halloween,movies,halloween activity,Tagalog,movies for kids,movies for families,Halloween movies,toddler stage,big kids stage,Must-Watch Scary Movies You Can Watch For Halloween,halloween, movie, halloween movie, scary movies, thriller, halloween thriller, netflix, movie marathon,Mapapanood ninyo ang karamihan sa mga pelikulang ito sa mga online streaming sites at apps.
CelebrationsHolidays

Ready For Halloween Salubong? Watch These Scary Shows Tonight

Anu-ano ang mga go-to scary movies ng pamilya ninyo?
PHOTO BYUnsplash

Bukod sa trick or treating at pagsusuot ng mga Halloween costumes, naging bahagi at tradisyon na rin natin na manood ng mga nakakatakot na pelikula, series, at documentaries.

READ MORE KATATAKUTAN HERE: 

Mas naging madali pa ito ngayon dahil sa mga online streaming services kung saan isang pindot mo lang, mapapanood mo na ang mga paborito mong nakakatakot na pelikula.

May nakapila na ba sa listahan ninyo para sa #Halloween2020? Kung wala pa, narito ang ilan sa mga pelikulang pwede ninyong panoorin. Mayroong pwede mong panoorin kasama ang mga bata at mayroon namang pwede mong panoorin ng kayo lang ni hubby.

Mga Halloween movies na pwede sa mga bata

Monster House

Hindi ninyo aasahan ng mga anak mo ang twist sa pelikulang ito. Halloween din ang tema ng pelikula kaya naman siguradong feel na feel ninyo ang holiday mamaya habang nanonood kayo.

The Addams Family

Bata ka pa lang, kilalang-kilala na ang pamilyang ito na talaga namang walang kasing weird. Kung hindi pa napapanood ng mga anak mo ang animated versions, pwedeng-pwede mong ipapanood sa kanila itong movie adaptation.

Goosebumps

Hango rin sa isang book series ang pelikulang ito. Dalawang parts na rin ito kaya kung nabitin kayo sa una, pwedeng-pwedeng isunod agad ang pangalawa.

Available pa rin sa mga pangunahing bookstores ang mga librong ito ni R.L. Stein, kaya pwede rin itong basahin ng mga anak mo.

Spirited Away

Kung medyo malalaki na ang mga anak mo, siguradong ma-aappreciate nila ang napakagandang Hayao Miyazaki film na ito. Masaya ang daraang adventure ng bida kaya naman siguradong susubaybayan ng mga anak mo ang bawat eksena.

Jumanji

Sinong hindi nakakaalam ng board game na ito? Kung hindi pa ito napapanood ng mga anak mo, ngayon ang best time na ipapanood mo ito sa kanila. Pwede niyo pa ngang sabayan ng paglalaro ng board games para relate na relate kayo sa mga bida.

watch now

Narito pa ang ilang mga highly recommended Halloween movies para sa iyong kids:

  • The Nightmare Before Christmas
  • Frankenweenie
  • Beetlejuice
  • Corpse Bride
  • Gremlins
  • James and the Giant Peach
  • Witches

Mga Halloween movies para sa inyo ni daddy

'Pag tulog na ang mga bata, pwede na kayong manood ni daddy ng mga nakakatakot na movies na hindi pambata.

Rosemary's Baby

Huwag mo lang papanoorin ito kung buntis ka dahil baka kung anu-ano pang maisip mo. Pero kung nakapanganak ka na, magandang panoorin ito habang may pa-wine at cheese kayo ni hubby.

Saktong halo kasi ito ng katatakutan at misteryo kaya saktong lambingan at takip mata rin kayo ni hubby.

Hush

Anong gagawin mo kung may umaaligid na masamang loob sa bahay mo? Mas nakakatakot siguro ito kaysa sa ano pa mang multo dahil hindi malayong mangyari ito sa totoong buhay, lalo na kung 'di kayo maingat.

Ready or Not

Mahilig ba ang pamilya ninyo sa mga larong tulad ng monopoly, taguan, o habulan? Pagkatapos ninyong panoorin ang pelikulang Ready or Not, mag-iiba ang tingin ninyo sa mga pampamilyang larong ito.

Escape Room

Usong-uso ito noon bago magkaroon ng pandemic. Ikukulong ka sa isang kwarto at saka mo iso-solve ang mga puzzles para makalabas ka. Pero paano kung masyadong maiksi ang oras at masyadong mahirap ang puzzle? Kakaynin niyo kaya?

Midsommar

Wala kaming ibang masasabi tungkol sa pelikulang ito kundi panoorin niyo na lang.

Us

Paano nga kaya kung makakilala ka ng taong kamukhang-kamukha mo? 'Yung parang ikaw talaga. Parang kakambal mo. Anong gagawin mo?

Ilan lamang ang mga iyan sa mga pwede ninyong panoorin ni hubby. Pwede niyo ring subukan ang mga sumusunod:

  • Perfection
  • Brightburn
  • Ma
  • The Others
  • The Other Side of the Door
  • Gothika

Mag-ingat lang na huwag tumili nang malakas dahil baka magising ang mga bata. Ihanda na rin ang mga snacks para malapit lang sa inyo at hindi na kailangang umalis pa dahil baka nakakatakot pumunta sa kusina.

READ MORE KATATAKUTAN HERE: 

Anong paboritong Halloween movies ninyo? I-share mo na sa comments section. May mga nakakatakot na kwento ka ba? Ipadala mo lang sa aming email na smartparentingsubmissions@gmail.com.

Follow Ana Gonzales on Instagram at @mrs.anagonzales.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close