embed embed2
Birthday Party Budget Ni Mommy? P20,000 Para Sa Disney Princesses Theme Sa Bahay
PHOTO BY courtesy of Ellen Reyes
  • Hindi man madaling mag-DIY ng mga parties, maraming mga nanay ang naeengganyong gawin ito dahil kontrolado nila, hindi lang ang design at overall look ng party, kundi maging ang budget na nakalaan para dito. 

    Ayon kay mommy Ellen Reyes, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, madalas siyang ma-inspire sa mga nakikita niyang DIY parties sa Village. "To be honest, wala akong tiwala sa sarili kong ideas kaya noong first birthday ng anak ko, nagpa-organize talaga kami kahit pricey," kwento niya sa Facebook post na binahagi niya sa group.

    Sa pamamagitan naman ng isang Facebook Messenger interview, ikinwento niya sa amin kung bakit Disney Princesses ang temang pinili niya. "Disney princesses theme ang napili ko because I want my daughter to look like a princess on her special day," kwento niya. "Twice na siya nag-celebrate ng princess theme, noong first birthday niya at ngayong third."

    What other parents are reading

    Saan pwedeng umorder ng backdrop at iba pang party supplies?

    Shoppee at Lazada ang napiling suppliers ni mommy Ellen. Ayon sa kanya, UWIN party needs ang supplier niya mula sa Lazada. Kumpleto sila ng lahat ng kakailanganin mo sa iyong DIY party—mula sa mga balloons na nagkakahalaga ng Php43 hanggang Php90, depende sa style at materials. Mayroon din silang cupcake holders na mabibili mo sa halagang Php110. Makakabili ka rin dito ng backdrop o silk foil curtain at iba pa.

    Cute na cute si Kyra sa kanyang princess dress!
    PHOTO BY courtesy of Ellen Reyes
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Vivia Partyneeds naman ang contact ni mommy sa Shoppee. Marami silang party decors, disposable tableware, giveaways at letter ballons na pwedeng pagpilian. 

    Sa Pandayan Bookshop naman bumili si mommy ng princesses banner. Pagdating sa invitation, ginawa niya ito sa pamamagitan ng app na Greetings Island. Sila na rin ang nagprint para mas makatipid.

    What other parents are reading

    Saan inorder ang cake?

    Inorder ni mommy ang customized cake mula sa Fab Buffet-Fabulous Cakes & The Candy Buffet (Facebook: @FabBuffetPh). Mayroon itong kasamang 12 pieces na cupcakes. Nakuha ito ni mommy sa halagang Php2,120.

    Nabili ni mommy ang cake sa Fab Buffet or Php2,120.
    PHOTO BY courtesy of Ellen Reyes
    What other parents are reading

    Saan inorder ang food at saan ang venue?

    Sila mommy na ang nagluto ng pagkain na iseserve sa mga bisita. Para sa mga adults, naghanda sila ng pork ribs caldereta, chicken afritada, sweet and sour meatballs, at spaghetti.

    Sila mommy na mismo ang nagluto ng mga masasarap na pagkaing ihinanda para sa mga bisita.
    PHOTO BY courtesy of Ellen Reyes
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Para naman sa mga bata, naghanda sila ng spaghetti, lumpiang shanghai, at fried meatballs. Iced tea ang ihinanda nilang drinks. Ang total na nagastos nila ay humigit kumulang Php7,000.

    Mayroon din silang isang gallon ng ice cream na patok na patok sa mga bisita. Nabili nila ito sa halagang Php1,500.

    Hit na hit naman sa mga kids ang ice cream na kasama sa handaan.
    PHOTO BY courtesy of Ellen Reyes

    Naghanda rin sila ng candy buffet para sa mga bata na may mga sweet treats na binili ni mommy sa grocery at palengke. Nirepack niya ang mga ito sa clear plastic na dinikitan niya ng kanyang DIY stickers.

    Sulit na sulit din ang mga sweet treats na si mommy na mismo ang nagrepack.
    PHOTO BY courtesy of Ellen Reyes
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang kanilang garahe naman ang nagsilbing venue. Nagrent siya ng chairs at tables sa halagang Php1,000, kasama na ang cover at tent.

    Siyempre hindi kumpleto ang isang party kung walang kantahan kaya nagrent si mommy ng videoke na nakuha niya ng Php400 for 24 hours. 

    Ang garahe nila mommy ang nagsilbing venue.
    PHOTO BY courtesy of Ellen Reyes

    Bago natapos ang party, nagpamigay si mommy ng kanyang DIY candies in a bottle. Mayroon din siyang loot bags na binili niya online at nilagyan niya ng maliliit na toys at masasarap na candies. Para naman sa party dress ng kanyang anak, bumili siya sa SM sa halagang Php800.

    Umuwi ang mga bisita na masaya sa kanilang candies in a bottle.
    PHOTO BY courtesy of Ellen Reyes
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon kay mommy, hindi tataas sa Php20,000 ang nagastos niya para sa party ng kanyang anak.

    Masayang-masaya si mommy sa kinalabasan ng kanyang kauna-unahang DIY party. Kwento niya, naubos ang pagkain at masayang umuwi ang mga bisita. 

    Nasubukan mo na bang mag-DIY ng party sa family ninyo? Kumusta ang inyong experience? Anong theme ang napili ninyo? I-share ang inyong kwento sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close