embed embed2
  • Tuloy Ang Takutan! Halloween Costumes At Activities Kahit Nasa Bahay Lang

    Sinong maysabing hindi pwedeng mag-costume kahit nasa bahay lang?
    by Ana Gonzales .
Tuloy Ang Takutan! Halloween Costumes At Activities Kahit Nasa Bahay Lang
PHOTO BY courtesy of Alfie Angelica Saniel, Sky Gatdula
  • Hindi maikakailang marami tayong mga 2020 plans at goals na naudlot dahil sa COVID-19. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang para sa mga magulang na ipagpatuloy ang mga nakaugalian na kahit limitado ang ating galaw.

    MORE KATAKOT STORIES:

    Kabilang na nga sa mga bagay na tuloy pa rin ay ang mga Halloween celebrations. Hindi man makakalabas ang mga bata ng bahay para sa tradisyunal na Trick or Treat events, iba-iba naman ang naging pakulo ng mga magulang at ng mga paaralan.

    Kung hindi niyo pa alam ang gagawin ninyo para sa Halloween sa bahay, narito ang ilang mga activities at Halloween costume ideas mula sa mga nanay sa aming online community at Facebook group na Smart Parenting Village. 

    Virtual Halloween Events

    Halos lahat nga ngayon, mula sa pag-aaral ng mga bata, hanggang sa binyag, kasal, at gender reveal, ay virtual na. Kaya naman hindi nakapagtatakang virtual na rin ang Halloween events ng mga paaralan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    First virtual Halloween event ng baby ni mommy Steph. Kwento niya, ipinadala ng office nila ang mga Halloween treats para 'di na kailangang lumabas.
    PHOTO BY courtesy of Steph Yap - Pajarillo

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Virtual din ang Halloween Party ng anak ni mommy Mya. Hindi man pisikal na magkakaharap ang mga magkakaklase, enjoy na enjoy pa rin sila.
    PHOTO BY courtesy of Mya Padi

    Naging tradisyon na sa maraming pamilya ang pagkakaroon ng Halloween events, tulad na lang ng sa pamilya ni mommy Cam Managuelod. Aminado naman siyang naging mahirap para sa kanila na panatilihin excited ang mga bata, lalo na sa sitwasyon ngayon.

    "For this year, we had their Halloween photoshoot done earlier because we were already running out of ideas on how to keep their spirits up and festive due to the pandemic," kwento niya. 

    Sa kabila nito, hindi pa rin ititigil ni mommy ang tradisyon. Sa halip, mas sinusubukan na lang niyang maging creative para sa kanyang mga anak. 

    "We just decided to still continue on with their tradition virtually and let them don the guises of their favorite characters at the moment. With the help of a little tech magic, trick or treating will still push through for these monsters," pagbabahagi niya.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Halloween card pa lang, all out na sina mommy! Ang ganda!
    PHOTO BY courtesy of Cam Managuelod
    All out na noon pa man si mommy Jyra Kenzie Viray pagdating sa Halloween costumes at celebrations ng kanilang pamilya. 

    Kaya naman sali agad si mommy at ang kanyang buong squad sa Halloween costume contest ng office nila. Partida, nakatulog na ang isa sa mga anak niya pero bongga pa rin! 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Kwento ni mommy, kahit ang anak niya'y natakot sa costumes nila! Ang galing!
    PHOTO BY courtesy of Jyra Kenzie Viray

     

    Pictorial sa labas ng bahay

    At dahil hindi makakalabas at wala munang picture-picture kung saan-saan, sa labas na lang ng bakuran nagpictorial ang ibang mga nanay kasama ang kanilang mga anak. Ganyan ang ginawa nina mommy Niña at daddy Vincent Argallon

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi niya, lumabas lang sila ng bahay sandali para magpicture sa bakuran. Hindi na sila umikot pa sa loob ng Village nila. Sa halip, binigyan na lang nila ng loot bag ang kanilang mga anak. 

    Cute na cute naman ang family costume nila dahil nagmukha silang mga kape—ang kanilang paboritong inumin. 

     

     

     

    "We borrowed aprons from my niece and used old frap cups. We made my daughter's costume by using cartolina and crepe paper."
    PHOTO BY COURTESY OF NINA ARGALLON
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Pictorial gamit ang mga costumes na hango sa tunay na buhay

    'Yan naman ang ginawa ng ilang mga nanay sa Village. Isa na riyan si mommy Merliza Main Eusebio at sa totoo lang, ang sa kanya na yata ang pinaka nakakatakot na costume na nakita namin. Sino namang hindi matatakot kapag nariyan na ang mga bayarin? 

     

     

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Nakakatakot talaga si Judith! HUHU
    PHOTO BY courtesy of Merliza Main Eusebio

     

    Dora the Explorer naman ang costume ng anak ni mommy Nica Pola. Game na game mag-pose si baby para sa pictures kahit na sa bahay lang siya nakapag 'explore' ngayong taon. 

     

    Dora ikaw ba 'yan? Nasaan si Boots?
    PHOTO BY courtesy of Nica Pola

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Marami namang makaka-relate sa costume nina mommy Alfie Angelica Saniel at ng kanyang anak dahil talagang napapanahon ito. Kung isa ka sa mga mommies na mahilig mag-add to cart at kilala na ng mga delivery guys, siguradong matutuwa ka sa Halloween costume nila. 

     

     

    Kahit naliligo, basta nandiyan na ang package, lalabas pa rin! LOL!
    PHOTO BY Alfie Angelica Saniel

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Relatable at talaga namang napapanahon din ang costume ng mga anak ni mommy Sky Gatdula. Php380 lang ang nagastos niya para sa mga props dahil mayroon naman na sila sa bahay ng ibang mga kailangan. 

    May nanalo na! Sobrang cute, accurate, at relatable ng Halloween costume na ito!
    PHOTO BY courtesy of Sky Gatdula

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Patunay ang mga costumes na ito na hindi hadlang ang pandemya para ipagpatuloy natin ang ating mga nakaugalian. May mga limitasyon man, hindi ito dahilan para malungkot at magmukmok tayo. Sa halip, gamitin nating inspirasyon ang mga nangyayari ngayon sa ating paligid. 

    MORE KATAKOT STORIES:

    Tulad na lang ng ginawa ng mga nanay sa listahang ito. Hindi kailangang gumastos ng malaki. Ang mahalaga ay enjoy ang buong pamilya gaano man kasimple ang trick or treat o gaano man kamura ang mga Halloween costumes. Basta sama-sama at malusog tayong lahat, wala na tayong mahihiling pa. 

    Good vibes ang article hindi ba? Kung gusto mo ring mag-share ng iyong kwentong nakaka-happy, ipadala mo lang 'yan sa aming email: smartparentingsubmissions@gmail.com. 

    Follow Ana Gonzales on Instagram at @mrs.anagonzales.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles