom is a full-time job
 with very few breaks, but it's the best job ever cuz
 I get paid with hugs and kisses!

annamariemomof3

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 158
    • View Profile
Re: ..Yung feeling na walang kaibigan... : (
« Reply #59 on: January 14, 2013, 06:53:10 AM »
madalas sabihin ng hubby ko dati "invite mo mga friends m" pero sino invite ko eh yung iba nasa abroad na at my sariling pamilya tapos yung pinakabest ko my asawa na din at busy sa work. ...Ngayon wala na ako masasabi na bestfriends or even friends lalo na ngayon resign na ako sa work at SAHM. Minsan tumatawag ako sa dati ko office para makipagkwntuhan pero busy naman sila

Minsan Talaga parang nakakabaliw wala kangkong makausap na adult. Hubby ko pa naman weekend Lang umuuwi. I'm really a loner by nature pero kakaloka pala if you re isolated for too long. Waaaaah Sobrang kasi na ko.
« Last Edit: January 14, 2013, 01:48:43 PM by Mommyjazz »

 

Search in Smart Parenting

Our Partner Sites