embed embed2
  • PPEs, Copper Masks, At Skincare Kits! Magagandang Panregalo Sa Inyong Pedia At OB

    Mabibili mo ang lahat ng mga ito online!
    by Ana Gonzales .
PPEs, Copper Masks, At Skincare Kits! Magagandang Panregalo Sa Inyong Pedia At OB
PHOTO BY Facebook/Gloss Skin and Beyond, RoseBerries Manila
  • Nang pumutok ang COVID-19 pandemic, isa sa mga pinakaapektado ang mga doktor, nurses, at iba pang mga medical personnels. Sila ang naging frontliners o unang linya ng depensa natin laban sa virus.

    Noon pa man, sila na ang inaasahan mo kung hindi maganda ang pakiramdam mo. Sila rin ang katuwang mo sa iyong pagbubuntis, hanggang sa iyong panganganak, at hanggang sa unang checkup ng anak mo.

    Hindi mo kailangang gumastos nang malaki kung gusto mong ipakita sa kanila ang appreciation mo.

    Narito ang ilang gift suggestions para sa kanila, mula sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village:

    Personal protective equipment

    Marami nang mao-orderan ng mga PPEs o personal protective equipment ngayon lalo na't naging bahagi na ito ng new normal.

    Maganda itong panregalo sa family doctors ninyo dahil ito ang isa mga pangunahing pangangailangan nila ngayon.

    May mga washable PPEs na ngayon. Pwede kang umorder nito sa Ropa Fina. Php1,350 ang kanilang jacket at pants set.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede mo ring bilhin nang magkahiwalay ang jacket at pants.

    Pwede ka ring umorder mula sa Gameville Sportswear. Php600 lang ang kanilang PPEs.

    CopperMask Face Mask

    Highly recommended din ito ng mga nanay mula sa Village.

    Nagkakahalaga ang isang box ng CopperMask Face Mask ng Php380 habang Php760 naman ang kanilang bundle.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Desk calendar o planner

    Importante na ngayon sa mga medical personnels na maayos ang kanilang appointment system dahil hindi na pwedeng sabay-sabay ang pagpunta ng mga pasyente.

    Kaya naman, magandang bigyan ang OB mo at pedia ng anak mo ng desk calendar.

    Marami kang mabibiling ganito sa online shops tulad ng Lazada at Shopee. Nagkakahalaga ang mga ito depende sa laki at design.

    Pwede mong i-check ang mga designs sa flagship store ng Papemelroti sa Lazada.

    Skincare kits

    Laging maganda at praktikal na panregalo ang mga skincare kits. Highly recommended ng mga nanay ang Gloss Skin and Beyond.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon silang kits na nagkakahagala ng Php304. Pwede ka ring bumuo ng sarili mong combinations ng mga produkto.

    Sweet treats

    Magandang panregalo rin ang mga sweet treats tulad ng mayroon sa RoseBerries Manila. Chocolate-covered strawberries ang specialty nila.

    Php1,620 ang isang kahon ng 12 piraso. Php1,150 naman ang maliit na box na may kasama nang maliit na bote ng wine.

    Ilan lamang ang mga ito sa mga pwede mong ibigay sa doktor mo at ng mga anak mo. Pwede rin kayong gumawa ng mga cards para mas maging personal ito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles