embed embed2
14 Venues Para sa Isang Di-Malilimutang Party ng Inyong Anak
PHOTO BY Lei Sison
  • 1. Trampoline Park

     

    PHOTO BY Facebook/Trampoline Park - Zero Gravity Zone

     

    February 2016 pa ito dumating sa Pilipinas, pero sikat at patok pa rin ang Trampoline Park sa mga kabataan. Hindi pangkaraniwang selebrasyon ang aasahan sa lugar na ito: mayroong trampoline jumping games, ball games (maliliit na rubber balls at parachute games) para sa maliliit na bata, foam pit games, Parkour at marami pang iba. Maglaro ng basketball (subukan mong mag-dunk!), volleyball, at dodgeball habang tumatalon sa trampoline. 

    Sa Gravity Park Deck ginaganap ang mga handaan, at mapapalagay ang inyong mga bisita sa disensyo ng lugar na ito. Sinadyang gawing pahaba ang kwarto para makita mo ang nagaganap sa labas. Mababantayan mo na ang iyong anak, pwede ka pang kumuha ng maraming litrato at videos. Meron ding malaking TV screen sa parteng ito ng venue, kaya pwedeng magpalabas ng mga videos kung kasali ito sa programa ng inyong party. 

    Nagsisimula ang package sa P595 bawat bisita (tinatawag ding Jumper), kasama na ang 1 oras na paglalaro at dalawang oras na paggamit sa Gravity Party Deck. Pwede na ring magamit ang lahat ng facilities sa lugar, at may libre ring water bottle at medyas ang Jumper. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maraming pwedeng pagpilian pagdating sa pagkain; may malapit na KFC, Wendy’s, Yellow Cab Pizza, Uncle Cheffy’s sa paligid. Pwede rin sa Trampoline Park na ipagawa ang mga imbitasyon o dékorasyon ng lugar.

    Matatagpuan ang Trampoline Park sa The Portal Mall sa Mayflower Street, Greenfield District sa Mandaluyong. Para sa mga katanungan, tumawag sa +632 532-5849 o +63 905 453-3879 o bumisita sa kanilang Facebook page.

    2. Kidzoona

     

    PHOTO BY hearrileyroar.blogspot.com

     

    Ang Kidzoona ay isang indoor playground o unique edutainment center para sa mga bata. Galing ito sa salitang Ingles na “Kid” o bata, at “Kizuna” sa wikang Japanese na ang ibig-sabihin ay relasyon o bonding.

    Meron na itong 55 na branches sa bansa, at nagiging paboritong venue para sa maliliit o malalaking selebrasyon. Kasama sa package ang mga sumusunod: 1 hanggang 3 oras ng paglalaro sa kanilang playground, 2 oras na paggamit sa party room, mascot appearance at marami pang iba. Pwede ring mag-order ng pagkain mula sa accredited na caterer.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa pinakamalapit na Kidzoona branch.

    3. DreamPlay

     

     

    Ang DreamPlay by Dreamworks na matatagpuan sa City of Dreams Manila ang pinaka-una at nag-iisang indoor, interactive play at creativity center sa bansa. Hango ang konsepto nito sa mga palabas ng DreamWorks at isinabuhay gamit ang pinakabagong teknolohiya. Hinihikayat nito ang mga bata na pumasok sa mundo ng kanilang napanood na pelikula, tulad ng pagiging Kung Fu master kasama ni Po o paglipad kasama ng mga dragon. 

    Bawat themed party room ay kayang tumanggap ng hanggang 50 bisita. Kasama sa package ang paggamit ng venue ng 2 oras, mga lobo, audio at lighting setup, host, mga palaro at papremyo. May discount naman para sa guest access sa 14 na DreamPlay attractions sa mga party na may higit sa 15 bisita. Para naman sa pagkain, kailangan itong manggaling sa kanilang restaurant na Chez Gingy Café. 

    Ang DreamPlay ay matatagpuan sa City of Dreams Manila, Asean Avenue corner Roxas Boulevard, Entertainment City, Paranaque. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa +632 800-8080 loc. 7790 o +632 691-7790, o tingnan sa kanilang Facebook page

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading


    4. Party Place at the Playland Fishermall

     

    PHOTO BY themisischronicles.com

     

    Kung gusto mo ng makulay na lugar para ganapin ang party ng iyong anak, magugustuhan mo ang Playland Party Place. Sa labas lang ng venue ay ang Family Entertainment Center, na mistulang isang perya kung saan pwedeng sumakay ng rides at maglaro ng mga sikat na arcade games ang mga bata. 

    Ang Playland Amusement Center ay matatagpuan sa Level 4 ng Fisher Mall, Quezon Avenue, Quezon City. Para sa mga package at iba pang katanungan, tumawag sa +632 294-1560 loc. 107/122 o bumisita sa kanilang Facebook page.

    5. Makati Shangri-La Hotel

     

    PHOTO BY Lei Sison
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Kung sa Makati Shangri-La mo gaganapin ang iyong party, siguradong hindi ka magsisisi. Maraming mapagpipiliang function room para sa maliliit hanggang pinaka-engrandeng pagdiriwang. Asahang maganda ang serbisyong makukuha mo mula sa isang five-star hotel. Kaya nilang i-customize ang iyong party ayon sa iyong kagustuhan. Wala ka nang hahanapin pa dahil bukod sa accommodation, nasa loob na rin ng hotel ang isang salon, bakeshop, at gift shop. 

    Matatagpuan ang Makati Shangri-La Hotel sa Ayala Avenue corner Makati Avenue, Makati City. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa +632 813-8888 extension 73452 o bumisita sa kanilang website.

    6. Bridgetowne

     

    PHOTO BY Kristine Cortes of IStyle Events Management

     

    Unti-unting nakikilala ang Bridgetowne bilang isang lugar kung saan ginaganap ang malalaking pagtitipon mapa-trabaho man o personal. Ang kanilang tent ay may sukat na 1,500 square meters, may air-con at makabagong lighting. Tamang-tama ito para sa mga engrandeng selebrasyon, dahil sa lawak nito na 1000 sqm., kaya nitong tumanggap mula 400 hanggang 800 katao. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Matatagpuan ang Bridgetowne sa C5 Road, Brgy. Ugong Norte, Quezon City. Para sa mga katanungan, maaring tumawag sa +632 397-0101 local 32783 o +63 917 504-8731 o bumisita sa kanilang Facebook page.

    What other parents are reading


    7. Kidzania

     

     

    Batiin ang iyong mga bisita ng “Kai!” – ganyan nila sabihin ang “Hi!” sa Kidzania. Isa itong lugar kung saan mararanasan ng mga bata ang iba’t ibang klase ng trabaho, makilala ang sari-saring industriya at matutunan ang humawak ng pera sa masaya at nakakatuwang paraan. Hindi pangkaraniwang party ang mararanasan ng mga bata, at ang may birthday o celebrator ay makakakuha pa ng perks, complimentary membership at fast pass badge.

    Matatagpuan ang Kidzania sa Park Triangle, North 11th Avenue, Bonifacio Global City, Taguig. Para sa mga package at karagdagang impormasyon, tumawag sa +632 711-KIDZ (5439) o mag-email sa celebrations@kidzania.com.ph.

    8. Spaces by Babyland

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Isang pinagkakatiwalaang pangalan ang Babyland pagdating sa kagamitan para sa mga sanggol. Ngayon, meron na rin silang party place para kay baby. Ang Spaces by Babyland ay may capacity para sa 100 tao, at sa loob ng lugar ay may play area, nursing room at malaking parking area. Hindi na mahihirapan ang inyong mga bisitang pumili ng regalo para kay baby, dahil pwede mong ipalista sa kanilang Baby Registry ang iyong mga gustong matanggap. Bagay ito para sa mga magdaraos ng baby shower, binyag at kaarawan.

    Ang Spaces by Babyland ay matatagpuan sa 548 Facilities Centre, Shaw Blvd., Mandaluyong. Para sa mga karagdagang impormasyon, tumawag sa +632 997-6088 o bumisita sa kanilang Facebook page

    9. KidzCity Play and Party Center

     

     

    Ang KidzCity Play and Party Center ay isang bagong play facility na ginawa para sa mga batang 13 taong gulang pababa. Tampok ang multi-level playground at magkakadugtong na villages, sinadya ang ganitong disenyo para magamit ng mga bata ang kanilang imahinasyon at matutong makitungo habang nakikipaglaro. Mapa-binyag, kaarawan, graduation o ibang espesyal na okasyon, siguradong mag-eenjoy ang mga bata rito. Meron silang Group Playtime para sa mga event at pagdiriwang, at ilan sa mga pwede nilang laruin ay ang piano tree, zipline, hanging bridge, tire swing, fire truck, fire station, eroplano, airguns, bulldozer, crane, octopus tunnel, mini library, nursery room at ball pit. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Matatagpuan ang KidzCity sa loob ng SM Aura Premier, 26th St. corner McKinley Parkway, Global City, Taguig. Para sa mga package at iba pang katanungan, tumawag sa +632 556-7934, +63 915 964-7188 o bumisita sa kanilang Facebook page.

    10. Ball Pit Manila

     

    PHOTO BY twitter.com/MiriamLines

     

    Patok sa mga bata ang ball pits, kaya siguradong matutuwa sila sa lugar na ito. Ang Ball Pit Manila ang may pinakamalaking ball pit sa bansa, kaya humanda nang tumalon,maglambitin at magpagulong-gulong sa humigit-kumulang 80,000 bola sa kanilang play area. 

    Kasya ang 40 tao sa kanilang party area. Subukan ang kanilang Pasta+Pastry+Pit Party na may kasama nang 2 oras ng paggamit sa 25 sqm. na ball pit and lounge, karaoke, unlimited na iced tea o kape, pasta (spaghetti o carbonara), paggamit ng projector at ang sikat na Cookie Shot with Milk.

    Matatagpuan ang Ball Pit Manila sa Unit 202, 2nd Floor, Campos Rueda Building, 101 Urban Avenue, Makati. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa +63 995 383-2603 o bumisita sa kanilang Facebook page.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading


    11. Jump Yard

     

    PHOTO BY Rachel Perez

     

    Mapapatalon kayo sa saya sa Jump Yard, ang pinakauna at pinakamalaking trampoline park sa bansa. Maaring makapaglaro ang inyong mga bisita, bata at matanda (alamin ang policy ng lugar pagdating sa age limit) ng isang oras sa mga court tulad ng Dodge Ball, Cage Ball, Slam Dunk Basketball, Open Jump Trampoline, Wall Climb, Monkey Bars at marami pang iba. Meron silang party package para sa grupo ng 10, o para sa malalaking selebrasyon, kasya hanggang 180 tao sa kanilang party room. 

    Matatagpuan ang Jump Yard sa Frontera Verde Complex, Ortigas Ave. corner C5, Pasig City. Para sa mga katanungan, pwedeng tumawag sa +632 544-0703 o +63 915 618-2183 o +63 908 472-0031 o bumisita sa kanilang Facebook page

    12. Alcatrocks Mini-Resort

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Ang lugar na ito sa Paranaque ay pag-aari ng isang pamilya. Napapaligiran ng magagandang hardin at fountains, nababagay ang lugar para sa mga maliliit na pagtitipong may hanggang 100 bisita. Bukod sa swimming pool, kasama rin sa mga pwedeng gamitin ang multi-purpose function area, mga nipa hut, videoke machine, gazebo, ihawan at garden waterfalls. 

    Matatagpuan ang Alcatrocks Mini-resort sa #79 Don Bosco Street, Better Living Subdivision, Brgy. Don Bosco, Paranaque City. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa +632 822-6670, +632 835-7400 o bumisita sa kanilang Facebook page.

    13. Enderun Colleges

    Merong tatlong lugar na pwedeng pagpilian sa loob ng eskwelahang ito: 

     

    PHOTO BY 101.enderuncolleges.com/our-venues

     

    The Tent

    May laki na 700 sqm.,dito ginaganap ang malalaking selebrasyon tulad ng mga kasal at corporate events.

     

    PHOTO BY 101.enderuncolleges.com/our-venues
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    The Atrium

    Hanggang 150 bisita naman ang kakasya sa Atrium. Elegante ang pagkakaayos sa lugar na merong itim na tiffany chairs, stage platform at mga mesa para sa registration, patungan ng cake at mga regalo. 

     

    PHOTO BY Party Boss Events

     

    The Courtyard

    Kung gusto mo namang sa labas gawin ang iyong party, pwede kayong pumwesto sa Courtyard, isang malawak na hardin sa loob ng Enderun College.Marami ring pwedeng pagpilian dito pagdating sa pagkain.

    Mamili ka sa kanilang buffet selection na may iba’t ibang klaseng soup, salad, main course at dessert. Meron ring live cooking stations at carvery.

    Matatagpuan ang Enderun Colleges sa 1100 Campus Avenue, Mckinley Hill, Fort Bonifacio, Taguig City. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa +632 856-500 local 513 o bumisita sa kanilang website.

    14. Grandview Events Place

     

    PHOTO BY grandvieweventsplace.com
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Mayroong tatlong magagandang function halls na pagpipilian sa Grandview Events Place. Kaya nitong tumanggap mula 50 hanggang 150 o 200 hanggang 400 na bisita. Bawat function hall ay may sariling lounge na pwedeng magsilbing holding room o makeup at dressing room.

    Matatagpuan ang Grandview Events Place sa 1012 BUMA Bldg., Metropolitan Ave., San Antonio Village, Makati City. Para sa mga katanungan, tumawag sa +632 553-3594 o +63 916 554-5417 o bumisita sa kanilang website.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Check Them Out: 14 Venues for An Unforgettable Kiddie Birthday Party.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close