Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
5 Children's Party Venues sa Quezon City na Nasubukan ng mga Nanay
  • Isa sa mga dapat isaalang-alang tuwing nagpaplano ng kid’s birthday party ay ang lugar na pagdarausan nito, o ang venue. Nais mong matuwa ang iyong mga bisita sa venue nang nakakamura ka pa rin. Kung hindi ka pa desidido, narito ang ilang mga party venues sa Quezon City na nasubukan na ng mga nanay mula sa Parent Chat ng SmartParenting.com.ph. Heto ang mga napili nila para sa kanilang mga anak:

    1.  Shakey's Quezon Avenue branch

    Lot 3, Blk. W-39-E, Quezon Ave. corner Abad Santos St.

    Brgy. Sta. Cruz, Heroes Hills

    351-0221

    shakeyspizza.ph/Bookaparty.html 

    Bukod sa malawak ang lugar, may kasama ring arcade games ang party venue sa Shakey's Quezon Avenue branch.
    PHOTO BY Shai_Sy/Flickr
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung hindi ka pa nagagawi rito, ang branch sa Quezon Avenue ay may Fun Zone kung saan makapaglalaro ang mga bata ng arcade games at maaari pang manalo ng mga premyo. Kung rerentahan mo ang restaurant upang magdaos ng children’s party, magagamit mo rin ito! Nagsisimula sa P12,500 ang presyo ng party package, kasama na ang pagkain, decorated venue, mga giveaways, mga imbitasyon, papremyo sa mga palaro, at marami pa.

    Nirentahan ni Parent Chatter chevz31 ang venue para sa unang kaarawan ng kaniyang babaeng anak, at ito ang nasabi niya: “Ang ganda ng place, maluwag. Plus, maganda talaga ambiance sa Shakey's. Nag-enjoy pa mga kids and adult guests ko kasi may Fun Zone.“Yung mga staff, accommodating lahat. Sila pa nag-ayos ng mga giveaways namin, and lahat ng mga requests namin nagawa nila lahat! Ang downside lang sa branch na ‘to lagi fully booked especially on weekends. So hindi sila pumapayag na mag-extend ng time if your party date falls on a weekend. But still recommend this branch!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    2. Quezon City Sports Club

    E. Rodriguez Sr. Blvd.

    723-0091 

    quezoncitysportsclub.com 

     

    Popular ang Quezon City Sports CLub bilang party venue dahil maganda ito at mura pa.
    PHOTO BY The Party Studio/Facebook

    Sabi ni Parent Chatter kiddiedoc, pinili niya ang event space para sa unang kaarawan ng kanyang baby, at naging matagumpay daw ang party. 10 out of 10 ang score niya para sa venue dahil sa luwag nito at sa maasikaso nitong mga staff. Ang Quezon City Sports Club din ang napiling lugar para idaos ang unang birthday party ni Gabbie, ang babaeng anak ng mommy blogger na si Jackie Go. “We wanted a big venue good enough for 100 people but we really didn’t want to spend 10,000 pesos just to rent,” (Gusto namin ng isang malaking venue na kakasya ang 100 katao pero ayaw naming gumastos ng 10,000 piso para lamang sa arkila) isinulat niya sa kanyang blog.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para sa mas maliit na party, subukang gamitin ang Function Room F ng Quezon City Sports Club, na nagsisimula sa P5,000 ang bayad para sa 30 katao, kasama na ang pagkain at eksklusibong paggamit sa pool. Para sa iba pang party package, makipag-ugnayan mismo sa venue.

    More from Smart Parenting

    3. Skydeck sa Barrington Place

    31 Congressional Avenue

    453-2011

    Facebook.com/BarringtonSkydeck 

     

    Gusto mo ba ng roofdeck na venue? Eto ang isa sa magagandang pagpipilian.
    PHOTO BY The Skydeck at Barrington Place/Facebook
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Bagama’t mas mahal nang kaunti, hindi maipagkakailang maganda ang venue dahil makikita ito sa roofdeck ng gusali ng Barrington Place. Matatagpuan sa Congressional Avenue, ang venue ay may dalawang bulwagan na kayang tumanggap ng maliit man o malaking pagtitipon. Pwede mong arkilahin ang venue (nagsisimula sa P6,500 para sa 40 katao) ngunit nag-aalok din sila ng mga party package, kasama na ang lahat, para sa children’s party.

    4. Wheatberry Bakery and Café

    84 Scout Castor cor. Scout Tuazon

    Barangay Laging Handa

    374-85-65

    wheatberry.com.ph

     

    Siguro ay talagang maganda ang venue sa Wheatberry dahil marami ang nagrekomenda nito!
    PHOTO BY Wheatberry Bakery and Cafe/Facebook
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Tila maraming mga nanay na taga-QC ang gusto ang café na ito bilang venue ng children’s party, dahil marami ang nagmungkahi nito! Maganda ang disenyo sa loob ng bakery at ang lugar ay may maluwag na parking. Higit sa lahat, sulit pa ang bayad mo. Ang singil sa pagkain ay kada-tao (P175 o P220 para sa kiddie party), kasama na ang paggamit ng party area na dedekorasyunan nila para sa iyo, isang chiffon cake, setup ng sound system, at 10% na diskuwento sa karagdagang mga food station.

    Nagdiwang ng ika-7 kaarawan ang babaeng anak ni Parent Chatter tilehc sa Wheatberry. “The decor exceeded my expectations and I was surprised it looked that good (free pa ‘yun sa package, major plus!) so I didn't use the extra decors I bought. The sound system was good and came with an efficient sound tech and again this was free (kasama sa package). The waiters and attendant were all courteous, friendly, attentive, and quickly responded to requests. So many guests were impressed with Wheatberry and asked me where I had discovered the place,” (Hindi ko inasahan na magiging ganoong kaganda ang mga dekorasyon (libre pa iyon sa package, major plus!) kaya hindi ko na ginamit ang mga sobrang dekor na nabili ko. Maganda ang sound system at may kasamang mahusay na sound tech at, muli, ito ay libre (kasama sa package). Lahat ng mga waiter at attendant ay magalang, magiliw, matulungin, at maagap na tumugon sa mga bilin. Napakaraming mga panauhin ang humanga sa Wheatberry at nagtanong kung saan ko natuklasan ang lugar na ito) isinulat niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    5. Magnolia Place Clubhouse

    Tandang Sora Ave, Novaliches

    621-2427

     

    Kakailanganin mo ang pag-endorso ng isang homeowner para ma-book ang venue na ito
    PHOTO BY Fineanddaintyphoto.com

    Kung may kakilala kang naninirahan sa Magnolia Place sa Novaliches, ito na marahil ang tamang oras upang humingi ng pabor. Ikinatutuwa ng maraming mommy ang lugar ito bilang venue ng mga children’s party, pero kakailanganin mo munang ma-endorso ng homeowner bago mo ma-book ang venue. Ang rate nila para sa mga slot sa pagitan ng 8 n.u. at 3 n.h. ay nagsisimula lamang sa P2,600 para sa unang tatlong oras.Ang mga Parent Chatter quote ay kuha mula sa Parent Chat thread na Party Venues in Quezon City at Party/Event Planners and Suppliers (feedback and ratings).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga quotes galing sa Parent Chatters ay galingsa mga thread na ito at ito

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa 5 Mom-Recommended Children's Party Venues in Quezon City

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles