';

Parent Chat

Please login or register.

Login with username, password and session length
Advanced search  

News:

Learn more about the importance of promoting and strengthening early childhood education in the Philippines today by attending the 1st Philippine Summit on Early Childhood Education.

Author Topic: Recurrent Miscarriaged: mga munting anghel  (Read 1306 times)

inah joyy dalisay

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Recurrent Miscarriaged: mga munting anghel
« on: August 20, 2016, 05:13:04 PM »

wala pang isang taon nung mawala ang baby girl ko. 23wks at one day pa lang siya ng bigla akong magbleeding. placenta previa yung case. naging sakitin din ako ng mga panahon na yun kaya sinisi ko sarili ko sa pagkawala niya.dumating sa point na parang ayoko na magka baby. natakot na ko, pero di ako iniwan ng mother at partner ko. di nagtagal nagbuntis ulit ako, magkahalo yung naramdaman ko nun,  saya at takot. pero pinilit ko tanggalin yung takot dahil ayoko maapektuhan ang baby ko. naging mas maingat ako, inalaagaan ko sarili ko, ultimo pagkain ko inaalam ko kung pwede samin ni baby ko. regular akong nagpapacheck up. naging maayos lahat. 23wks na baby ko, ang saya namin ng partner ko, baby boy! kaya pala sobrang likot niya, siguradong healthy siya, pero biglang sinabi ng ob ko parang gusto bumuka ng cervix ko. bumalik ulet yung takot ko. sa buong panahon ng pagbubuntis ko nag ingat talaga ko, tumigil ako sa trabaho, nagpahinga lang ako pero bakit may problema na naman. 24wks na siya, maayos pa rin naman ang lahat, naging normal buong araw ko, wala akong ininda na kahit ano. nung gabi na lang, nung umihi ako iba na pala, puro dugo, di ko na alam gagawin ko, naiyak na ko pero tinatagan ko loob ko, di pwdeng mawala na naman ang baby ko. sinugod na agad nila ko sa ospital, 8cm na daw na bukas cervix ko, alam ko na, eto na naman. tinatanong ko sarili ko, naging napakasama ko bang tao  para parusahan ng ganito? sa parehong paraan pa? wala ba ko karapatang maging masaya? maging ina? bakit pa sila binigay sakin kung babawiin din pala? 2 araw ako naglabor, sa 2araw na yun naging sobrang likot ng baby boy ko, si exiquel, tuwing pakikinggan heart beat niya tinutulak niya yung steth. pag in-ie ako ng mga nurse, sinisipa niya, naka breech din kc siya. gang sa nung umaga pumutok na yung panubigan ko, pero ni hindi humihilad yung tiyan ko, di daw puwede bigyan ako ng pampahilab, kailangan kusa daw lumabas si exiquel, baka sakaling kayanin pa rin niya makasurvive. nananalig ako na kakayanin niya, dahil si exiquel mismo lumalaban.gang sa napagdesisyunan ng ob ko na ilabas na lang siya, binigyan nila ko ng pampahilab pero wala pa rin kaya pinilit na lang siya, sobrang sakit pero balewala yung sakit kase nararamdaman kong gumagalaw pa rin siya. nakalabas na siya, wala ko narinig na iyak, gusto ko bumangon at kunin siya, inilapit siya ng nurse, napaka liit niya, kamukha ng mama ko, ang gwapo, gumagalaw siya, humihinga, pero alam kong hirap siya, pilit lumalaban ang baby ko para sa mama niya. wala na lang ako ibang masabi kundi 'im sorry anak, katawan ni mama ang di malakas, mahal na mahal ka ni mama.alam ko gusto mo lumaban pero alam kong hirap ka na din, makakasama mo na rin si ate destiny mo. mahal na mahal kita exiquel ko.' niyakap at hinalikan ko na siya at kinuha na siya ulet ng nurse. dalawang oras pa lumaban ang baby ko. malakas at matapang siya. kaya dapat magpakatatag din ako. Aug16, 2016, araw na una at huling beses na nakita ko si exiquel. ilang araw na nakakalipas, pilit pa rin akong nagpapakatatag. pilit kong kakayanin ang lahat, dapat maging kasing tapang ako ni exiquel, para sa mga munti kong anghel..destiny rose at dean exiquel, mahal na mahal kayo ni mama..
« Last Edit: September 01, 2016, 07:21:04 AM by inah joyy dalisay »
Logged

misspringy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 25
    • View Profile
Re: Recurrent Miscarriaged: mga munting anghel
« Reply #1 on: September 29, 2016, 07:06:51 PM »

im so sorry to hear your losses mommy..may 2 angels kana to guide you. be strong lang lagi mommy.. :)
Logged

Cris Estacio

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: Recurrent Miscarriaged: mga munting anghel
« Reply #2 on: December 13, 2016, 10:07:49 PM »

Sorry for your loss sis..ako man nwalan din ng baby 5yrs ago. 8 mos.n siya nun sa tiyan ko una plng may prob.na cia hyrops fetalis kasi polyhydramnios ako.. wala na siya heartbeat nun kea ininduce ako at nainormal ko siya kahit patay na siya sa tiyan ko. Sabe ng iba siguro hndi talaga tinadhana mabuhay siya kasi wlang kwenta yung dad niya yung ex ko nkpairesponsible. Neto lang 2016 nabuntis ako ult sa new bf ko for 2 yrs na. Dhil sa past pregnancy ko na stillborn high risk ako pro no choice dhil need ko pdin mgwork kahit binawalan ako ng ob ko.. Pro thank God okay baby ko.. I gave birth via CS netong Nov.23 girl this time. Kaya wag ka mwalan ng pag asa ako man nadpress nun nwlan ako ng baby... Maybe you need to  make sure na if youre planning to get preggy again ppcheckup k muna..Malaki din ngstos namin sa mga labs nun preggy ako sa 2nd baby ko pro pra sa kanya naman un..stay strong
Logged