Parentchat

Author Topic: Calendar Method  (Read 111771 times)

만.♥ кяιzzℓє ♥.만

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 146
  • I wsh my brain had a map 2 tel me wer my ♥ shud go
    • View Profile
Re: Calendar Method
« Reply #105 on: May 09, 2011, 07:00:36 PM »
Hi daddy jojo!
Maraming salamat sa info at efforts ..  :)
Medyo naliwanagan ako kahit papaano ..
Nung unang period ko kasi this month May 4 at kahapon lang natapos
At nung april naman, April 9 ang una kong period ..
Tapos yung sa march naman, nakalimutan ko date basta sinulat ko sya sa kalendaryo
Tinatamad ako tumingin medyo masakit kasi ulo ko ..
Pero nung bilangin ko cmula march at april to may 25 days lang talaga  :'(
At yung cnasabi mo jan sa picture, madalas ako nakakahipo ng ganyan everytime na iihi syempre nag wawash ako ..
At yun nga merong ganyan .. :(
Inaalis ko nalang hindi ko alam kung ano yun basta madulas sya .. ???
susubukan ko gawin yung sinabi mo para malaman ko if safe ba ako o hindi ..
Maraming salamat ulit daddy jojo ..
Malaki naitulong nito sakin  :)


Wag ka mawawala if may mga tanong pa ako ha? Hehe thanks ..  :)

만.♥ кяιzzℓє ♥.만

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 146
  • I wsh my brain had a map 2 tel me wer my ♥ shud go
    • View Profile
Re: Calendar Method
« Reply #106 on: May 09, 2011, 07:56:09 PM »

Kailan nago-ovulate?
14 days bago ang susunod na menstruation period

Kung 25 days ang menstruation cycle, kailan ito?
25-14=11, Sa Day 11 pagkatapos ng last menstruation period.

So, kailan ka magkakaroon ng malauhog na Cervical Fluid at masasabing fertile o pwede mabuntis?
Mga  3-5 Days bago mag-release ng egg. Days 7, 8, 9, 10 at 11 ito kung 25 days ang Menstruation Cycle mo  (Remember, on this one, magbilang ka ng araw simula sa unang araw ng last menstruation period mo).

Pwede mabuhay ang sperm at ma-fertilize ang egg sa mga days na ito.  Ang egg ay mabubuhay lang ng 2 days. Pagkatapos nito, safe na ulit.

So, ang lahat ng fertile days mo Days 7-12. Safe Days, Day 1-6 at Day 13 to 25




  Sorry daddy jojo medyo naguluhan lang ako, ngayon ko lang kasi nalaman tong mga ganito

Diba sabi mo dito;
Kelan nago-ovulate?
14 days bago ang susunod na menstruation period
so dahil 25 days lang ako bago period ko, edi irregular ako diba? saan ko sisimulan ang pagbibilang ng 14 days? sa unang huling period ko ba? or sa huling date kung kelan na nag stop period ko? May 4 kasi ako nagkaroon at May 8 lang natapos .. Saan ko sisimulan? sa May 4 o sa May 8?

Tapos dito naman sa isa,
Kung 25 days ang menstruation cycle, kailan ito?
25-14=11, Sa Day 11 pagkatapos ng last menstruation period.
hmmm dahil sa 25 days lang ako, 11 day nalang ba? hindi na 14 katulad nung tanong ko sa taas?

So, kailan ka magkakaroon ng malauhog na Cervical Fluid at masasabing fertile o pwede mabuntis?
Mga  3-5 Days bago mag-release ng egg. Days 7, 8, 9, 10 at 11 ito kung 25 days ang Menstruation Cycle mo  (Remember, on this one, magbilang ka ng araw simula sa unang araw ng last menstruation period mo).

dito naman, ano tong 3-5days na bago mag release ng egg? bago ba magka period?  ??? at yung day 7, 8, 9, 10, 11, saan ko sisimulang bilangin tong day na to? dun ba sa kung kelan ang unang huling period ko?
Example:
May 4 ang unang period ko, so kung dito ako mag iistart up to day 11, means May 10, 11, 12, 13, 14, 15 ang fertile days ko ganon po ba?

Pwede mabuhay ang sperm at ma-fertilize ang egg sa mga days na ito.  Ang egg ay mabubuhay lang ng 2 days. Pagkatapos nito, safe na ulit.
You mean after ng mga days na to safe na ulit?

So, ang lahat ng fertile days mo Days 7-12. Safe Days, Day 1-6 at Day 13 to 25
kung safe na ako sa day 13 to 25, so sa date na May 17 to 29 safe na ako?

Ang last question ko naman, 100% effective ba ito? kahit ba may makalusot na sperm sa loob, pero safedays naman sure ba talaga na walang mabubuo?  ???


sensya na sa pagiging makulit ko, gusto ko lang na mas maliwanagan pa lalo since wala pa kasi ako masyadong alam about dito .. at para narin sigurado ako kung kelan ako safe .. natatakot na kasi talaga ako masundan pa yung baby ko, ayaw ko naman ng contraceptives hehe.. salamat daddy jojo ill wait for your reply ..  ;) ;)

J0

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 477
  • Choose life! Contraceptives kill babies and women!
    • View Profile
    • Parenting, Education, Travel, Safety, Photography and Emergency/Disaster Preparedness
Re: Calendar Method
« Reply #107 on: May 10, 2011, 09:57:44 AM »
Hi 만.♥ кяιzzℓє ♥.만

I'm at work but very interested in answering your questions kahit quick reply lang...then try ko ulit sagutin sa weekend ha.

Irregular...in my interpretation, this means na kung minsan ang menstruation cycle mo ay 30 days, then 31, then 25.

Yung start lang ng menstruation period mo ang pinakaimportante.  Make this your Day 1.

Walang value yung last day ng menstruation period.

May 4 - First day ng mens mo - this is your Day 1

Kung 25 days uli ang cycle ng mens mo, May 30 ang possible date ng next.

Count back 14 days from May 30.

Madali ito kung nakatingin ka sa calendar kasi tingnan mo lang ang numbers sa itaas ng May 30.

May 16 ang possible date ng ovulation mo.  Dito ka magre-release ng egg.  Dahil 5 days pwede mabuhay ang sperm at two days naman for the egg, ang fertile days mo...o yung pwede ka mabuntis ay:

May 12 to 17

So today and tomorrow (May 10-11), safe ka.

Okay sana kung ma-observe mo cervical mucus mo every morning of May 12-17.  Para kung sakaling di naiwasan at nakapag-all-the-way kayo ni hubby...alam mo kung naging possible na safe ka pa rin pala.

Pag walang malauhog o stretchy mucus in the morning...safe pa rin.  Patay ang sperm sa acid sa Vagina.  (Kung gusto mo double sure ka, gawin mong two days na dapat walang mstretcy mucus.  Kung the previous morning wala ring stretchy mucus, mas sure ka na safe, see Two Day Method).

Starting May 18 and until May 29, safe days.

If your period starts again on May 30, safe pa rin, hanggang June 5, safe.  Ito ay kung 25 days ang cycle mo ulit ha.

At this point, di kita mabigyan ng estimate kung i-combine ang iyong 25, 30 at iba pang cycle days.  For the mean time, observe mo mucus mo.  I'll try to get back on this thread, okay.







만.♥ кяιzzℓє ♥.만

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 146
  • I wsh my brain had a map 2 tel me wer my ♥ shud go
    • View Profile
Re: Calendar Method
« Reply #108 on: May 12, 2011, 06:22:02 PM »
Okay salamat ng marami daddy jojo ..  :)
Medyo naintindihan ko na hehe ..
Post ako ulit dito if may mga tanong ako ..
Hmmmm yung isang tanong ko hindi mo sinagot ..  :-\

100% effective po ba ito?
I mean yung pag naka all-the-way kami ni hubby sa date na safe ako,
Kahit ba na may makalusot na sperm sa loob, wala talagang mabubuo?  :-\

Nasa abroad kasi husband ko mga 2 years na kami hindi nag kikita at uuwi sya mga 3rd week nitong May
Meron na kami isang baby at baka sa pag dating niya may mabuo nanaman ..
Ayaw ko na talaga mabuntis ulit .. haha

J0

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 477
  • Choose life! Contraceptives kill babies and women!
    • View Profile
    • Parenting, Education, Travel, Safety, Photography and Emergency/Disaster Preparedness
Re: Calendar Method
« Reply #109 on: May 12, 2011, 09:43:51 PM »
96% Effective ang Two Day Method.  Pero ito ang pinaka-simple at madali sa lahat.

Bakit hindi 100%?  Siguro kasi mali ang paggamit...like mali ang observation.

The Sympto-Thermal Method: ~99% effective
The Creighton Method: >98% effective
The Billings Method: >97% effective
Two-Day Method: ~96%
Standard Days Method: ~95%
Ecological Breast-Feeding (LAM): ~94% effective

from http://www.natural-family-planning.info/index.htm


mommylala

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 330
  • My RVA
    • View Profile
Re: Calendar Method
« Reply #110 on: May 13, 2011, 10:10:57 AM »
Hi MommyLala

Thirty Days ang Cycle mo.  For the month of Mar. to Apr. lang.  Ano kaya ang range ng cycle mo? Lagi bang 30 days?  Ano ang Feb. to Mar?  Jan. to Feb?  Dec. to Jan?

May 17 ang possible na next menstruation period mo (kasi unlike January and March, ang April ay 30 days lang)

Sabi ng isang OB-Gyn. sa isang video feature, ang Ovulation o pag-release ng egg ay 14 days BEFORE the next ovulation.


So, dapat magbilang tayo pabalik mula sa May 17.

May 4 ang ovulation day mo.

Sabi rin ng mga OB-Gyn, kayang mabuhay ng sperm hanggang 3-5 days (kung mapro-protektahan ito ng healthy, stretchy, raw egg-white type na cervical mucus mo).

April 30 to May 4 possible ito. 

Sabi ulit nila, hanggang 2 days na pwede mabuhay naman ang egg.

Therefore ang fertile days mo ay April 30 to May 5.

Possible na wala pa namang strethcy egg-white type na mucus noong Apr. 30.

Sana subukan mo rin i-observe ang mucus secretions mo.  Mas accurate ito na indicator kung fertile ka o hindi.  Kapag malauhog at stretchy...healthy yon.  Kapag parang beads or sticky, hindi mabubuntis.

So kahit na according to your calendar-based method eh fertile ka...pwedeng hindi, if you have checked your mucus earlier in the morning or the previous morning (Two Day Method, Billings/Mucus/Ovulation Method) 





daddy jojo,
@Daddy Jojo: eto po yung mga cycle days ko: Period as follows: Dec16, Jan16, Feb16, March15,April16.

Pls enlighten me po sa pagcocount (medyo confusing). When is the start of counting po? First Day of Period until ?? Let say in my case po..March15 up to April 15.kc my next period was april 16..32days di ba po? :-\

At tama po kayo daddy jojo..i startde to observe yung CM ko..(and based on my observation theres a secretion only on May 2 to 4(stretchy talaga). So i think not possble na maging preggy ako siguro po i'll follow yung Two-Day Method, i think mas OK po siya...

Thanks



daddy jojo, pls help pagcocount...scared na po ako. pls pls.
pa review naman po yung situation ko...salamat po.

만.♥ кяιzzℓє ♥.만

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 146
  • I wsh my brain had a map 2 tel me wer my ♥ shud go
    • View Profile
Re: Calendar Method
« Reply #111 on: May 13, 2011, 09:11:45 PM »
Ah okay now i know na ..
Maraming salamat daddy jojo ..
Your the best ..  ;)
Everyday ko inoobserbahan yung parang madulas tuwing pag ihi ko ..
Medyo "Peak" nga sya ayon dun sa pinost mo dun sa picture ..
Pero nung 11 dry na dry ..
Kahapon lang ako nagkaroon ng ganito ..
Means hindi nga talaga safe ..  ;D
Maraming salamat ulit daddy jojo  ;)

bigyan mo nga ng definition ito daddy jojo yung tagalog ha ..  ;D
The Sympto-Thermal Method: ~99% effective
The Creighton Method: >98% effective
The Billings Method: >97% effective
Two-Day Method: ~96%
Standard Days Method: ~95%
Ecological Breast-Feeding (LAM): ~94% effective
« Last Edit: May 18, 2011, 12:42:48 AM by 만.♥ кяιzzℓє ♥.만 »

J0

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 477
  • Choose life! Contraceptives kill babies and women!
    • View Profile
    • Parenting, Education, Travel, Safety, Photography and Emergency/Disaster Preparedness
Re: Calendar Method
« Reply #112 on: May 17, 2011, 03:36:58 PM »
Hi Mommy Lala,

Pag ganyan na nase-stress, baka lalong ma-delay ang period mo.

Para malaman kung ilan ang cycle days mo, magbilang ka starting sa first day ng menstruation period mo.  Ito ang iyong mga Day 1: Dec. 16, Jan. 16, Mar. 15, April 16. 

Dec.16 to Jan16 (30-days cycle)
Fertile days are Dec. 29 to Jan. 3 -> Ovulation on Jan. 1

Jan. 16 to Mar. 15 (29-days cycle)
Fertile days are Feb. 25 to March 2 -> Ovulation on March 1

Mar. 15 to Apr. 16 (31-days cycle)
Fertile days are Mar. 30 to Apr. 3 - Ovulation on Apr. 2

Base sa last three months na ito, heto ang next possible Fertile days mo.

29-Days Cycle
Apr. 28 to May 3 -> Ovulation/Peak Day is May 2

30-Days cycle
Apr. 29 to May 4 ->Ovulation/Peak Day is May 3

31-Days cycle
Apr. 30 to May 5 ->Ovulation/Peak Day is May 4

Next possible menstruation 
29-Days Cycle -> May 16
30-Days cycle - > May 17
31-Days cycle -> May 18

Sabi mo na-observe mo ang stretchy mucus noong May 2-4 (sa PM mo sa akin, May 3-5)

Notice mo yung estimated Ovulation/Peak days natin, May 2-4, parehas.  Kung hanggang May 5, meron pa ring stretchy na Cervical Mucus, magbilang ka ng 14 days after that...baka umabot pa hanggang May 19 ang next period mo.

Bakit sinama na fertile days ang Apr. 28, 29 at 30? 

Sinasabi kasi na kung may presence ng Cervical Mucus bago ang Ovulation/Peak day, pwedeng mabuhay ang sperm ng hanggang 3-5 days. 



Sabi rin ng Ob-Gyn. na napanood ko sa isang video clip, ang pre-ejaculatory fluid ay merong sperm...na possible pa ring maka-fertilize ng egg. Ito ang basis kaya hindi recommended ang Withdrawal.

Please, paki-involve ang husband mo sa pago-observe ng fertility.  Dapat kayong dalawa at hindi lang ikaw ang concerned dito.

Ituloy ninyo lang ang pag-oobserve ng Cervical Mucus mo sa umaga, pagkabangon.  Ang husband mo ang magte-take note sa calendar.




« Last Edit: May 17, 2011, 03:42:18 PM by Daddy Jojo »

만.♥ кяιzzℓє ♥.만

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 146
  • I wsh my brain had a map 2 tel me wer my ♥ shud go
    • View Profile
Re: Calendar Method
« Reply #113 on: May 19, 2011, 07:25:53 PM »
Daddy jojo, may balita ako..  ::)
May 19 ngayon, sabi mo May 12 to 17 ang unsafe days ko ..
Then May 18 to 29 ang safe days ko naman,
Para maka sigurado ako, palagi ko i checheck sa umaga yung cervical mucus ko ..
Kanina kasing umaga hanggang hapon sa tuwing umiihi ako,
palagi kong chinecheck yung cervical mucus ko, dry naman sya ..
Then ngayon2 lang pag ihi ko, bigla ko naramdaman na may tumulo ..
Then nung hawakan ko stechy sya at mala uhog ..  :(
Sabi mo pag ganun, hindi safe diba?
Ibig sabihin ba nito, kahit ba safe days maari ding hindi na safe dahil dun sa cervical mucus ko?  :'(
Nakakatakot kasi baka pag check ko sa umaga dry naman sya, tapos pag dating ng hapon o gabi bigla nalang ako magkakaroon nun kahit na safe ako nung araw na yun ..  :'(
Ano masasabi mo daddy jojo?

Hanggant hindi pa nakakauwi ng pinas yung husband ko,
Pinag aaralan ko talaga mabuti kung pano ko malalaman na safe ako o hindi ..
dahil next week uuwi na sya. syempre hindi maiiwasan if andito na sya ..
Ayaw na ayaw ko pa naman na mabuntis pa ulit ..  :'(

mommylala

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 330
  • My RVA
    • View Profile
Re: Calendar Method
« Reply #114 on: May 20, 2011, 09:15:49 AM »
Hi mga mommies, nagkaperiod na ko kahapon lang...whew! grabe ang stressed ko dun ah.

dyepoi

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
Re: Calendar Method
« Reply #115 on: May 27, 2011, 01:05:57 PM »
help po confused ako kasi my wife hasd a perion last may 17 up to may 23 almost 7 day mens niya pnu ko malalaman kung kelan siya fertile.advised po

momskie Jane

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
Re: Calendar Method
« Reply #116 on: May 27, 2011, 01:31:16 PM »
wow, parang ang complicated naman talaga ng calendar method? Kailangan tama talaga ang counting.

Ibang birth control kasi gamit ko. And super nag-iba ang menstruation ko. kaka-1 year lang ng baby namin and this is my third month of mens since nanganak ako.

J0

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 477
  • Choose life! Contraceptives kill babies and women!
    • View Profile
    • Parenting, Education, Travel, Safety, Photography and Emergency/Disaster Preparedness
Re: Calendar Method
« Reply #117 on: May 27, 2011, 04:38:47 PM »
Hi dyepoi,

Short simple answer.  Kung may malauhog na mucus ang wife mo down there, fertile siya.1

Ayan, walang complication, walang counting ha,  ;) momskie Jane



Detailed answer para sa iyo dyepoi.

Fertile ang wife mo, kung sa umaga pagbangon niya at paglakad papunta sa CR, ay nararamdaman niya na may slippery feeling down there.  Pag-upo niya sa CR pwedeng may lumabas sa kaniya na malauhog na mucus.  Kung kukuha siya ng sample at ii-stretch niya sa pagitan ng kaniyang hinlalaki (thumb) at hintuturo (index finger), para itong hilaw na itlog (raw egg-white).



Depende sa pagkamalauhog nito ang taas ng kaniyang fertility.  Mas madali siyang mabuntis kung fluid at very stretchy ito.

Kung ito ay sticky at mabilog (bead), mahirap siyang mabuntis.

Ma-oobserve ninyo ito kung hindi ka naman nagdeposit ng semen at hindi naman sexually stimulated ang wife mo.  Malinaw na sa wife mo talaga at natural yung paglabas ng fluid.

Pwede ninyong gawing bahagi ito ng intimacy ninyo.  Every morning, observe ninyong dalawa or itanong mo sa wife mo.

Kung May 17 ang last menstruation period ng wife mo...

Possible na fertile siya from May 24 to June 4.2

Sa dates na ito, watch out na lang kayo kung magkaroon ang wife mo nitong malauhog na mucus.  Mas mabuti na kung wala at dry pa naman...mag-Withdrawal na lang muna kayo o huwag mag all-the-way, para ma-observe ninyo talaga.

Alamin mo ang cycle ng wife mo.  Take note lagi kung kailan ang first day ng menstruation period niya.  Bilangin mo ang araw...28 days ba? 30 days? 32 days?

Kailangan kasing malaman ninyo kung ano talaga ang cycle ng wife mo, para mas maging accurate at madagdagan pa ang possible non-fertile days.


1It ay ayon sa Billings/Ovulation Method (OM), sa SymptoThermal Method (STM), at Two-Day Method (TDM) ng Natural Family Planning (NFP)
2Ito ay ayon sa Standard Days Method (SDM) ng NFP.  Possible Fertile ang Days 8 to 19.  Ginagamit lang ito, kung ang fertility cycle ay 26 to 32 days.
« Last Edit: May 27, 2011, 04:45:07 PM by Daddy Jojo »

davesant32

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
Re: Calendar Method
« Reply #118 on: May 28, 2011, 12:26:27 PM »
I'm newbie here, ganda ng post ni Daddy jojo dami ko natutunan!

dyepoi

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
Re: Calendar Method
« Reply #119 on: May 30, 2011, 11:15:38 AM »
Salamat Daddy jojo.nalito po kasi ako.bale monitor ko po tlaga mens cyle niya.Nung April po nagkamens sya april 19 to april 25.tpos ngaun may 17 hanggang may 23.pwede po ba pkitrack kung kelan fertile days niya.tsaka tanung ko din db sage 7 day after..slamat in advance daddy jojo

 

Search in Smart Parenting

Our Partner Sites