Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • 10 Personalized Panregalo Para Sa Mabubunot Mo Ngayong Taon

    Mas makakamura ka kung bibili ka in bulk o oorder ka ng mas maaga.
    by Ana Gonzales .
10 Personalized Panregalo Para Sa Mabubunot Mo Ngayong Taon
PHOTO BY Bubba Doodles and Pananaw Studio
  • Isa sa mga pinakamagandang regalo na maaari mong ibigay ngayong Pasko (o sa kahit ano pa mang okasyon) ay mga personalized items. Bukod sa marami kang options na pwedeng pagpilian, sigurado ka ring mas maeengganyo ang iyong pagbibigyan na gamitin ang iyong regalo. 

    Narito ang ilan sa mga personalized items na pwede mong ipanregalo ngayong taon:

    Bag Tags

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa una, iisipin mong boring at mukang mumurahin ang bag tags pero iba ang dating nito kung nakalagay na ang pangalan ng reregaluhan mo. Mas magiging maganda pa kung set ang ibibigay mo—isa para kay mommy, isa para kay daddy, at sa mga bata. Isa sa mga suppliers na pwede mong i-contact ang Something Personal (Facebook: @SomethingPersonalPH). Marami silang offer na personalized items tulad ng bag tags, bags, at iba pa.

    Baskets

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maganda at praktikal ding ipamigay ay mga baskets na may monogram mula sa Basketry Home (Facebook: @basketryhome). May rectangular organizers sila na nagkakahalaga ng Php250 at mayroon din  silang malalaking klase na nagkakahalaga ng mula Php450 hanggang Php750.

    Hand-painted Magnets

    Kung alam mo ang mga paboritong bagay ng mga mommy friends mo, pwedeng-pwede mong ipagawa ito bilang hand-painted magnets. Pwede mong tignan ang mga gawa ng Pananaw Studio (Facebook: @pananawstudio). Level up na ito sa mga usual na magnets na nabibili mo online.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Personalized Acrylic Gifts

    Ang maganda sa regalong ito ay kung gaano sila ka-useful. Maaari silang maging organizer, Christmas decor, o kung ano pa mang gamit sa bahay na magandang lagyan ng pangalan ng iyong mga pagbibigyan.

    Personalized Jewelry

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magandang ipanregalo rin ang mga doodles ng anak ng iyong mga kaibigan. Kailangan mo lang mag-investigate sa kanilang mga social media para makita kung may ilang illustrations ng mga anak nila ang pwede mong ipagawang jewelry sa Bubba Doodles (Instagram: @bubbadoodles). Kung wala namang drawing ang mga anak ng mga kaibigan mo, pwede mo ring bigyan ng personalized necklaces tulad ng mayroon sa Couturemanille (Facebook: Couturemanille).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan pang magandang personalized jewelry makers ay ang Cat + Kai Handmade Jewelry (Instagram: @catkaihandmade), Istorya (Instagram: @istorya), at Nami (Instagram: @nami).

    Hand-painted Bayong Bags

    Dahil mahal ang hand-painted bag ng mga artista, doon ka na lang sa hand-painted bayong—environment-friendly na, mabuti pa sa kalikasan. Pwede kang pumili at magrequest ng designs sa Chinellie Designs (Facebook: @ChinelllieDesigns).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maganda rin ang mga bayong mula sa The Artsy Bag by CollabArt (Facebook: @TheArtsyBag). 

    Personalized Toiletries

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Minsan, boring ang mga toiletries, pero kung set ang ibibigay mo at personalized ang pinaglalagyan nito, mas nagiging interesting ito sa mga pagbibigyan mo. Sa Karton.ph (@kartonph), mayroon silang beauty at wellness boxes na pwede mong i-personalize depende sa gusto mo at alam mong kailangan ng mga pagbibigyan mo. Pwede kang magbigay ng pabango o hindi naman kaya ay lotions, hand sanitzers, at iba pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May mga toiletries din na pwede mong i-personalize tulad ng sa Dove. Pwede mo na ngayon i-personalize ang Dove bottles na oorderin mo. Pumunta ka lang sa kanilang website para maka-order ng mga personalized Dove bottles na pwede mong ipamigay sa iyong mga kaibigan.

     

    Statement Shirts

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magandang ipanregalo rin ang mga statement shirts o hindi naman kaya ay mga printed shirts. Sa The Printoven (Facebook: @theprintoven), pwede kang magpa-print ng simpleng apelido ng pamilya ng pamilya ng pagbibigyan mo. Ibibigay mo lang ang design sa kanila at pwede mo na itong makuha ng isa hanggang dalawang araw, depende sa stocks nila na available. Pwede ang kahit malalaking design, pwede rin naman kahit simpleng lettering lang—depende sa gusto mo.

    Monogram Towels and Personalized Blankets

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Perfect ibigay ang mga regalong ito para sa mga nanay na may maliliit na bata. Maganda rin itong ibigay in bulk dahil masayang makatanggap ng personalized towels para sa buong pamliya. Pwede kang umorder sa Hour Home (Instagram: @hour_home). Nagpe-personalize din sila ng sanitizer bottles, notebooks, pens, at pouches.

    Leather Goods

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung leather goods naman ang paborito ng mga kaibigan mo, pwede kang umorder sa ROSE Leather Crafts (Instagram: @roseleathercratfsph). Pwedeng i-personalize (lagyan ng pangalan) ang mga eather essentials nila tulad ng phone holders, passport holders, wallets, ring keyholders, leather cord wraps, at earphone holders. Mayroon din silang valet trays at card holders. 

    Mayroon ka pa bang ibang ideas ng personalized gifts na pwedeng ibigay sa mga kaibigan mo ngayong taon? 

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles