Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Holiday Cakes: Saan Masarap Umorder Ng Pang Noche Buena?

    Narito ang ilan sa mga paborito ng mga nanay sa Smart Parenting Village.
    by Ana Gonzales .
Holiday Cakes: Saan Masarap Umorder Ng Pang Noche Buena?
PHOTO BY Pexels
  • Anong madalas na dessert ninyo kapag Pasko at Bagong Taon? Tradisyon na kasi ng pamilyang Pilipino na maghain ng mga malalagkit na panghimagas lalo na kapag Bagong Taon. Ito’y dahil sa paniniwala na kakapit daw ang swerte sa pamilya kung malagkit ang mga desserts na nasa lamesa. Hindi rin mawawala ang leche flan, ube halaya, mango graham cake at fruit salad.

    Pero kung naghahanap ka ng ibang alternatibo o hindi naman kaya ay pandagdag, pwede mong isama sa menu ninyo ngayong taon ang cake. Narito ang ilan sa mga highly recommended cake stores and flavors mula sa mga nanay sa Smart Parenting Village:

    More from Smart Parenting

    Conti’s Bakeshop & Restaurant

    (Facebook: @contispastryshopandrestaurant)

    Kilala ang Conti’s, hindi lang sa kanilang masasarap na pagkain, kundi pati na rin sa kanilang masasarap na cakes.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paborito ng marami ang kanilang Mango Bravo na mabibili mo sa halagang Php1,480 para sa regular size at Php895 naman para sa mini.

    Masarap din ang kanilang Sans Rival na nagkakahalaga ng Php795 at ang kanilang cheesecakes na mabibili mo sa halagang Php675 hanggang Php645.

    Chrisha’s Kitchen

    (Facebook: @ChrishasKitchenOfficialPage)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung gusto mo namang makatikim ng kakaibang take sa usual cakes, recommended ng mga nanay ang Chrisha’s Kitchen.

    Ang Moist Chocolate Cake nila ay nagkakahalaga ng Php750, habang ang kanilang Cashew Sans Rival na malaki naman ay mabibili mo ng Php1,700.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon din silang cheesecake at chocolate fudge cake na parehong nasa Php850 ang halaga. Maaari ka ring umorder ng keto-friendly cakes sa kanila kung ayaw mong maantala ang iyong keto lifestyle ngayong holiday season.

    More from Smart Parenting

    Hazelberry Cafe

    (Facebook: @hazelberryofficial)

    Isa sa mga bestsellers nila dito ay ang kanilang Aras Oreo Cheesecake in Tin Can na nagkakahalaga ng Php650. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon din silang Blueberry Cheesecake, Red Velvet Cheesecake, at Mango Cheesecake.

    Mabenta rin ang kanilang Aras Red Velvet Oreo Cheesecake.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Not Just Sweet

    (Facebook: @notjustsweet)

    Perfect ang samplers nila dito sa Not Just Sweet kung hindi ka makapag decide sa flavor ng cake na bibilhin mo. Pwede kang umorder ng kanilang Sampler Quart Cake—apat na bestselling flavors na ang kasama dito sa halagang Php550.

    Pwedeng square at pwedeng bilog ang cake na orderin mo, depende sa gusto ng inyong pamilya o sa dami ng maghahati.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon din silang varieties na naka-tin can katulad ng kanilang Chocolate Cream Cheese, Carrot Cake, at Red Velvet Cream Cheese Torte.

    More from Smart Parenting

    Lia’s Cakes In Season

    (Facebook: @liascakes)

    Nagsimula ang Lia’s Cakes In Season dahil sa masarap na Avocado Cake recipe na mayroon ang pamilya ng may-ari. Mula roon ay nabuo nila ang konseptong “fruits-to-cakes-in-season”. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya naman kung naghahanap ka ng mga kakaibang cakes, isa ang Lia’s sa mga maaari mong puntahan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Naging signature product nila ang Avocado Cake, pero mayroon pa silang ibang flavors tulad ng Calamansi Cheesecake, Strawberry Cheesecake, at Mango Cheesecake.

    Bukod pa sa mga nabanggit, highly-recommended din ng mga nanay ang Sea Salted Honey Crunch Cake mula sa Cara Mia Cakes & Gelato (Facebook: @caramiacakesandgelato) at ang Nestle Crunch Cake ng Cake2Go Cake Store (Facebook: @cake2go.ph).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ano man ang mapili mong panghimagas ngayong nalalapit na Pasko at Bagong Taon, siguradong magiging mas matamis ito kung kasalo mo ang iyong pamilya.

    Tandaan lang na maghinay-hinay sa mga matatamis, maaalat, at matatabang pagkain para iwas sakit pagpasok ng Bagong Taon.

    May bibilhan ka na ba ng cakes ngayong holiday season? I-share mo kung saan sa comments section. Pwede mo ring ibahagi sa mga kapwa mo nanay. Sumali ka lang sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Bisitahin ang aming website para sa mas marami pang kwentong katulad nito.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles