christmas,DIY,Christmas tree,home decor,DIY Christmas tree,Smart Parenting Village,baby stage,toddler stage,preschool stage,christmas decorations,DIY And Minimalist Child-Proof Christmas Tree,christmas tree, DIY christmas tree, DIY christmas decorations, decorations, christmas, toddler-proof,If your child always ends up breaking everything hanging from your Christmas tree, you might want to try this!
CelebrationsHolidays

Minimalist, Baligtad, At Walang Balls! Mga Kakaibang Family Christmas Trees

Anong disenyo ng mga Christmas trees ninyo ngayong taon?

Ano man ang sitwasyong kinalalagyan nating mga Pilipino, hindi mawawala sa atin ang kinaugalian nating maagang paglalagay ng mga dekorasyong pamasko.

Setyembre pa lang, inilalabas na ng mga nanay ang mga kahon-kahong pandekorasyon para masimulan na ang pagpapaganda sa bahay. Malayo pa, kumukutikutitap na ang tahanang Pinoy.

Pero kapag may anak ka na, lalo na kung toddler na ito, ibang usapan na ang paglalagay ng dekorasyon sa bahay.

Natural kasing magugulo, malilikot, at curious ang mga toddlers. Kung hindi ka magiging wais, kakakabit niyo lang ng Christmas tree at kasasabit lang ng mga balls, siguradong maya-maya at tanggal na ang mga ito.

Kaya naman para makapaglagay pa rin ng dekorasyon nang hindi nag-aalala kung natatanggal, delikado, o nasisira ang mga ito, narito ang ilan sa mga 'weird' family Christmas trees na naisipan ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village!

Sinong nagsabing kailangang parang puno talaga ang Christmas tree ninyo? Pwede naman itong maging kahugis lang! 'Yan ang siyang ginawa ni mommy Sheilla Guerra

Hindi na sila bumili ng puno, ngunit korteng puno pa rin ang gamit nila. 

article image
Napakasimple ngunit talaga namang napaka eleganteng tignan ng Christmas tree nina mommy!
PHOTO BY courtesy of Sheillah Guerra
Hetong kay mommy Naessah Verano naman, may mga nakasabit pang air plants! Bagay na bagay sa mga plantito at plantita! 

watch now

article image
Napakaganda at talaga namang sobrang mesmerizing tignan!
PHOTO BY courtesy of Naessah Verano
Stickers naman ang ginamit ng isang nanay para sa Christmas tree nila. Tutal, mahilig na rin naman ang mga bata na magdikit-dikit ng kung anu-ano sa pader, ito na ang naisip na gawin ni mommy! 

article image
PHOTO BY courtesy of Smart Parenting Village member

DIY naman ng mga kids ang Christmas tree nina mommy Jhem Bon. Kwento niya, gumamit sila ng cartolina, foam board, at ephemeras.

"'Yung star naman is fuzzy wires. We have 2 toddlers plus wala talagang space sa bahay. So naisip ko, since they’re into crafts din naman, ganito na lang ang ginawa namin," kwento niya. 

"Nag-enjoy din naman sila magkabit ng ephemeras aka christmas tree ornaments. Then I covered it with plastsic cover before sinabit sa wall para hindi dumumi."

article image
PHOTO BY courtesy of Jhem Bon
Napakaganda ng pagkakadisenyo ni daddy sa Christmas tree nila, kwento ni mommy Nikka Cabañero. Kaya lang, ayon pa kay mommy, ibang design ang gusto ni baby para sa puno nila. Tignan niyo na lang ang before at after sa baba.

article image
Eh. Kalahati na lang ang natira sa Christmas decoations. LOL!
PHOTO BY courtesy of Nikka Cabañero
Iba't-ibang kulay ng felt paper naman ang ginamit ni mommy Lala Tellano-Viray para sa kanilang Christmas tree. Samantala, battery operated naman ang kanilang Christmas lights. 

article image
PHOTO BY courtesy of Lala Tellano-Viray

Mas pinili naman nina mommy Kristine Coronacion ang maliit na Christmas tree. Bukod kasi sa tipid sa space, madali rin itong ligpitin. 

Kwento ni mommy, idinikit na nila ang mga nakasabit sa puno, dahil may mga chikiting na 'namimitas.'

article image
PHOTO BY courtesy of Kristine Coronacion
Hindi pa raw dumarating ang mga inorder na pandekorasyon ni mommy Vanessa Dimpas. Ngunit dahil naghahanap na raw ang kanyang anak ng spirit of Christmas sa bahay, ito na muna ang naisip niyang gawin. Ayon sa kanya, halos Php30 lang ang nagastos niya para dito. 

article image
PHOTO BY courtesy of Vanessa Dimpas

Napakarami naman daw natatanggap na stuffed toys ng mga anak ni mommy Mickylla Mercado kaya naisip niyang bumuo ng Christmas tree gamit ang mga ito. 

Mukhang masayang-masaya naman ang mga bata sa naging resulta. 

article image
PHOTO BY courtesy of Mickylla Mercado

Samantala, kalahati lang din ang Christmas tree nina mommy Dawn Coronacion dahil inaalis ng anak nila ang ano mang Christmas tree pabitin na mahawakan nito. 

article image
PHOTO BY courtesy of Dawn Coronacion

Puno ng bayabas naman ang ginamit nina mommy Shane at daddy Leopoldo Crujido para sa kanilang Christmas tree ngayong taon. 

Ginamit din nilang palamuti ang mga lumang laruan nina mommy at baby. Php55 lang ang nagastos nila para sa punong ito. Maganda na, environment-friendly pa. 

 

article image
PHOTO BY courtesy of Shane and Leopoldo Crujido

 

Nakita naman ni mommy Trishia Ninotchka Artajo sa Pinterest ang design ng Christmas tree nila. Sa halip na kabahan na guguluhin ni baby ang puno, pabaliktad nila itong ikinabit para talagang hindi abot ng bata. 

Bukod sa maganda na, kakaiba pa! Siyam na taon na sa kanila ang Christmas tree na ito. Malaking tipid dahil hindi na nila kailangang bumili taon-taon.

article image
PHOTO BY courtesy of Trishia Ninotchka Artajo

Patunay ang mga Christmas trees na ito na wala iyan sa laki ng puno o bongga ng palamuti. Ang Pasko ay panahon para ipagpasalamat natin ang mga bagay na mayroon tayo. 

Ito'y tungkol sa mga taong nakapaligid sa Christmas tree at hindi tungkol sa mga materyal na bagay na nasa ilalim ng puno. 

Funny at kakaiba ba ang kwento sa likod ng Christmas tree ninyo? I-share niyo na iyan sa comments section. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close