Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
8 Larong Pambata Para sa Inyong Party (Na May Kakaibang Twist!)
PHOTO BY Pixabay
  • Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, hindi nakakapagtaka na natuto na ang mga magulang na maging wais at magtipid sa pagdiriwang ng birthday ng kanilang mga anak. Mula sa pagbabawas ng mga bisita, pagbili ng mga premyo at pamigay sa Divisoria, tila nagba-back to basics na ang mga pamilya sa kanilang paraan para aliwin ang mga bisita. Isa na rito ang paglalaro ng mga party games na subok na sa pagpapasaya. 

    Naniniwala si Irene Dy, directress ng Learning Jungle Preschool sa Pasig, na sa pamamagitan ng pagpili ng tamang laro, magiging masaya ang birthday party ng iyong anak. “Classic games allow kids to be involved, to think, and to decide. These fast and fun games allow children to release their energies and experience things while keeping them entertained.” (Tinuturuan ng mga classic games ang mga bata na makilahok, mag-isip, at magdesisyon. Habang nag-e-enjoy sila, nailalabas rin ng mga bata ang kanilang enerhiya at nagkakaroon ng bagong karanasan.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maglaro ng mga individual at team games para magkakila-kilala ang mga bisita. “Group games are most popular in parties because they encourage children to interact with one another. Plus, they keep shy kids from feeling singled out,” (Mas patok ang group games sa mga party dahil tinuturuan nng mga ito ang mga bata na makihalubilo sa isa’t isa. Kahit ang mga batang mahiyain ay hindi rin mahihiyang sumali) sabi ng may-ari ng Philippatrisse Party Works na si Chi Martires. Mahigit 15 taon na siya sa events planning business.

    More from Smart Parenting

    Pumili sa mga sumusunod na patok na party games at maghanda nang maglaro!

    Children's party games na may twist 

    1. The Boat is Sinking

    Para sa: mga batang marunong nang magbilang

    Bilang ng players: Mas marami, mas masaya!

    Paano nilalaro: Bubuo lang ng grupo ang mga kasali ayon sa bilang na sinabi ng host. Kapag sinabi niyang, “The boat is sinking, group yourselves into (kahit anong bilang),” iikot na ang mga kasali at hahanap ng ka-grupo hanggang mabuo nila ang hinihinging dami. Ang grupo na may maling bilang ng tao ay matatanggal na sa laro. Ulitin ang proseso hanggang dalawang bata na lang ang matira. Sila na ang panalo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lagyan ng twist: Gawing mas challenging ang laro sa pamamagitan ng pagbibigay ng bilang ng babae o lalaki sa isang grupo, o kaya naman paglalagay ng 3-to-5 seconds na time limit. 

    Ayon kay Michelle del Rosario, directress ng Lincolnshire Internationale Preschool, ang larong ito ay  isang “good icebreaker, especially if the children do not know each other or there is another group present. Children benefit from party games if the games are active rather than passive, if they involve movement, and if there are interactions, teamwork, and critical thinking - all of which tap into the many aspects of development.” (isang magandang paraan para basagin ang katahimikan, lalo na kung hindi magkakakilala ang mga bata at galing sa magkakaibang grupo. Nakikinabang ang mga bata sa party games kung ito ay aktibo at hindi passive o tahimik, kung may kasamang pagkilos, may pag-uusap, kooperasyon, at pag-iisip na tumutulong sa paglaki ng mga bata.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    2. Musical Chairs

    Para sa: mga batang marunong nang mag-balance at tumayo at umupo nang mabilis

    Bilang ng players: Lima hanggang siyam na bata (kung 10 o higit pa, mas maganda kung dalawang set ang gagawin nang sabay)

    Mga kailangang gamit: mga upuan at music player

    Paano nilalaro: Nakaayos nang pabilog ang mga upuan at nakaharap sa labas. Siguruhing kulang ng isang upuan kumpara sa bilang ng mga kasali. Habang tumutugtog ang kanta, magsasayaw ang mga bata at iikot sa bilog. Kapag tumigil ang tugtog, uupo ang lahat. Ang player na walang makukuhang upuan ay matatanggal. Tuluy-tuloy lang ang laro at pagbawas ng upuan sa tuwing may matatanggal na isa, hanggang isang player na lang ang natira at manalo.

    Lagyan ng twist: Maliban sa pag-ikot sa mga upuan, meron ding isa pang bagay na pinagpapasa-pasahan ang mga kasali (halimbawa, isang stuffed toy). Bawat hinto ng tugtog, ang player na walang upuan at ang player na may hawak ng nasabing bagay ay parehong matatanggal.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “A movement-and-music game is highly recommended for children of all ages. Most kids like music and are naturally mobile, so they would constantly want to move about,” ani Del Rosario. (Ang mga laro na may pagkilos at tugtog ay maganda para sa lahat. Karaniwan sa mga bata ang mahilig sa music at magkikilos, kaya lagi silang paikot-ikot.) Sang-ayon si Martires at sinabi na nakakatulong ang larong ito na turuan ang mga bata na makinig. “It forces them to focus on the task at hand (listen to the music) while another task (walking/passing the object) distracts them.” (Tinuturuan sila nito na mag-focus sa unang task habang may isa pang bagay o task na kumukuha ng atensyon nila.)

    More from Smart Parenting

    3. Simon Says

    Para sa: mga batang  kaya nang sumunod sa direksyon at kaya nang i-control ang kanilang katawan

    Bilang ng players: anim hanggang walo

    Paano nilalaro: Isang taong mas nakakatanda (kung pwede, yung nakakatawa) ang tatayo bilang si “Simon,” at dalawa pang nakatatanda ang magbabantay sa mga kasali. Magbibigay si Simon ng mga utos na dapat sundin ng mga naglalaro, tulad ng “Simon says, hop around with one foot” (lumukso gamit ang isang paa) o “Simon says, bark like a dog” (tumahol na parang aso). Kung mag-uutos siya nang hindi binabanggit ang mga salitang, “Simon says,” hindi dapat ito sundin ng mga kasali. Kapag ginawa nila, tanggal na sila sa laro. Ang matitira ay ang panalo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lagyan ng twist: Ang celebrant ang tatayong “Simon” at ipapangalan ang laro sa kanya. Tulungan siyang magbigay ng direksyon nang sunod-sunod. (Halimbawa: “Simon says, hop around with one foot while scratching your nose and barking like a dog.” (Simon says, lumukso gamit ang isang paa habang kinakamot ang ilong at tumatahol na parang aso.)

    Para kay Martires, ang larong ito ay isang nakakatuwang paraan para masubok ang kakayahan ng mga bata na sumunod sa direksyon, at gamitin ng host ang kanyang pagiging malikhain. (“To test the ability of the children to follow instructions depending on the host or celebrant’s creativeness.”) Pwede kang maglista ng mga nakakatawang utos kung sakaling masyado pang bata ang may birthday para hindi siya maubusan ng ideya.

    More from Smart Parenting

    4. Bring Me

    Para sa: mga batang kaya nang sumunod sa mga direksyon at nakakakilos nang mabilis

    Bilang ng players: kahit ilan (lahat pwedeng sumali)

    Paano nilalaro: Magsasabi ang host ng mga bagay na dadalhin sa kanya ng mga kasali, gamit ang mga salitang, “Bring me …” Ang mauunang makapagbigay ng tamang gamit na hinihingi ang makakakuha ng premyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lagyan ng twist: Gawing mas masaya ang laro sa pamamagitan ng pag-utos sa mga bata na dalhin ang kanilang “singing Mommy” o “dancing Daddy.”

    Ayon kay Dy, “Games with simple instructions definitely work well with children. In our classes, students like playing the Bring Me game wherein the teacher describes the object being asked for.” (Gusto ng mga bata ang mga larong may simpleng instructions. Sa aming mga klase, gusto ng mga estudyante ang Bring Me game kung saan inilalarawan ng guro ang bagay na hinihingi.)

    More from Smart Parenting

    5. Pin the Tail on the Donkey

    Para sa: mas malalaking bata na kaya nang lumakad nang nakapikit

    Bilang ng players: Apat hanggang anim na bata (para hindi masyadong tumagal ang laro)

    Mga kailangang gamit: panyo, larawan ng isang donkey na walang buntot, at hiwalay na larawan ng buntot na may pandikit sa likod

    Paano nilalaro: Habang nakatakip ng panyo ang ang kanilang mata, susubukan ng mga kasali na ilagay ang buntot ng donkey sa tamang lugar. Bago sila lumakad, papaikutin muna sila nang tatlong beses. Lagyan ng palatandaan kung saan nilagay ng bawat bata ang buntot. Ang bata na makakapaglagay nang pinakamalapit sa tamang lugar ang siyang mananalo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lagyan ng twist: Sa halip na donkey at buntot ang larawan, pwede itong palitan ng bagay na may kinalaman sa theme ng party; halimbawa, buntot ng elepante kung ito ay isang circus-themed na selebrasyon.Paalala ni Del Rosario, gumamit ng Velcro strips sa halip na pin para hindi matusok o masugatan ang mga maglalaro. “I recommend this game for approximation and developing spatial abilities.” (Inirerekomenda ko ang larong ito para masubukan ang kanilang kakayahan na tantyahin ang kanilang kilos at i-develop ang kanilang spatial abilities.)

    More from Smart Parenting

    6. The Longest Line

    Para sa: mga bata na kaya nang kumilos nang hindi inaalalayan

    Bilang ng players: Lima pataas sa isang grupo (pwedeng bumuo ng hanggang limang grupo depende sa lawak ng lugar)

    Paano nilalaro: Gamit ang kanilang mga kasuotan at kung ano pang bagay na dala nila, magbubuo ang bawat grupo ng isang mahabang linya sa sahig. Kapag naubos ang binigay na oras (isa hanggang dalawang minuto), ang grupo na nakagawa ng pinakamahabang linya ang siyang mananalo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lagyan ng twist: Alisin ang mga bagay na merong kapareho sa ibang linya. O kaya papiliin ang host o may birthday ng tatlong bagay na aalisin sa bawat linya. Pag natanggal na ang mga bagay na ito, ang grupo na may pinakamahabang linya ang panalo.

    Dahil sa larong ito, natututo ang mga magkakagrupo na mag-isip ng mga paraan para pahabain ang kanilang linya. Base sa mga party na kanyang nagawa, ayon kay Martires, “The longest line is always a crowd pleaser since it can involve everyone.” (Laging patok ang longest line dahil lahat pwedeng makisali.)

    More from Smart Parenting

    7. Charades

    Para sa: mga batang kaya nang mag-ugnay ng kilos sa mga salita

    Bilang ng players: dalawang grupo na may tig-limang miyembro

    Mga kailangang gamit: timer, mga salita na nakasulat sa maliliit na piraso ng papel, isang lalagyan 

    Paano nilalaro: Ilagay ang mga papel sa container. Isang miyembro ng unang grupo ang bubunot mula sa lalagyan at ikikilos ang salitang nakasulat sa papel. Hindi siya pwedeng magsalita o mag- ingay. Huhulaan ng kanyang mga kagrupo ang salita base sa mga clue na imumuwestra niya, at kung hindi nila maibigay ang tamang sagot, pwedeng sumubok ang kabilang grupo na manghula. Ang unang grupo na makakakuha ng limang puntos ang panalo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lagyan ng twist: Sa halip na isa lang ang magpapahula, gawin ang kabaliktaran. Isang miyembro lang ang manghuhula at ang apat niyang ka-grupo ang magmumuwestra. Pwedeng kumuha ng mga salita na may kinalaman sa theme ng party, o kaya bigyan ng iba-ibang points ang bawat salita, depende sa hirap nito.

    “Children love games that involve a lot of movement like running or jumping.” (Gusto ng mga bata ang mga larong maraming kilos tulad ng pagtakbo at pagtalon) ayon kay Dy. Bukod sa malaya silang nakakagalaw, nasusubok rin ang kanilang non-verbal skills.

    More from Smart Parenting

    8. Relay Race

    Para sa: mga batang kaya nang gumawa ng sunud-sunod na tasks

    Bilang ng players: dalawang grupo na may tig-apat hanggang anim na miyembro

    Mga kailangang gamit: malawak na lugar at dalawang set ng mga costume, stacking cups at mga lobo

    Paano nilalaro: Pipila ang dalawang grupo. Bawat miyembro ay magsusuot ng costume, gagawa ng pyramid gamit ang stacking cups at puputukin ang lobo. Pagkatapos nilang magawa ang lahat ng ito ay babalik sila sa kanilang pila at tatapikin ang kasunod na kagrupo para gawin din iyon. Ang unang grupo na makakatapos ng lahat ng tasks ang magwawagi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lagyan ng twist: Ibagay ang theme ng laro ayon sa hilig ng celebrant. Pwede ring magkaroon ng fashion show o cops and robbers relay.

    Patok ang relay games sa mas malalaking bata, ayon kay Del Rosario. “Bigger children can strategize already, and somebody in the team can act as the leader.” (Kaya na ng mga malalaking bata na mag-strategize, at isang miyembro ng kanilang team ang magsisilbing lider.)

    More from Smart Parenting

    Nagpaplanong mag-party? 

    Heto ang ilang tips mula kay Chi Martires ng Philippatrisse Party Works.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Mahalagang bahagi ng party ang pagkain. Subukang maghanda ng snacks o finger foods para makatipid sa catering.
    • Kumuha ng kamag-anak na malapit sa may birthday na pwedeng maging host. Mas mapapalagay ang mga bisita kung kakilala nila ito.
    • Gumawa ng sariling playlist sa Spotify ng mga kantang pamilyar sa mga bisita.
    • Kung maliit lang ang lugar, gumamit na lang ng personal na speakers para hindi na kailangang magrenta ng sound system. Pagdating sa dekorasyon, pumunta sa mga tindahan na nagbebenta ng bultuhan para sa mas murang halaga.
    • Mag-set up ng arts and crafts table para maaliw ang mga bata. Halimbawa nito ay ang coloring station (maglagay ng crayons at activity sheets), balloon twisting section (maglagay ng mga lobo at susunding instructions) o kaya crafts corner (bumili ng beads at tali para makagawa sila ng do-it-yourself na kwintas or pulseras).
    • Maghanda ng mga games para sa mga bata at matatanda. Hayaang humaba ang laro kung nag-e-enjoy naman ang lahat. Mag-enjoy ka rin!
    • Siguruhing lahat ay uuwing panalo. Gusto ng mga bata ang malalaking premyo kahit mura lang ang mga ito. Hindi importante ang presyo. Kaya humanap ng mga malalaki at murang papremyo. 

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa 8 Party Games With a Twist

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles