embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Iwasan Ang Malas! Mga Dapat Gawin At Iwasan Sa Chinese New Year

    Ang Chinese New Year ay tinatawag ding Lunar New Year at umpisa ito ng spring sa ibang bansa.
    by Jocelyn Valle .
Iwasan Ang Malas! Mga Dapat Gawin At Iwasan Sa Chinese New Year
PHOTO BY iStock
  • Ang Chinese New Year ay tinatawag ding Lunar New Year dahil base ito sa monthly cyles ng buwan o moon phases. Sa kabilang banda, annual cycles naman ng araw ang sinusunod ng solar calendar, kabilang ang commonly used na Gregorian calendar, kaya nakapirme ang petsa ng bagong taon sa January 1. 

    Ngayong 2020, ang Lunar New Year ay magsisimula sa January 25, 2020 na siya ring umpisa ng tagsibol o spring sa mga bansang sumusunod sa lunar calendar, tulad ng China, South Korea, at Vietnam. Ang isa pa nilang tawag sa okasyon na ito ay Spring Festival, at may kanya-kanyang paraan ang mga bansang iyon sa pagdiriwang nito.

    More from Smart Parenting

    Mga dapat gawin para suwertehin sa pagsalubong ng Chinese New Year 

    May mga pamahiin na natutunan ang mga Pilipino mula sa mga Chinese na kung hindi man sinusunod ay iniiwasan sa paniniwalang magiging masagana at ligtas sa buong taon. Narito ang ilan sa ang mga sinusunod mula sa mga nakausap naming Chinese, mga ibinabahagi ng isang feng shui store, at mga hango sa research.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    1. Magsuot ng bagong kasuotan na pula ang kulay.
    2. Magbigay ng pulang sobre, o ang pao, sa mga bata.
    3. Mag-display ng 12 klase ng bilog na prutas.
    4. Kumain ng bilog na prutas.
    5. Kumain ng tikoy dahil ito ay simbolo ng matatag na pamilya.
    6. Magpasabog ng mga barya, o coins, sa loob ng bahay hatinggabi ng bagong taon.
    7. Siguraduhing puno ang salop ng bigas.
    8. Bumisita sa mga kamag-anak at magsalo-salo ng hapunan.

    Mga dapat iwasan para hindi malasin ayon sa Chinese New Year tradition

    1. Pagpapagupit ng buhok at pagligo. Baka maputol o matanggal ang swerte sa katawan. Gawin ito bago sumapit ang bagong taon.
    2. Pagwawalis at pagtatapon ng basura. Baka lumabas ang suwerte sa bahay. Gawin ito bago sumapit ang bagong taon.
    3. Pagkikipag-away at pagmumura.
    4. Pagsasabi ng mga malas na salita, tulad ng kamatayan o sakit.
    5. Pagbabasag ng mga gamit.
    6. Pangungutang ng pera. 
    7. Pagpunta sa ospital, maliban na lang kung emergency.
    8. Paggamit ng mga matatalim na bagay, gaya ng gunting at kutsilyo. 
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles