Parentchat

Author Topic: tips on doing laundry (hand wash)  (Read 10398 times)

ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 640
    • View Profile
tips on doing laundry (hand wash)
« on: August 25, 2012, 11:02:29 AM »
hi fellow moms! i need your inputs about hand washing. wala kasi kaming washing machine, so hand wash ko lang lahat. ang problema eh medyo hindi ako marunong maglaba.  :(

ang prob ko sa mga puti, parang hindi naman pumuputi kahit magdamag kong binabad sa sabon w/ zonrox.

yung sa mga dark clothes, nagka prob ako before kasi may mga puti-puti na naiiwan. so tanong ako sa mama ko sabi niya dapat may nakahanda ng batya na may tubig para yung mga damit na  tapos na eh lagay doon para hindi matuyuan ng sabon. after mabanlawan, ibabad ko pa daw sa downy 1banlaw para sure na wala na talagang sabon na natira. effective naman. 

hindi na kasi keri ng budget na laging magpalaundry kasi we have 2 babies na.

i would appreciate any tips sa paglalaba. TIA!  ;D


Mommyjazz

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2821
    • View Profile
Re: tips on doing laundry (hand wash)
« Reply #1 on: August 25, 2012, 11:43:13 AM »
Lahat ng damit nawawala ang pagmumukhang bago. THe only way to save it from becoming old is not to use or wash it often, kaya huwag niyo po problemahin ang pagiging puti ng damit. Bleach can whiten clothes pero nagiging marupok ang tela. Kung pambahay o pang regular na gamit lang naman ang damit, don't worry too much.
Tip: ibabad ang clothes (I use pride powdered), add more soap to the dirty parts like collar, underarm, stain, kusutin at ibabad. Using warm water sa pag babad helps. Laundry as usual. I don't recommend downy isang banlaw. nanigas mga damit namin and I have to rinse it again.

ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 640
    • View Profile
Re: tips on doing laundry (hand wash)
« Reply #2 on: August 25, 2012, 01:23:27 PM »
Thanks Mommyjazz! medyo nainsecure lang kasi ako sa mga white clothes kasi nagpaparinig si MIL na mas maputi daw kung nagpapalabada  ::)

yung mga puti na yun, mga pambahay lang, usually damit ni baby, tsaka medyas at undies ni daddy.

lykeil

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 129
    • View Profile
Re: tips on doing laundry (hand wash)
« Reply #3 on: August 25, 2012, 02:31:10 PM »
Para mas maputi ang mga damit ni baby mo kahit pambahay pa, use perla white at tide.Magandang pambabad sa mga damit nyo, be it de-color or puti, konti lang kahit 2 tbs. sa tide, lemon fresh.. kahit mga 30 mins bago ka talaga maglaba ibabad mo na. Syempre banlawan mo muna yung mga damit bago mo lagyan ng tide powder at ibabad ha, para matanggal yung mga dumi or amoy sa damit.

Tapos yung perla white bar, yun ang pinaka pantanggal mo sa mga dark spots like medyas at undies pag nagsasabon na. Dati kasi lagay ako ng lagay ng xonrox, kaso nasisira lang mga damit. Kaya ito na ginagawa ko, less pa sira sa kamay.

I use Del hypo as fabric conditioner para mas mabango mga damit ng mga anak ko. I buy the big ones na mas tipid, nagagamit ko pa ng 1 month,kesa sachet. Sa isang malaking planggana na may tubig, konti lang nilalagay ko. Ikaw na mag measure.Tapos I let it drain sa basket na may timba, para yung excess magamit pa sa mga damit ko o ni hubby. kasi inuuna ko muna mga damit ng bata tapos yung sa amin, para tipid din. Ayaw ko kasi ng amoy ng downy, sobrang matapang, nahihilo ako sa amoy lalo na pag suot ko na mga damit.

I usually banlaw, 3-4x. Para tipid din sa tubig, yung pambata muna, tapos sa adult para hindi sayang tubig. Naiinis lang kasi ako sa pagsasabon kaya I usually use washing machine, e mostly hindi matanggal ang dumi pag washing machine lang. Pero banlaw kamay ako, mas bumaba kuryente at tubig ko. Kung ma-recycle talaga ang tubig, I use it for cleaning labahan and CR or washing the mop. 

Wag mo nga palang ibabad ng sobrang tagal or pabayaan nakababad sa sabon yung mga damit mo ng over night or 2 days, lalo lang mangingitim at magkaka amoy.

Happy laba-dami, laba-ngo!!! : P




ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 640
    • View Profile
Re: tips on doing laundry (hand wash)
« Reply #4 on: August 25, 2012, 03:50:56 PM »
thanks sis lykeil!

ganun nga siguro kaya hindi matingkad puti niya kasi sobrang tagal nakababad. hahaha. yun kasi sabi sakin overnyt ko daw. ayoko na nga rin gumamit ng zonrox kasi madaling marupok ang damit. thanks!!


sweetpumpkin

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 297
    • View Profile
Re: tips on doing laundry (hand wash)
« Reply #6 on: September 19, 2012, 12:55:59 PM »
help pi! Yung PE tshirt ng anak ko puro paint! Water color yun nanakalagay satube. Sobrang mahalng tshirt dito. 1k pesos ang tshirt nila. Pls help. Ntuyo yung paint kasi gabi na kami nakakauwi ng house. Now nkababad sa cloroxat sabon.

luk_resha

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 493
    • View Profile
Re: tips on doing laundry (hand wash)
« Reply #7 on: September 19, 2012, 04:09:52 PM »
narinig nyo na ba mga sis yung oxalic? my mom use this for our school uniforms way back... parang durog na tawas ang texture... i must say hindi napag iiwanan sa kaputian mga uniform naming magkapatid dati... kaso wala akong mahanap nito dito...

yung lola ko naman dati di makapaglaba ng mga puting damit pag walang blue wheel na sabon madali daw kasi yun pantanggal ng dumi at pampaputi, eto ang hindi ko alam gamitin na sabon hahaha i tried it before pero naging blue yung white na damit  ;D

sakin naman pag mga puti after ko kusutin medyo iniiwan ko muna sa may araw lalo yung part na may mantsa then saka ko kinukusot uli after mga 5-10mins mas madali maalis ang dumi...


prhea

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 201
    • View Profile
Re: tips on doing laundry (hand wash)
« Reply #8 on: September 19, 2012, 04:43:46 PM »
have you heard about the benefits of vinegar? you must try it, sis! In a pail of water, add a tbsp or two when rinsing the clothes to whiten whites and brighten colors.

sweetpumpkin

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 297
    • View Profile
Re: tips on doing laundry (hand wash)
« Reply #9 on: September 19, 2012, 09:59:25 PM »
I tried vinegar and baking soda pero meron pa rin. Try ko babadan ng lemon bukas... :(  nkuha ko mga ideas na ito sa yaya ng mga anak ko before.nagpakulo ng damit ng baby sa vinegar kasi ayaw matanggal mantsa.nagulat na nga lang ako parang magic! Yung isa naman nagbabad ng kalamansi sa damit.natanggal din mantsa. Sana bukas may improvement na.

ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 640
    • View Profile
Re: tips on doing laundry (hand wash)
« Reply #10 on: September 20, 2012, 02:15:45 PM »
^ once natuyo na ang watercolor sa damit ang alam ko permanent na yun. check mo ang label ng watercolor sis if "washable" sya. gumagamit ako ng watercolor at acrylic paint in tubes, at pag natuyo na sya sa damit, hindi na sya natatanggal.  :(

Henry's Mom

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 68
    • View Profile
    • {Party Impressions} Where great parties begin
Re: tips on doing laundry (hand wash)
« Reply #11 on: September 21, 2012, 12:22:46 PM »
Hi sis! I own a laundry shop. Tip lang, if you have time. Yung mga whites pwede mo ibabad sa mainit na tubig. it will work wonders. Minsan kapag nahawaan ng color yung whites pinapakuluan din namin yung damit, magugulat ka bumabalik yung pagka white niya. :)

Wife. Mommy. Medical Student
Read My Blogs at
www.partyimpressions.net and www.henrysmom.com

ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 640
    • View Profile
Re: tips on doing laundry (hand wash)
« Reply #12 on: September 21, 2012, 02:25:49 PM »
thanks sis! will try that. siguro yung ginamit kong tubig na pangsterilize sa baby bottles na lang gagamitin ko para hindi sayang.  :)

sweetpumpkin

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 297
    • View Profile
Re: tips on doing laundry (hand wash)
« Reply #13 on: September 21, 2012, 02:33:01 PM »
@henry's mom - pakulo lang po sa tubig? Wala na po iba ihahalo?

Henry's Mom

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 68
    • View Profile
    • {Party Impressions} Where great parties begin
Re: tips on doing laundry (hand wash)
« Reply #14 on: September 24, 2012, 01:52:36 PM »
Hi! So far gumagana naman na hot water lang pero matagal nga lang. :)
Wife. Mommy. Medical Student
Read My Blogs at
www.partyimpressions.net and www.henrysmom.com

 

Search in Smart Parenting

Our Partner Sites