embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • 15 Maganda At Praktikal Na Panregalo Kay Teacher Ngayong Pasko

    Narito ang ilang simple ngunit makabuluhang regalo para sa kanila.
    by Ana Gonzales .
15 Maganda At Praktikal Na Panregalo Kay Teacher Ngayong Pasko
PHOTO BY Pixabay
  • Gaya nga ng sabi nila, ang mga guro ang tumatayong pangalawang magulang ng ating mga anak. Sa katunayan, kapag nagsimula nang pumasok sa eskwelahan ang mga bata, mas mahaba pa ang oras na kasama nila ang kanilang mga guro kaysa sa atin.

    Kaya hindi masamang ipakita ang ating appreciation sa mga teachers ng ating mga anak ngayong nalalapit na holiday season. Narito ang ilang makabuluhang regalo na minungkahi ng mga nanay na kasali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    Gift Certificate

    Maraming establishments ang nag-ooffer ng gift certificates kaya siguradong hindi ka mauubusan ng options. Bukod pa sa maraming choices, hindi mo rin poproblemahin ang budget dahil mayroon kang mabibiling gift certificate na mula Php500 hanggang Php4,000.

    Pwede kang bumili mula sa mga pangunahing malls o di naman kaya ay sa mga parlors o spa para naman ma-treat si ma’am at sir sa relaxing na me-time.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Noche Buena Package

    Magandang suggestion din ng mga nanay sa Village na bigyan si ma’am ng Noche Buena package. Kung kaunti lang ang teachers ng mga anak mo at pasok naman ito sa budget, maganda at praktikal itong ibigay sa mga guro. Kung katulad mo rin sila na mga busy nanay, malaking tulong ang mga grocery items para hindi na sila mamroblema sa Noche Buena ng kanilang pamilya. 

    Tickets o kahit anong related sa kanilang passion 

    May ilang mga teachers sa Village na nagsabing masarap makatanggap ng regalo na nagpapakitang kilala sila ng mga magulang ng mga estudyante nila. Kaya naman kung gusto mong pasalamatan si teacher, subukan mong alamin ang kanyang mga hobbies at passions.

    Kahit simpleng movie ticket lang kung alam mong mahilig siyang manood ng sine o di naman kaya ay set na magagamit niya para sa kanyang arts and crafts.

    More from Smart Parenting

    Makeup o skincare items

    Kung napapansin mong mahilig si teacher sa makeup, pwede mo siyang bigyan ng brushes o di naman kaya ay pouch para sa kanyang kit. Marami nang personalized pouches ngayon na mabibili ng mura, lalo na kung bulk orders ang iyong gagawin. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    At dahil medyo may kamahalan ang mga good-quality makeup, pwede ka namang bumili ng mga discounted makeup brushes online. Pwede rin ang mga skincare items tulad ng face masks o di naman kaya ay rollers o hair clips na pwedeng gamitin ni teacher para sa kanyang skin care routine.

    Personalized notebooks o notepad

    Dahil maraming sinusulat ang mga teachers, malaking kabawasan sa gastos nila kung makakatanggap sila ng notebooks o notepads. Para maging mas espesyal, pwede kang umorder online ng mga personalized items.

    More from Smart Parenting

    Libro

    Mahilig bang magbasa si teacher? Bakit hindi isang mababang stack ng libro ang ibigay mo sa kaniya? Ipatanong mo lang sa mga anak mo kung anong mga paboritong libro ng kanyang guro o aling libro ang wala pa siyang kopya. 

    Kung wala ka namang pagkakataong magtanong, pwede kang pumili sa top 100 books ng website na Good Reads.

    Payong

    Huwag maliitin ang regalong ito, lalo na kung ‘yung good-quality na payong ang bibilhin mo. Sa pabago-bagong panahon ngayon, siguradong ma-aappreciate ni teacher ang payong na ireregalo ninyo ng anak mo. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Baunan o lunch bag

    Napapansin mo bang mahilig magbaon si ma’am at sir? Magandang ibigay sa kanila ang matibay na baunan o di naman kaya ay lunch bag. Pwede kang bumili ng insulated kung medyo mataas ang budget mo.

    Magandang idea rin na bigyan sila ng tote bag na gawa sa katsa. Matibay kasi ang mga ito at abot-kaya lang ang pagpepersonalize sa kanila. Mas makakamura ka rin kung kukuha ka ng maramihan. Bukod sa pwede itong magamit ni teacher para sa kanyang school things, handy rin ito in case kailangan niya ng recyclable bag para sa grocery.

    More from Smart Parenting

    Magandang ballpen

    Ito na siguro ang isa sa mga pinakamura ngunit talaga namang sulit na pwede mong ibigay sa mga guro ng mga anak mo. Praktikal ito at malaking tulong dahil hindi na nila kakailanging bumili pa kung bibigyan mo sila ng ilang piraso.

    Water bottle

    Nakakapagod ang nakatayo at nagsasalita ng ilang oras sa isang araw. Kaya naman para matulungan mo si teacher na panatilihing healthy ang kanyang pangangatawan, magandang bigyan mo siya ng water bottle.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May mga personalized varieties na mabibili online at mayroon din namang mga naka-sale sa mga malls na pwede mong bilhin ng maramihan. Kung mas malaki naman ang iyong budget, pwede mo silang bigyan ng insulated na tumbler.

    More from Smart Parenting

    Foot socks o panyo 

    Maganda ring bigyan ng stockings ang mga teachers na babae ng anak mo kung alam mong nagsusuot pa sila ng ganito. Medyas naman para sa mga gurong lalake. Pagdating naman sa mga panyo, magandang palagyan pa ng embroidery ng pangalan nila para mas personalized at espesyal.

    Kape

    Sa halip naman na mug ang ibigay mo, bakit hindi na lang coffee beans. Marami nang mabibili ngayon na coffee beans na halos Php200 lang ang 500 grams. Kung hindi naman nagkakape si teacher, pwedeng-pwede ang tea and honey—mas healthy pa.

    Homemade na mga palaman o panghimagas

    Marunong ka bang gumawa ng desserts and spreads? Bakit hindi na lang ito ang ibigay mo sa kanila? Bukod sa praktikal na, pwede pa nila itong i-share sa kanilang mga kapamilya at mahal sa buhay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Planner o organizer

    Maraming ganap ang mga guro ng mga anak natin kaya malaking tulong sa kanila kung bibigyan mo sila ng planner o di naman kaya ay organizer. May mga desk planners at desk organizers na pwedeng pagpilian, depende na lang sa makikita mong pangangailangan niya. 

    Card na gawa ng mga anak mo

    Hindi kailangang gumastos para sa regalo. Basta’t taos sa puso ang pagbibigay nito at malalim ang kahulugan ng mensahe, walang makakapantay sa halaga ng regalo mo. Kaya kung wala talagang budget ngayong Pasko, isang simpleng card lang na gawa ng inyong mga anak ay ayos na ayos na.

    Hayaan mong isulat ng mga anak mo ang kanilang pasasalamat at appreciation sa kanilang guro. Samahan mo pa ng kanilang cute na drawings o pictures.

    Huwag mag overthink pagdating sa regalong ibibigay mo sa mga guro ng iyong mga anak dahil kalimitan ay napakasimple lang naman ng kanilang kaligayahan. Madalas ay mas natutuwa sila kapag naaalala sila kaysa sa mga regalong natatanggap nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anong regalo mo sa mga teachers ng mga anak mo ngayon? I-share mo sa amin sa comments section o di kaya ay ibahagi sa mga nanay sa Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles