embed embed2
  • Ano Nga Ba Ang Holiday Blues O Iyong Tinatawag Na Holiday Depression?

    Ito ang mga dapat mong gawin kung nakakaranas ka ng kalungkutan ngayong holiday season.
    by Ana Gonzales .
Ano Nga Ba Ang Holiday Blues O Iyong Tinatawag Na Holiday Depression?
PHOTO BY Pexels
  • Dito sa Pilipinas, Setyembre pa lang ay nagsisimula na ang holiday season. Mahaba talaga ang selebrasyon nating mga Pilipino ng Pasko at Bagong Taon. Kadalasan ay ibinababa lang natin ang ating mga holiday decorations sa huling linggo ng Enero.

    Ito ang season para maging masaya at para maging mapagbigay. Ito ang paboritong panahon ng mga bata. Kaya naman hindi lahat ay alam kung ano ang tinatawa na holiday blues o holiday depression.

    Bagaman ang depression ay maaaring maramdaman ng kahit sino sa kahit anong bahagi ng taon, mas nagiging matindi ito para sa iba dahil na rin sa kalungkutan ng pag-iisa at sa pakiramdam na wala silang naaabot o naaaccomplish. 

    More from Smart Parenting

    Anu-ano nga ba ang dahilan kung bakit tumitindi ang depression kapag holiday season?

    Social isolation

    Kabi-kabila ang mga handaan kapag Pasko at Bagong Taon ngunit hindi lahat ay kabilang sa mga holiday parties na ito. May mga taong hindi nabibigyan ng oportunidad para makipag-socialize sa bahaging ito ng taon. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung may mga tao kang pinaghihinalaan na walang makakasama ngayong holiday season, bakit hindi mo sila yayaing kumain? O hindi kaya ay bigyan mo sila ng simpleng regalo? Kahit simpleng pakikipag-usap lang sa kanila ay maaaring makatulong.

    Pagluluksa dahil sa pumanaw na kaibigan o kamag-anak

    Mahirap maging masaya kung nagluluksa ka sa pagkawala ng kaibigan o kapamilya. Katulad ng social isolation, makakatulong ka sa pamamagitan ng pag-reach out.

    More from Smart Parenting

    Narito ang ilang paraan para maiwasan mo ang holiday blues

    Huwag magpadala sa holiday pressure

    Hindi ito pagandahan ng Christmas tree o pabonggahan ng mga regalo. Huwag kang makipagkompetensya sa iba. Tandaan mo na ang tunay na diwa ng Pasko at Bagong Taon ay ang pakikipag kapwa tao, pagtulong, at pagbibigay ng taos sa puso.

    Mag-volunteer

    Hindi lahat ay mayroong kakayahan para mag-celebrate ngayong holiday season, kaya naman magandang mag-volunteer sa iba’t-ibang organisasyon. 

    Mayroong mga nag-iipon ng mga regalong ibibigay para sa mga bata, mayroong mga nag-oorganize ng mga feeding program at iba pa. Maraming paraan para tumulong sa mga tao kapag holiday season.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mas madaling maging malungkot kung nag-iisa ka. Kaya naman hanggat maaari, mas makakabuti kung hindi ka isolated. Kung mayroon ka namang mga iniiwasang kamag-anak ngayong holiday season dahil toxic sila, mayroong mga paraan para hindi nila maapektuhan ang iyong mental health.

    More from Smart Parenting

    Makakatulong din kung mag-fofocus ka sa mga bagay na ipinagpapasalamat mo ngayong taon sa halip na tignan ang mga bagay na wala ka o mga bagay na hindi mo naabot o nagawa ngayong taon. Tandaan mo na ang panahong ito ay marka lamang ng bagong simula at hindi lang ng katapusan.

    Nakaramdam ka na ba ng lungkot kapag holidays? Anong ginagawa mo para maiwasan ito? Maaari mo ‘yang ibahagi sa amin sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles