embed embed2
  • Ang Makabagong Birthday Party Ngayon: Less Prep, Less Gastos. Pero Mas Masaya Nga Ba?

    Sa panahon ngayon ng social distancing at community quarantine, mas maganda nga ba ang ganitong uri ng pagdiriwang?
    by Ana Gonzales .
Ang Makabagong Birthday Party Ngayon: Less Prep, Less Gastos. Pero Mas Masaya Nga Ba?
PHOTO BY iStock
  • Malaking bahagi na ng kultura nating mga Pilipino ang mga pagtitipon at mga handaan. Isa sa mga hilig natin ang magbonding habang may mga nakahaing masasarap na pagkain.

    Sa katunayan, todo paghahanda tayo ano man ang okasyon. Birthday man 'yan o binyag, maraming oras (at pera) ang ginugugol natin para maging espesyal ang mga ito.

    What other parents are reading

    Kaya naman marami sa atin ang nalungkot nang hindi na matuloy ang mga birthday parties at iba pang pagtitipon na naihanda natin dahil sa banta ng COVID-19.

    Simula nga nang ipatupad ng gobyerno ang social distancing at ipinatigil ang ano mang pagtitipon, malaki na ang ipinagbago ng celebrations, hindi lang dito sa ating bansa, kundi pati na rin sa buong mundo.

    Nauso nga ang mga tinatawag na drive-by parties kung saan hindi bababa ng sasakyan ang mga bisita. Dadaan lang sila sa bahay ng may birthday, magbabato ng mga regalo, at magpapaingay bilang tanda ng pagbati. Pagkatapos ay aalis na sila para bumalik sa sarili nilang mga tahanan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Patok din ang mga Zoom parties na tinatawag o iyong mga parties na ginagawa sa pamamagitan ng video call gamit ang mga video conferencing apps. Maaalala na ganito ang ginawa ng entrepreneur at mom of two na si Divine Lee para sa binyag ng kanyang anak na si Blanca.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa naturang binyag, tinanggap ni Blanca ang "E-blessing" sa pamamagitan ng isang Zoom call. Dito na rin nagmisa si Father Tito Caluag, na siyang nagbasbas sa bata. Tinawag itong "new normal" ni Divine. "Thanks to all our friends and family who 'joined,' sa dami namin two pages yung Zoom. Hahaha!" Divine said. "The first for all of us but none the less as special," pahayag niya.

    Hindi na rin nakabili pa ng tradisyonal na puting damit sina Divine para kay Blanca ngunit masaya pa rin ang hands-on mom na nairaos nila ang binyag ng anak sa kabila ng lahat ng nangyayari ngayon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Hindi kailangang ma-intimidate sa mga bagong teknolohiya na mayroon ngayon. Kung gusto mo ng sarili mong Zoom party tulad ng kay Divine Lee, narito ang mga kailangan mong gawin ayon sa New York Times:

    Pumili ng video conferencing tool

    Limitado lang ang Zoom sa isang 40-minute trial kung hindi mo ito bibilhin. Kaya naman kailangang makahanap ka ng video conferencing tool na bukod sa libre, kaya ang maraming connections.

    Isang magandang option ang Google Hangout. Libre ito at unlimited din ang chikahan. Maganda ring gamitin ang Google Meet. Ito ang upgraded na version ng Google Hangout.

    Pwede rin kayong gumamit ng mga messaging apps tulad ng Facebook Messenger, Viber, at Whatsapp. Basta siguraduhin niyo lang na makapagdownload kayong lahat ng app na mapipili ninyo.

    Maghanda ng E-vite

    Ito 'yung mga imbitasyong online lang. Pwede kang pumunta sa Paperless Post para dito. Magaganda ang kanilang mga designs at maraming pagpipilian depende sa okasyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa E-vite mo ilalagay kung anong oras ang video call ninyo, pati na rin kung anong dapat isuot ng mga "bisita."

    Kung mag-iimbita ka ng mga bisitang hindi masyadong marunong sa video calls, pwede mo silang turuan ilang araw bago ang inyong E-Party.

    Bigyan mo rin ng option ang mga taong iimbitahan mo para makapatanggi sa iyong invitation—maaaring hindi lahat ay nasa party mood.

    What other parents are reading

    Magtalaga ng "dress code"

    Biro nga ni Divine Lee, isang magandang excuse para mag-makeup at magbihis ang binyag ni Blanca.

    Maganda na hikayatin mo ang mga bisita mo na magbihis at mag-ayos para sa handaan ninyo, lalo na kung willing naman sila. Pwede ring magkaroon ng theme ang inyong video call. Pwede silang magsuot ng mga nakakatuwang head accessories at iba pa.

    Magpraktis maging host

    Hindi aandar ang party ninyo kung mahihiya ang mga tao na magsalita. Ayon sa New York Times, makakatulong kung bago pa man ang video call ay mayroon na kayong mga nakahandang topics na pwedeng pag-usapan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede kayong magkwentuhan tungkol sa mga paborito ninyong nagagawa noon o 'di kaya ay ibahagi ninyo sa isa't-isa kung anu-ano ang mga bagay na pinaka ipinagpapasalamat ninyo ngayon.

    Mag-decorate!

    Pwedeng i-boost ng mga party decorations ang mood mo kaya huwag manghinayang na maglagay ng mga dekorasyon sa bahay kahit na kayo-kayo lang ng pamilya mo ang nagkikita-kita at ang iba ay nasa likod pa ng screen.

    Maraming paraan para maging masaya pa rin ang ano mang okasyon sa inyong pamilya kahit na nasa bahay lang.

    What other parents are reading

    Magkaroon ng time limit

    Lalong-lalo na kung kiddie party ang idaraos mo. Maaappreciate ito ng mga kapwa mo magulang na kasama sa E-Party mo.

    Alam niyo ba na pwede rin kayong kumuha ng entertainment? Mayroong mga magicians at clowns na nag-ooffer ng mga virtual performances at shows. Pwede rin kayong magkaroon ng watch party. Siguradong matutuwa ang mga bata kung manonood sila ng mga paborito nilang pelikula kasama ang ibang mga tao—kahit online lang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magpa-giveaway pa rin

    Pwedeng i-claim ng mga bata ang mga party giveaways nila pagkatapos ng enhanced community quarantine (ECQ). Maganda itong gawin para naman may i-look forward ang mga bata pagkatapos ng lahat ng ito.

    What other parents are reading

    Para naman sa nalalapit na Mother's Day, i-treat mo ang iyong sarili sa isang E-Chikahan session kasama ang mga kapwa mo nanay. Pwede rin kayong magkaroon ng sabayang skincare session, para kahit hindi kayo makapagpa-spa sa inyong espesyal na araw, pampered pa rin kayo at sama-sama pa rin kahit nasa bahay lang.

    Kayo? Paano kayo nagcelebrate ng kaarawan ngayong may ECQ? Paano ninyo ipinagdiwang ang kaarawan ng anak ninyo? I-share lang 'yan sa comments section.

    Para sa ibang kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles