Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
9 Party Venues na May Masarap na Pagkain Para sa Simpleng Binyag
  • Sa pagpaplano ng simpleng pagdiriwang ng binyag, hindi lamang venue ang tinitingnan natin; gusto rin nating makapagbigay ng magandang karanasan sa ating mga bisita. Para sa reception ng binyag, narito ang mga restaurant kung saan masarap na ang pagkain, maganda pa ang ambiance. Ang mga lugar na ito ay kaya ang 10 hanggang 100 bisita, at naghahain ng iba’t ibang cuisines, mula Chinese hanggang Spanish. (Dahil hindi ito birthday party, hindi mo kailangang malimitahan sa paghahain ng spaghetti.)

    Kung personal at maliit lang ang pagtitipon, malayo ang maaabot ng iyong budget sa mga sumusunod na restaurant.

    1. Comida China de Manila 

    Address: FRDC Building 106 E. Rodgriguez Jr. Avenue, Ugong, Pasig City

    Price: Mula Php6,000++ para sa 20 katao

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang anumang pagdiriwang ay mas nagiging espesyal kapag may Chinese food. Mayroon ditong anim na function rooms na maaaring pagdugtungin upang makabuo ng mas malaking function room. Kaya nitong tumanggap ng 20 hanggang 220 bisita. Maaari ring pumili mula sa 10 set menus. Kasama na sa baptismal packages ang mga souvenirs at ang baptismal cake. I-click ito para sa ibang impormasyon.

    2. Xing Oriental Bistro 

    Address: 202 Wilson Street, San Juan City

    Price: Php450 hanggang Php 950 bawat tao (depende sa package)

    Tumawag sa +632 505-0021

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaring matikman sa Xing Oriental Bistro ang  iba’t ibang pagkain mula sa mga rehiyon ng China, mula Hilaga hanggang Timog. Mayroon itong maliit na function room na kaya ang 30 hanggang 36 na bisita; at isang main hall na maaaring magkasya ang 100 bisita. I-click ito para sa ibang impormasyon. 

    3. Stacy’s 

    Address: Capitol Greenstreet Commercial Center, 1 Capitol Hills Drive, Old Balara, Quezon City / Forbes Town Center, Rizal Drive, Bonifacio Global City, Taguig City 

    Price: Php465 bawat tao (merienda buffet) hanggang Php1,000 bawat tao

    Tumawag sa +63 952-6843 / +63 927 326-2244

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon itong afternoon tea party ambiance sa tulong ng maganda at natatangi nitong interiors, kaya hindi na kailangan pang maglagay ng dekorasyon dito. Kasama na sa package ang handcrafted banner, ballon o floral centerpieces, party placemats at runners na base lahat sa color theme ng inyong party. Buffet style ang pagkakahain sa pagkain para sa party na mayroong hindi bababa sa 20 bisita. I-click ito para sa ibang impormasyon.

    4. Azuthai 

    Address: G/F Milkyway Bldg., 900 A. Arnaiz Ave corner Paseo de Roxas, San Lorenzo, Makati City

    Price: Php 8,000 (12 katao) hanggang Php 16,000 (30 katao), consumable

    Tumawag sa +632 8130671 o (02) 817-6252

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang Azuthai ay mayroong home-style Thai cuisine, kabilang ang traditional Thai desserts at inumin na inihanda ni Chef Watee mula pa sa Bangkok, Thailand. Mayroon itong function room na kaya ang 12 hanggang 30 bisita. I-click ito para sa ibang impormasyon.

    5. Mateo’s 

    Address: 54 N. Domingo Avenue, Barangay Horseshoe, Quezon City

    Price: Buffet packages mula Php560++ hanggang Php1300++ bawat tao

    Tumawag sa +63 945 765-2891

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para kang nasa sarili mong tahanan kapag nagdiwang ka ng party dito — yun lamang ay wala ka nang paghahandang kailangang gawin. Naghahain dito ng mga Spanish-Filipino homecooked meals. Tumatanggap ng 80 hanggang 100 bisita ang alfresco area, samantalang maaaring magkasya ang hanggang 40 bisita sa Garden Cafe area. I-click ito para sa ibang impormasyon.

    6. CDP Global Table 

    Address: 148B Level R1 Power Plant Mall, Lopez Drive, Rockwell Center, Makati City

    Price: Ang minimum consumable amount ay mula sa Php 20,000. Average na presyo bawat tao ay Php 600- Php 800

    Tumawag sa +63 917 832-9828 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iisa ang kumpanyang nangangasiwa dito at sa mga sikat na restaurant na Mamou, Recovery Food, Mesclun, at iba pa. Ang kanilang indoor dining area ay tumatanggap ng 30 bisita, at maaari namang magkasya ang karagdagang 30 bisita sa al fresco area. I-click ito para sa ibang impormasyon.

    7. Guevarra’s 

    Address: 387 P. Guevarra Street corner Argonne Street, Addition Hills, San Juan City

    Price: Buffet rate ay nagsisimula sa Php559 hanggang Php 671 bawat tao. Libre para sa mga batang nasa 3.5 feet ang taas, at 50% off para sa mga nasa batang nasa 3.5 hanggang 4.5 feet ang taas

    Tumawag sa +63 917 311-2222 /  +632 705-1811

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Itinayo ito sa isang 1920s heritage home at mayroong outdoor setting na may malaking hardin na tamang-tama para sa mga cocktails. I-click ito para sa ibang impormasyon.

    8. Alba Restaurante Espanol 

    Address: 4th Level, Prism Plaza, Two Ecom Center Building, Bayshore Avenue corner Harbor Drive, Mall of Asia Complex, Pasay City 

    Price: Php 695++ hanggang Php 850++ para sa buffet

    Tumawag sa +632 808-2326 / +632 808-8210

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para kang dinadala sa Spain habang kumakain ng quality Spanish food mula appetizers hanggang desserts dito sa Alba. Mayroong buffet style at a la carte serving. Ang kanilang function room naman ay tumatanggap ng 25 hanggang 60 bisita. I-click ito para sa ibang impormasyon.

    9. Lugang Cafe 

    Address: 5/F SM Aura, 26th St corner McKinley Parkway, Fort Bonifacio, Taguig City

    Price: Halos Php1,000 bawat tao. Mayroon itong consumable rates na Php30,000 para sa 30 katao at Php 50,000 para sa 50 katao

    Tumawag sa +632 519-5663

    Naghahain dito ng tunay na Taiwanese cuisine. Tumatanggap ito ng hanggang 50 bisita. I-click ito para sa ibang impormasyon.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa 9 Party Venues With Good Food for a Small Baptism Reception

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles