party planning,Tagalog,Smart Parenting Village,baby stage,Dinosaur-Themed First Birthday Party,dinosaur party, dinosaur theme, dinosaur birthday, dinosaur, jurassic party, jurassic birthday, jurassic park birthday,Ibinahagi ni mommy sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang ilang larawan. Sinabi niya na napili nila ang dinosaur na tema dahil unique ito
CelebrationsParty Planning

Jurassic-Inspired Ang First Birthday At Binyag Ni Baby! Saan Makakabili Ng Supplies?

Hilig ba ng anak mo ang mga dinosaurs?
PHOTO BYcourtesy of Melody Tomelden

Madalas ay race car, Lego, o 'di naman kaya ay superhero ang tema kapag baby boy ang celebrant. Dahil sa kagustuhan nina mommy Melody Tomelden na maiba naman ang birthday ng anak niya, naisip niya ang isang dinosaur-themed na party.

Ibinahagi ni mommy sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang ilang larawan. Sa isang Facebook Messenger interview naman, sinabi niya na napili nila ang dinosaur na tema dahil unique ito pero hindi mahirap hanapin ang mga supplies.

Ginanap ang party ni baby sa Pawan Spring Resort sa Damulog, Bukidnon. Sila na ang nag-DIY ng decorations, dahil ayon kay mommy, sayang naman ang pagiging creative ni daddy. "I [planned] it and hubby [created] everything," pagbabahagi niya. "The ideas were all from Pinterest and we just customized the other details."

article image
Maniniwala ka bang DIY ang setup na ito?
PHOTO BY courtesy of Melody Tomelden
article image
Bawat detalye ay talagang binigyang panahon nina mommy at daddy.
PHOTO BY courtesy of Melody Tomelden

Para naman sa kanilang handa, kinuha nila ang Baiza's Catering Services. Highly recommended naman nila si Chef Atetz Luis (Facebook: @atetz.gamurot). Ayon kay mommy, kung naghahanap kayo ng desserts at pastries sa Bukidnon, Chef Atetz ang inyong best choice. "The design [was] made with love and passion. It's worth the price and they don't compromise [on] the quality of their cakes," kwento ni mommy.

article image
Manghihinayang kang kainin ang cake dahil sobrang cute ng design.
PHOTO BY courtesy of Melody Tomelden

Mas pinili naman nina mommy na magpamigay ng loot bags kaysa isa-isang piraso ng giveaway items. "Loot bags with candies and toys are more [fun]," paliwanag niya. Mas gusto nila ito kaysa sa figurines o ano pa man na ilalagay lang, ayon sa kanya, sa isang sulok ng bahay.

watch now
article image
Ito ang mga goodies na ipinamigay ni mommy sa kanilang mga bisita.
PHOTO BY courtesy of Melody Tomelden

Payo ni mommy, kung kayong mag-asawa'y may panahon at skills, hindi kayo dapat matakot mag-DIY. "Kahit time-consuming talagang mag-DIY, [gagawin ko siya ulit] dahil talagang nakakagaan ng loob [kapag nabubuo mo ang isang event]."

Dagdag na advice pa ni mommy, ang una mong dapat gawin kung bubuo ka ng DIY party ay i-set ang iyong budget. Pagkatapos noon, saka mo ililista ang iyong mga kailangan. Ikukumpara mo ang dalawa para malaman mo kung sapat ba ang budget mo para sa theme na gusto mo. "Kung kaya namang mag-DIY, [DIY na lang]—malaki ang ma-sasave [mo]," payo niya.

article image
Busog na busog si baby at ang mga bisita sa mga masasarap na treats na nasa dessert table.
PHOTO BY courtesy of Melody Tomelden

"Always have a buffer, in case na may mga unexpected na gagastusin during the event," pahayag ni mommy. "Be practical. Pwedeng-pwedeng pagsabayin ang binyag at birthday," dagdag pa niya.

Maganda rin daw na mag-invest sa isang magaling na photographer para makuhanan ang bawat mahahalagang moments ni baby. "Don't hesitate to [haggle] sa tuwing bibili ng mga gagamitin sa event [o kukuha ng suppliers]. And don't forget to thank God na nag-provide sa mga needs natin and even wants."

 

article image
Sulit ang lahat ng pagod nina mommy at daddy!
PHOTO BY courtesy of Melody Tomelden

 

Halos Php8,000 ang nagastos nina mommy sa mga dekorasyon. Php20,000 naman para sa catering na good for 200 guests, habang Php5,000 para sa cakes at desserts. Php3,000 ang ibinayad nila sa kanilang photographer, habang Php2,000 naman ang inilaan nila para sa venue—para na ito sa isang buong araw. May buffer sila na Php2,000 at kasama rin sa budget ang liquor (Php1,500) at gasolina para sa sasakyan (Php1,500). Humigit-kumulang Php45,000 ang nagastos nila para sa buong party.

Nasubukan mo na ba ang dinosaur-themed party para sa iyong anak? Sinu-sino ang iyong mga suppliers? Kung hindi pa, baka ito na ang pwede mong gamiting inspirasyon para sa sarili mong version. I-share mo lang kung anong palagay mo sa comments section.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close