Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Narito Ang Lahat Ng Long Weekends Sa Taong 2020

    Ihanda na ang passports at roadtrip itineraries, mommy and daddy!
    by Ana Gonzales .
Narito Ang Lahat Ng Long Weekends Sa Taong 2020
PHOTO BY iStock
  • Kamakaila'y inilabas na ng Malacañang ang opisyal na listahan ng mga holidays para sa 2020. Kabilang dito ang regular holidays at ang special non-working holidays sa susunod na taon.

    Kung long weekend ang hanap mo, narito ang mga holidays na pwede mong abangan: 

    Regular Philippine Holidays 2020

    • Labor Day - May 1 (Friday)
    • Independence Day - June 12 (Friday)
    • National Heroes Day - August 31 (Monday)
    • Bonifacio Day - November 30 (Monday)
    • Christmas Day - December 25 (Friday)

    2020 Special (Non-Working) Days in the Philippines

    • Ninoy Aquino Day - August 21 (Friday)

    Additional special (non-working) days

    • All Souls Day - November 2 (Monday)

    Bukod pa sa mga holidays na ito, maaari ring ideklara ng Malacañang na national holidays ang Eidul Fitr na kalimitan ay June 4 hanggang 6 na natapat sa susunod na taon sa Huwebes, Biyernes, at Sabado. Sa school calendar ng Department of Education, idineklara na nilang holidays ang mga araw na ito. Para makasigurado, mas mabuting hintayin ang opisyal na anunsyo ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May plano ka na ba para sa mga nalalapit na holidays na ito? Maaari kang pumili sa mga destinations na ito malapit sa Metro Manila. Kung gusto mo namang mas malayo ang puntahan ninyong buong pamilya, pwede kayong mag-Baguio city. Sundan lang ang itinerary namin. Pwede ka ring ma Bali-inspired vacation kasama ang iyong mga barkada. I-share mo na ang iyong travel destinations sa iyong fellow mommies sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles