embed embed2
  • Part 1: Cute Pre-Birthday Photoshoot Ideas Na Pwedeng Gawin Sa Bahay

    Hindi na kailangang lumabas para ma-achieve mo ang magagandang shots na ito.
    by Ana Gonzales .
Part 1: Cute Pre-Birthday Photoshoot Ideas Na Pwedeng Gawin Sa Bahay
PHOTO BY courtesy of Jayson Abasula and Jhenny Bustamante
  • Kung dati ay prenuptial photoshoot lang ang pictorial na nagaganap bago ang event o iyong mismong kasal, ngayon ay nauuso na rin ang pre-birthday photoshoot, o iyong pictorial bago magbirthday si baby.

    Tulad ng paghahanda para sa birthday ni baby, todo prep din ang mga nanay para sa pre-birthday photoshoot ng kanilang mga anak. Katulad ng party, pwede mo itong i-DIY at pwede mo rin itong ipashoot sa photographer. Kalimitan ay kadugtong o malapit sa tema ng party mo ang tema ng pre-birthday shoot.

    Narito ang ilang pre-birthday photoshoot themes na pwede mong gawing inspirasyon. Galing ang mga ito sa mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Unicorn

    Siyempre, una sa ating listahan ang unicorn-themed na photoshoot. Isa talaga ito sa mga pinakaunang choices ng mga magulang para sa kanilang mga baby girls.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    Pwedeng-pwede mong gayahin ang color palette na ginamit ni mommy para sa shoot ni baby.
    PHOTO BY courtesy of Rachel Calderon

    Sa Mikel Miranda Photography galing ang photogrpher nina mommy Rachel Calderon. Php3,000 ang kanilang nagastos. Hindi mo na kailangang pumunta pa ng park, dahil sa bahay lang ay pwede mo na itong gawin. Lalong-lalo na kung may garden kayo.

    Kung wala naman, pwede mo itong gawin sa kwarto ni baby o sa sala. Ang sikreto—dapat mayroon kang source ng natural light. Ang gusto mong ma-achieve ay amakita ang matitingkad na kulay na mayroon sa unicorn na tema. 

    Pwede mo rin itong daanin sa kulay at magagandang props. Marami na ring mga laruan, dresses, at backdrop na akma sa unicorn na theme kaya hindi ka mahihirapang maghanap ng supplies.

    What other parents are reading

    Nature

    Hindi porke nature ang tema mo ay kailangan na agad na outdoor ang photoshoot—pwede rin ito sa loob ng bahay! 'Yan ang ginawa nina mommy Mitch Aldeguer para maachieve ang nature-inspired photo na gusto niya para sa baby niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Konti na lang mahihigaan na ni baby ang cake niya, pero mukhang enjoy na enjoy naman siya!
    PHOTO BY courtesy of Mitch Aldeguer

    Si mommy ang photographer kaya cake at props lang ang ginastos niya na umabot sa Php2000 lang.

    What other parents are reading

    Bookworm

    Kung mahilig si baby na magbasa, pwede mong gamitin ang kanyang mga libro bilang props sa kanyang pre-birthday shoot. 'Yan ang ginawa ni mommy Joanne Gonzales.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Seryosong nagbabasa si baby ah!
    PHOTO BY courtesy of JoanneGonzales

     

    Ang maganda sa bookworm theme ay walang specific na damit na kailangan mong ipasuot kay baby. Props lang na mga libro o kunyaring salamin sa mata ni baby ay ayos na—hindi mo na kailangan pang gumastos ng malaki.

    What other parents are reading

    Fiesta

    Sa isang wildlife farm din nagshoot sina mommy Alelly Hernane at baby niya, pero tulad ng nature theme, hindi mo na kailangan pang lumabas para ma-achieve ang pre-birthday shoot na fiesta ang tema.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Pinoy na Pinoy ang suot ni baby!
    PHOTO BY courtesy of Alelly Hernane
    Ironpixels Photography ang kumuha ng mga litrato ni baby. Php4,000 ang ibinayad nila sa photographer.
    What other parents are reading

    Candyland

    Kung gusto mo ng makulay na pre-birthday photoshoot pero ayaw mo ng unicorn na theme, pwedeng-pwede sa inyo ang candyland. Pwede mong gayahin ang ginawa ni mommy Jeannie Suzanne Gurimbao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Sobrang cute ng makulay na dress ni baby!
    PHOTO BY courtesy of Jeannie Suzanne Gurimbao

    Sa bahay lang nagshoot sina mommy para hindi na masyadong malaki ang gastos nila. Ninong ni baby ang nagshoot kaya naman Php500 lang ang nagastos nila para ma-achieve ito.

    What other parents are reading

    Disney

    Popular na tema rin ang Disney dahil madali lang itong gawin at marami kang pagkukuhanan ng resources. Para sa shoot nina daddy Jayson Abasula, napili nila ang Disney Pixar movie na Up.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Russel, ikaw ba 'yan?
    PHOTO BY courtesy of Jayson Abasula
    Tinyshots Photography / JohnM Photography ang kanilang supplier at Php599 lang ang ginastos nila para sa shoot.
    What other parents are reading

    Disney rin ang theme na napili nina mommy Vikki Bautista para sa anak nila.

    Si baby na siguro ang pinaka-cute na Moana na nakita namin!
    PHOTO BY courtesy of Vikki Bautista
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Newbie by Shangrila Photography ang kinuha nila para litratuhan si baby. Bagaman sa isang resort sila nag-shoot pwede mo pa rin itong i-recreate sa bahay ninyo. 

    Katulad ng nature at garden theme, ilang magagandang props lang at costume, makukuha mo na ang look nang hindi umaalis sa bahay. Kwento ni mommy Vikki, nabili niya ang costume ni baby sa Shoppee sa halagang Php300 lang.

    What other parents are reading

    Fairytale

    Napaka-whimsical naman ng theme na napili ni mommy Jhenny Bustamante para sa pre-birthday photoshoot ng anak niya. 

    Parang fairy princess si baby dahil sa sobrang cute at colorful ng dress niya. May tiara pa siya!
    PHOTO BY courtesy of Jhenny Bustamante
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Baby Love Love Studio naman ang kanilang photographer. Php3,500 ang nagastos nila para sa kanilang shoot.
    What other parents are reading

    Marami pang ibang pre-birthday themes na pwede mong gawin nang hindi na nagpupunta sa mga studios o shoot destinations. Kailangan mo lang maging wais sa gagamiting props at costume ni baby.

    Sa Part 2 ng listahang ito, ibabahagi naman natin ang ilang pre-birthday photoshoot themes na pwede sa bahay at pwede rin maging lalaki man o babae ang baby mo.

    Kung mayroon kang unique na pre-birthday theme na gusto mong ibahagi, iwan mo lang ang larawan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para maka-inspire ng ibang mga DIY nanay na katulad mo.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles