Parentchat

Author Topic: Tubal Ligation/Birth Control Injection (Depo-Provera)  (Read 5312 times)

tashasabs

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
  • 타사 ❤
    • View Profile
Tubal Ligation/Birth Control Injection (Depo-Provera)
« on: January 14, 2012, 05:11:40 AM »
Hello mommies.  :)

Sino na po dito ang nagpa-ligate? How much po ang inabot niyo noon? I am considering this kasi fourth baby na namin. I took pills pero since I'm a call center agent and marami rin inaasikaso sa house and ang kids din (iba pa yung oras ng gising at tulog ko), I forget to take them regularly. Or do you think yung birth control injection would be okay na? I'm only 20 years old turning 21 this year and I don't think my doctor would agree to do ligation on me.

Pa-share naman po ng side effects sa inyo ng ligation or birth control injection. And the cost po sana. Thank you!
Happy to be in #sabsuniverse.

momsterpiece

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 154
    • View Profile
    • Momsterpiece
Re: Tubal Ligation/Birth Control Injection (Depo-Provera)
« Reply #1 on: January 14, 2012, 07:06:33 AM »
Hi sis Nat. From the start, injectables ang gamit ko, Lyndavel nga lang hindi Depoprovera. Twice  nga lang ako nakpagpaturok simula nung umuwi kame ni hubby sa rovince. Kaya eto. preggy ulet! :) Mas gusto ko siya compare sa pills kasi malilimutin na ako. Mas convenient kasi every 3 months un turok ko. Pwede ko pang sabihan un assistant ng OB ko to remind me. hehe! Super makakalimutin na talaga!

Tinatanong lang ako nung assistant ni OB kng nasakit daw ang ulo ko or moody. Napansin ko nga na masakit ulo ko pero tolerable naman siya sis.

apple11

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
Re: Tubal Ligation/Birth Control Injection (Depo-Provera)
« Reply #2 on: January 15, 2012, 01:34:01 PM »
Sobrang bata mo pa nga sis nat. Try mo siguro muna iconsider injectibles prescribed by your ob. Alam mo kasi depende yan sa may katawan. I'm already ligated, kasi i'm already 35 at satisfied na kami sa 2 boys and 1 girl. Sabi ng mga friendship at pinsan bata pa daw kaso sabi ko ok na yun. Kasi wala naman ako balak magpadami ng anak para mapaghandaan namin future nila. Regarding sa side effect, gaya ng sabi ng ob ko, walang pagbabago especially sa sex life. Yun nga lang ngayon worryfree na at mas masaya sa hubby.  ;D. di ko maabi ang cost kasi sinabay ko lang sa cs operation ko. kasi  i'm sure malaking gastos pagihihiwalay ko pa ng araw pagpapaligate ko.

tashasabs

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
  • 타사 ❤
    • View Profile
Re: Tubal Ligation/Birth Control Injection (Depo-Provera)
« Reply #3 on: January 16, 2012, 06:07:34 AM »
@sis momsterpiece: 'Yan nga rin ang alam kong side effects daw, masakit ang ulo, tapos yung mood swings. Problem lang is takot ako sa injection. Haha. Nakooo.  ::)

@sis apple11 Oo nga po eh, ang alam ko kahit yung mga mid-20s na ayaw din nila i-ligate as much as possible. Kaya baka injectibles din bagsak ko. Eh totoo ba na kapag daw po ligate yung kelangan magpapacheck up ka every year to monitor na hindi daw ulit nagkabit yung fallopian tubes? Curious lang po. Baka nga saka na ko magpa-ligate kapag 30s na rin. :)
Happy to be in #sabsuniverse.

apple11

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
Re: Tubal Ligation/Birth Control Injection (Depo-Provera)
« Reply #4 on: January 17, 2012, 08:39:05 AM »
Wala naman binanggit ob ko. Basta yearly checkup daw. Gaya dati need ng yearly checkup syempre para macheck at para din sa pap smear. Yearly naman sya nagcocollect para mapatest sa laboratory.

pompz

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 263
  • Thank you Lord for my all the Blessings!
    • View Profile
Re: Tubal Ligation/Birth Control Injection (Depo-Provera)
« Reply #5 on: January 17, 2012, 11:51:14 AM »
ako din matagal ko na balak pa ligate 33 na ko mag 34 na 3 kids na din, normal delivery kasi ako, at nasa bakasyon si ob kaya until now 7 months na ko nakapanganak e di pa ko na liligate, last month nag take ako excluton nagloloko naman ang menstruation ko :(

momsterpiece

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 154
    • View Profile
    • Momsterpiece
Re: Tubal Ligation/Birth Control Injection (Depo-Provera)
« Reply #6 on: January 17, 2012, 12:14:50 PM »
@sis Nat S. Super korek ka dun sa mood swings! Hahaha! Pero nasanay na kasi si hubby kaya ok lang. Ganun din ako nung buntis at akshali kahit hindi buntis. Hehe! Takot din ako sa turok. pero tinitiis ko na lang. Every 3 months lang naman. One time sa butt ko tinurok, hindi sya masakit.  ;D

missoni

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 100
    • View Profile
Re: Tubal Ligation/Birth Control Injection (Depo-Provera)
« Reply #7 on: January 17, 2012, 11:43:08 PM »
im on injectibles din po. question ko lang, di kasi ako nakapag pa-inject nung sched ko (december 27) until now di pa ulit ako bumabalik sa ob kasi sa work. pwede ba yun na anytime magpaturok? or i have to wait pa na dumating yung mens ko? 1 year na rin ako on injectibles.

ang side effect sakin mood swings and head aches 24/7 during the first week ng injection. pero okay naman na after that. tsaka pala parang bumaba yung urge to do it with hubby? nagda-dry din ako down there and sumasakit yung mga buto buto ko :(  pinapatake ako ng calcium supplements ng OB pero tamad ako with that eh, kung pwede lang sanang ipaturok na lang pati vitamins at supplements

pompz

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 263
  • Thank you Lord for my all the Blessings!
    • View Profile
Re: Tubal Ligation/Birth Control Injection (Depo-Provera)
« Reply #8 on: January 24, 2012, 02:16:29 PM »
eew nakakatakot naman ang injectable tapos 3 months ata kayong walang period di ba... buti walang breakouts ang mga faces nyo. yun din gusto dati nung ob ako lang ayaw kasi 3 months walang period natakot talaga ako, dami rin palang side effects

slv_am

  • Newbie
  • *
  • Posts: 25
    • View Profile
Re: Tubal Ligation/Birth Control Injection (Depo-Provera)
« Reply #9 on: December 04, 2012, 07:45:42 PM »
I already had my tubal ligation at age 26 when I gave birth to my third child via CS last Nov 15. Effects? Peace of mind. Yes bata pa ako but I still have plans in the future na alam ko magagawa ko kung konti lang kids ko sa hirap ng buhay ngayon. Pinagusapan at pinagisipan nameng magasawa ang procedure nung 3months pregnant pa lang ako. Kung gusto man namen ng baby in the future, magaampon kami, that way, nakatulong pa kami sa society.

 

Search in Smart Parenting

Our Partner Sites