Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Maging Responsable, Huwag Nating Kalimutan Ang Tamang Asal Sa Sementeryo

    Mula sa mga dapat dalhin hanggang sa basic “undas etiquette”.
    by Ana Gonzales .
  • Ang pagpunta sa sementeryo tuwing undas ay nakaugalian na ng bawat pamilyang Pilipino. Bukod sa paggunita sa alaala ng ating mga yumaong mahal sa buhay, nagsilbi na ring “reunion” ang undas dahil na rin walang pasok sa eskwela ang mga bata at bakasyon din sa trabaho ang mga matatanda. Dahil dito, may mga pagkakataong nakakalimutan na natin kung ano ba talaga ang kahulugan ng holiday na ito. 

    More from Smart Parenting

    Kaya naman naglabas na ang Manila North Cemetery (MNC) nitong Lunes lang ng kanilang guidelines para maging mas maayos ang pagdalaw ng mga pamilya sa kanilang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na.

    Sa interview ng Philippine News Agency kay MNC director Roselle Castañeda, sinabi nitong numero unong ipinagbabawal na dalhin ng mga bisita ang mga patalim o kung ano mang matutulis na bagay. Bawal ang mga kutsilyo, screwdrivers, at ice picks. Hindi rin pahihintulutan ang ano mang uri ng armas tulad ng baril maging ang mga flammable materials tulad ng mga lighters, thiner, perfumes, alcohol, at gas. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag na rin kayong magdala ng kahit anong alcoholic drinks. Ayon kay Castañeda, mahigpit na ipagbabawal ang inuman sa sementeryo.

    More from Smart Parenting

    Paiigtingin din ang pagbabawal ng pagsusunog ng basura at pagsusugal sa kahit anong bahagi ng Manila North Cemetery. Maging ang pagparada at pagpasok ng mga sasakyan sa loob ng sementeryo ay hindi rin pahihintulutan.

    Bago pa man kayo pumuntang sementeryo, siguraduhin niyo nang may baon kayong meryenda at inumin dahil hindi na papayagan ang mga food and drink vendors sa loob ng sementeryo. Magdala na rin kayo ng bulaklak dahil bagaman pahihintulutan ang mga flower vendors sa main entrance, mas mabuti pa ring may dala na kayo para hindi na kayo makipagsiksikan sa pagbili. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag na rin ninyong bitbitin ang inyong mga speakers at videoke machines dahil hindi rin ito pahihintulutang ipasok sa loob ng sementeryo. Bukod pa, ang pagdalaw sa mga yumao at pagdarasal para sa kanilang mga kaluluwa ay mas magiging mataimtim kung hindi ito gagawing isang malaking outdoor party.

    More from Smart Parenting

    Ang mga patakarang ito ng Manila North Cemetery ay siguradong halos kapareho rin ng patakaran ng ibang sementeryo dito sa kalakhang Maynila at maging sa mga karatig at malalayong probinsya dito sa bansa.

    Ngunit bukod pa sa mga ito, importante ring tandaan ang ilang basic etiquette sa pagdalaw sa sementeryo. Una, ipunin ninyo ang inyong mga basura ng maayos. Magdala ng recyclable o reusable bag na pwedeng paglagyan ng anumang kalat. Huwag na huwag ninyong iiwan ito sa puntod ng inyong yumao o di kaya ay sa puntod ng iba. Importante ring alisin niyo na sa pagkakabalot (lalo na kung plastic) ang mga dala ninyong bulaklak para makabawas sa kalat na itatabi ninyo. Magdala na rin kayo ng water jug para hindi na kayo bumili pa ng tubig na nakabote. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Siguraduhin niyo ring sa mga tamang palikuran lamang kayo pupunta kung kinakailangan. Kung magsasama kayo ng mga maliliit na bata, payo ng mga nanay sa Smart Parenting Village na magdala ng extrang mga damit, mosquito repellent, at bimpo. Itapon rin sa inyong dalang reusable bags ang mga gamit na diaper para hindi ito pakalat-kalat sa paligid ng sementeryo.

    Agahan niyo rin ang punta ninyo sa sementeryo para hindi ninyo makasabay ang bugso ng tao. Bukod sa madaling maglakad papunta sa puntod ng inyong mga kamag-anak, hindi pa maiinip at magta-tantrums ang inyong anak dahil hindi sila mao-over stimulate ng kanilang kapaligiran. Kung kaya namang hindi na isama ang mga bata, mas mabuti pang iwan na lang sila sa bahay. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ngunit kung walang mapagi-iwanan sa inyong anak, siguraduhing hindi sila mawawala sa inyong paningin habang nasa sementeryo ang inyong pamilya. Dikitan o lagyan niyo rin sa bulsa ng kumpletong contact details ninyo ang inyong mga anak para matawagan nila kayo kung sakali mang mawala sila sa inyong paningin.

    More from Smart Parenting

    Bantayan din ang mga bata para hindi sila masyadong maingay at magulo sa sementeryo. Kung naglalaro ang mga anak ninyo ng online games, paalalahanan silang huwang maging maingay. Tandaan, ang undas ay pagbibigay pugay at pag-alala sa ating mga yumaong kamag-anak. Huwag silang hayaang tumakbo-takbo sa sementeryo dahil baka makatapak sila ng puntod ng iba.

    Ilan lamang ito sa mga dapat tandaan kapag dumadalaw tayo sa ating mga mahal sa buhay na yumao na. Para hindi makalimutan ng bagong henerasyon ang tradisyong ito, tungkulin nating mga magulang na ituro sa kanila ang mga tamang asal sa sementeryo.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles