embed embed2
  • Bakit Mas Magandang Aminin Mo Sa Anak Mo Na Hindi Kay Santa Galing Ang Mga Regalo

    Ano nga bang posibleng epekto kung hindi mo sinasabi ang totoo sa anak mo?
    by Ana Gonzales .
Bakit Mas Magandang Aminin Mo Sa Anak Mo Na Hindi Kay Santa Galing Ang Mga Regalo
PHOTO BY Shutterstock
  • Ilang Pasko mo na bang sinasabi sa anak mo na galing kay Santa Claus ang mga regalong natatanggap niya?

    Nakakatuwa nga naman kasi ang saya sa kanyang mukha at kislap sa kanyang mga mata kapag naririnig niyang galing pa sa kabilang bahagi ng mundo ang regalong natanggap niya.

    May masamang epekto nga ba sa mga bata kung sinasabi mo sa mga anak mo na kay Santa galing ang laman ng kanyang Christmas stockings?

    What other parents are reading

    Panawagan ng social worker na si Megan Dunn, mas magandang iwasan ang pagsasabi nito, lalo na kung mamahalin ang mga regalong nasa ilalim ng inyong Christmas tree.

    Ayon kay Dunn, hindi lahat ng magulang ay may kakayahang magbigay ng magagandang regalo. Maaaring magtanong ang anak mo, 'Hindi ba ako naging mabait na bata kaya kaunti lang ang ibinigay na regalo ni Santa?'

    Samantalang kung sasabihin mo sa anak mo na sa inyo ng daddy niya galing ang regalo, mas maiintindihan niyang may limitasyon kaya iyon ang regalong nakuha niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mas magiging realistic din ang hihingin niya sa inyo ng daddy niya kung alam niyang kayo ang nagbibigay taon-taon ng kanyang mga Christmas presents.

    May mga nagtanong naman kay Dunn kung paano na ang imahinasyon ng kanilang mga anak kung sa murang edad ay malalaman na ng mga bata na hindi totoo si Santa.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Napakasaklap nga namang sabihin sa kanila na hindi totoo ang isang taong sinusulatan nila ng kanilang mga kahilingan taon-taon.

    Dito maaaring pumasok ang ilang mga tips ng mga magulang. Isang magandang paraan ay kung pipiliin mo lang ang mga regalong 'galing kay Santa.' Halimbawa, ang mga maliliit na laruan o ano mang simpleng bagay ay maaari mong sabihing galing kay Santa.

    Maaari mo itong gamiting teachable moment, kung saan ituturo mo sa anak mo na ang kahulugan ng Pasko ay wala sa laki at presyo ng regalo kundi nasa pagpapasaya ng kapwa gaano man kasimple ang paraan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede mo ring subukan ang ibinahaging tip ni mommy Charity Hutchinson na isinulat ni Leslie Rush.

    Sabi niya, sa edad na anim o pito pwede mo nang kausapin ang anak mo para sabihin ang isang napaka-importanteng 'sikreto'—na hindi lang iisang tao si Santa Claus. Ang sino mang mapagbigay at mabait ay maaaring maging Santa.

    Pwede mong sabihin sa anak mo na nasa edad na siya kung saan siya na ang maaaring magsilbing Santa Claus sa ibang mga bata at matatanda.

    Ibig sabihin, hindi na siya makakakuha ng regalo mula kay Santa, dahil siya na ang magbibigay. Pwede mong sabihin sa anak mo na dahil naging mabait, magalang, at matulungin siya ngayong taon, handa na siyang maging Santa Claus para sa iba.

    Pagkatapos ay papiliin mo siya ng taong reregaluhan ninyo para makita niya kung ano ang pakiramdam ng nakakapagpasaya ng ibang tao.

    What other parents are reading

    Hindi masama ang paniniwala kay Santa Claus kung hindi ito magiging dahilan para maging materialistic ang anak mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang una mong dapat ipakilala sa kanya ay hindi ang magical na Santa Claus na tumutupad ng lahat ng kahilingan, kundi ang Santa na mapagbigay at mas naka-focus sa pagpapasaya ng iba.

    Naniniwala ba kay Santa Claus ang mga anak mo? Sinasabi mo ba sa kanila na kay Santa galing ang mga regalong nakukuha niya tuwing Pasko? Kumusta ang inyong experience? I-share mo na iyan sa comments section.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles