• My Birthing Story: Jolina Magdangal-Escueta

    A firm believer in breastfeeding, she shares how she overcame the challenges that come with being a new mom
  • Jolina Magdangal-Escueta

    Jolina Magdangal-Escueta
    Wife to Mark, mom to Pele, 1 year old
    Actress / singer

    SP: Tell us your birthing story.

    JME: My due date was February 18, and a week before, my OB-Gyn asked me to have an X-ray, kasi nakita niya na parang maliit ako sa weight nung baby. During the test, nakita na ang liit ng pelvic bone ko. That's a week before my due date and yung baby, hindi pa siya nage-engage. So we said we'll wait, kaya lang parang hindi pa rin siya talaga bumubuka, kasi maliit talaga yung sipit-sipitan ko.

    I had two false alarms on the first week of February. Pag nasa bahay ako, ang sakit talaga, pero pagdating sa ospital, wala. Finally, on February 18, during a routine check-up, the doctor told me to be ready, because I was going to undergo the Caesarian procedure later that day. I was told na nababawasan na yung fluid ng baby.

    Kinabahan na ako. Mahina talaga ang tolerance ko sa pain e, injection lang ayaw ko na, manganak pa. Pero sabi ko, dahil gusto kong maging mommy, kailangan ko harapin yan. Hindi na ako mapakali noon kahit hindi ko pa nararamdaman masyado yung pain. Then nilagyan na ako ng suero. Bawat sabihin ng mga nurse at doktor, sabi ko "OK po." Umo-OK lang ako pero kabang-kaba ako talaga pero gusto kong mag-relax. Tapos tinitingnan ko yung asawa ko, mukhang OK naman siya kaya OK na rin ako. Pero kabang-kaba na rin pala siya nung time na yun.

    Around 2:00 to 2:30 pm, dinala na ako sa operating room so to relax myself, daldal lang ako ng daldal para ma-distract ang sarili ko. Later on medyo inaantok na ako, and naalala ko ginaw na ginaw ako. Pero alam ko pa yung nangyayari. Mamaya pinatagilid na ako for the injection, tapos wala na akong nararamdaman sa baba. Then they pulled the curtain,kaya hindi na ako kinakabahan. A little later, ayun na, dinala na sa akin yung baby, si Pele. On February 18, 2014, pinanganak si Pele Iñigo Escueta, na may timbang na 6.8 pounds. Sabi ko pa "Ito na ba?" Akala ko lahat nangyari lang in 30 minutes, yun pala 3 hours.

    Pagkatapos nun, hindi pa rin ako makatulog, nakatingin lang ako sa asawa ko at sa baby. Hindi ako makapaniwala. Sa isip ko, "Bakit ang laki pa rin ng tiyan ko?"


    SP: How did Mark feel during all of this?

    JME: Nakatingin lang siya sa akin. Pero talagang hindi din sya nagpakita na natakot sya, nire-relax niya lang daw yung sarili niya kasi ayaw niyang makita ko siya na nase-stress. Ang sarap daw nung feeling nung nakita niya na si Pele.

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    SP: How was the recovery period? 

    JME: Mahirap. Marami nang nagsasabi sakin mahirap talaga ang recovery pero sabi ko baka naman hindi. Pero pagdating ko dun siyempre siguro dahil excited din yung ibang tao, second day pa lang ata gusto na akong ma-interview, so kailangan ko magmake-up na.

    Nung first time akong pinaliguan, sa kama na mismo. Hindi talaga kasi ako makagalaw. But then, kailangan ko din mag-breastfeed kasi natatakot ako pag umiiyak siya, kaya sabi ko, kailangan hindi ko "i-baby" itong pain na to. I gave birth on the 18th, pero nung February 20, kailangan ko nang pilitin tumayo kahit gaano pa kasakit. Pinilit ko talaga, dahan-dahan. Feeling ko kasi, pag hindi ko pinilit tumayo mas lalo akong mahihirapan. Also, gusto ko na talagang lumakad, kasi feeling ko ang laki laki ko, ang hina ng legs ko, tapos ang bigat ng pakiramdam. So ita-try kong lumakad, pero pag nahilo ako, hihiga ako. Tapos ita-try ulit lumakad.

     

    Jolina Magdangal-Escueta


    SP: Do you breastfeed exclusively? 

    JME: Yes. Until now. Gusto ko ma-breastfeed ko si Pele kahit beyond two years, kahit may ngipin na siya. Hanggat kaya ko, at alam kong kailangan niya at makakabuti sa kaniya, magbe-breastfeed ako.

     

    SP: How did you prepare for motherhood and breastfeeding?

    JME: Nagbabasa ako. May mga friends din ako na nagbe-breastfeed. Si LJ Reyes, 2 years and 9 months siyang nagpadede. Iba talaga pag breastfed e, hindi nagkakasakit nang madalas. And gusto ko yung bonding na nandoon pag nagbe-breastfeed. Kaya ngayon, kahit bumalik na ako sa work, dala ko si Pele. Gusto ko pa rin makadede siya kahit nagso-solid food na siya.

    Nag-attend din ako ng seminar. And then, yung sister-in-law ni Mark very encouraging din. Ang una ko talagang concern, dapat kahit bumalik na ako sa work, dapat may gatas pa din ako. Takot na takot ako mawalan ng gatas.

     

    SP: What challenges did you encounter while breastfeeding?

    JME: There were times na nagsusugat na yung nipples ko, so nagpapunta kami sa lactation consultant para malaman kung may mali sa ginagawa ko. Nung gumaling na, clogged ducts naman. Ang sakit. So yun na naman, consult ulit kami.

     

    SP: How did you manage all that? 

    JME: Hindi ko alam kung paano. Ni hindi ko akalain na magagawa ko lahat yun. Mahirap, pero sabi ko talaga sa anak ko, ako ang mommy mo, ako ang mag-aalaga sa yo. Siguro it will come naturally na makakaya mo pala. Minsan kahit antok na antok na ako, magpa-pump muna ako ng milk kasi gusto ko meron siyang reserba. Kahit walang tulog, okay lang sa akin basta meron akong naipon. Nakapag-donate pa nga ako ng milk e. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    SP: Did you have a difficult pregnancy?

    JME: Thankfully, I had a fairly easy pregnancy. No morning sickness. Na-enjoy ko sya, although nag-spotting ako nung first trimester hanggang second trimester. Pero sa pagkain hindi ako naging maselan. Favorite ko Japanese food (pero bawal yung hilaw), saka cheesecake ng Lemon Square. Pag nagising ako sa gabi yun ang kinakain ko. Saka pastillas de leche.


    SP: How did you lose the pounds you gained during pregnancy?

    JME: I gained around 25 to 30 pounds. Ang hirap pala magpapayat tapos CS pa. After 6 months saka lang ako pwedeng mag-work out. Ngayon, diet. No rice. Tapos minsan one meal a day pero I make sure na lagi akong may water, lagi akong may sabaw para may breast milk. Tapos, active ako, nagba-badminton, tapos sa bahay naman treadmill.

     

    SP: What tips can you give moms? 

    JME: Breastfeed your baby, kasi iba talaga ang batang laki sa gatas ng ina -- sa relationship nyong mag-ina, sa bonding, sa pagpapalaki sa bata and yung health nung bata. Napaka-important sa akin nyan. Kailangan nyo lang tyagain.

    Another tip, mag-invest kayo para sa future ng baby nyo. Kami, natuto kaming mag-invest sa Sun Life. Dati hindi ako naniniwala sa mga ganiyan, pero pag may anak ka na pala iisipin mo na lahat yun.

     

    SP: Any chance that you'll have another child soon? 

    JME: Gusto pa namin hanggang tatlo. Babae sana yung next, kasi ang cute pala ng combination namin.

    See what's inside Pele's baby bag by clicking 'View slideshow'!

    Related: Newscaster Connie Sison's Birthing Story

    Related: Newscaster Nina Corpuz's Birthing Story

     

    Photos by Vincent Coscolluela. Hair and makeup by Pong Niu





View More Stories About
View more articles