-
9 Party Venues na May Masarap na Pagkain Para sa Simpleng Binyag
by Graciella Musa and Tina Tanjuatco .
- Shares
- Comments

Sa pagpaplano ng simpleng pagdiriwang ng binyag, hindi lamang venue ang tinitingnan natin; gusto rin nating makapagbigay ng magandang karanasan sa ating mga bisita. Para sa reception ng binyag, narito ang mga restaurant kung saan masarap na ang pagkain, maganda pa ang ambiance. Ang mga lugar na ito ay kaya ang 10 hanggang 100 bisita, at naghahain ng iba’t ibang cuisines, mula Chinese hanggang Spanish. (Dahil hindi ito birthday party, hindi mo kailangang malimitahan sa paghahain ng spaghetti.)
Kung personal at maliit lang ang pagtitipon, malayo ang maaabot ng iyong budget sa mga sumusunod na restaurant.
1. Comida China de Manila
Address: FRDC Building 106 E. Rodgriguez Jr. Avenue, Ugong, Pasig City
Price: Mula Php6,000++ para sa 20 katao
Ang anumang pagdiriwang ay mas nagiging espesyal kapag may Chinese food. Mayroon ditong anim na function rooms na maaaring pagdugtungin upang makabuo ng mas malaking function room. Kaya nitong tumanggap ng 20 hanggang 220 bisita. Maaari ring pumili mula sa 10 set menus. Kasama na sa baptismal packages ang mga souvenirs at ang baptismal cake. I-click ito para sa ibang impormasyon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW2. Xing Oriental Bistro
Address: 202 Wilson Street, San Juan City
Price: Php450 hanggang Php 950 bawat tao (depende sa package)
Tumawag sa +632 505-0021
Maaring matikman sa Xing Oriental Bistro ang iba’t ibang pagkain mula sa mga rehiyon ng China, mula Hilaga hanggang Timog. Mayroon itong maliit na function room na kaya ang 30 hanggang 36 na bisita; at isang main hall na maaaring magkasya ang 100 bisita. I-click ito para sa ibang impormasyon.
3. Stacy’s
Address: Capitol Greenstreet Commercial Center, 1 Capitol Hills Drive, Old Balara, Quezon City / Forbes Town Center, Rizal Drive, Bonifacio Global City, Taguig City
Price: Php465 bawat tao (merienda buffet) hanggang Php1,000 bawat tao
Tumawag sa +63 952-6843 / +63 927 326-2244
CONTINUE READING BELOWwatch nowMayroon itong afternoon tea party ambiance sa tulong ng maganda at natatangi nitong interiors, kaya hindi na kailangan pang maglagay ng dekorasyon dito. Kasama na sa package ang handcrafted banner, ballon o floral centerpieces, party placemats at runners na base lahat sa color theme ng inyong party. Buffet style ang pagkakahain sa pagkain para sa party na mayroong hindi bababa sa 20 bisita. I-click ito para sa ibang impormasyon.
4. Azuthai
Address: G/F Milkyway Bldg., 900 A. Arnaiz Ave corner Paseo de Roxas, San Lorenzo, Makati City
Price: Php 8,000 (12 katao) hanggang Php 16,000 (30 katao), consumable
Tumawag sa +632 8130671 o (02) 817-6252
Ang Azuthai ay mayroong home-style Thai cuisine, kabilang ang traditional Thai desserts at inumin na inihanda ni Chef Watee mula pa sa Bangkok, Thailand. Mayroon itong function room na kaya ang 12 hanggang 30 bisita. I-click ito para sa ibang impormasyon.
5. Mateo’s
Address: 54 N. Domingo Avenue, Barangay Horseshoe, Quezon City
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPrice: Buffet packages mula Php560++ hanggang Php1300++ bawat tao
Tumawag sa +63 945 765-2891
Para kang nasa sarili mong tahanan kapag nagdiwang ka ng party dito — yun lamang ay wala ka nang paghahandang kailangang gawin. Naghahain dito ng mga Spanish-Filipino homecooked meals. Tumatanggap ng 80 hanggang 100 bisita ang alfresco area, samantalang maaaring magkasya ang hanggang 40 bisita sa Garden Cafe area. I-click ito para sa ibang impormasyon.
6. CDP Global Table
Address: 148B Level R1 Power Plant Mall, Lopez Drive, Rockwell Center, Makati City
Price: Ang minimum consumable amount ay mula sa Php 20,000. Average na presyo bawat tao ay Php 600- Php 800
Tumawag sa +63 917 832-9828
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIisa ang kumpanyang nangangasiwa dito at sa mga sikat na restaurant na Mamou, Recovery Food, Mesclun, at iba pa. Ang kanilang indoor dining area ay tumatanggap ng 30 bisita, at maaari namang magkasya ang karagdagang 30 bisita sa al fresco area. I-click ito para sa ibang impormasyon.
7. Guevarra’s
Address: 387 P. Guevarra Street corner Argonne Street, Addition Hills, San Juan City
Price: Buffet rate ay nagsisimula sa Php559 hanggang Php 671 bawat tao. Libre para sa mga batang nasa 3.5 feet ang taas, at 50% off para sa mga nasa batang nasa 3.5 hanggang 4.5 feet ang taas
Tumawag sa +63 917 311-2222 / +632 705-1811
Itinayo ito sa isang 1920s heritage home at mayroong outdoor setting na may malaking hardin na tamang-tama para sa mga cocktails. I-click ito para sa ibang impormasyon.
8. Alba Restaurante Espanol
Address: 4th Level, Prism Plaza, Two Ecom Center Building, Bayshore Avenue corner Harbor Drive, Mall of Asia Complex, Pasay City
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPrice: Php 695++ hanggang Php 850++ para sa buffet
Tumawag sa +632 808-2326 / +632 808-8210
Para kang dinadala sa Spain habang kumakain ng quality Spanish food mula appetizers hanggang desserts dito sa Alba. Mayroong buffet style at a la carte serving. Ang kanilang function room naman ay tumatanggap ng 25 hanggang 60 bisita. I-click ito para sa ibang impormasyon.
9. Lugang Cafe
Address: 5/F SM Aura, 26th St corner McKinley Parkway, Fort Bonifacio, Taguig City
Price: Halos Php1,000 bawat tao. Mayroon itong consumable rates na Php30,000 para sa 30 katao at Php 50,000 para sa 50 katao
Tumawag sa +632 519-5663
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa 9 Party Venues With Good Food for a Small Baptism Reception
What other parents are reading

- Shares
- Comments