Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • DIY Bee-Themed Birthday Party Sa Halagang Php20,000

    Pinagtulungan ng buong pamilya ang munting celebration na ito kaya nakatipid sila.
    by Ana Gonzales .
DIY Bee-Themed Birthday Party Sa Halagang Php20,000
PHOTO BY April Angelica Z. Yuta
  • Hindi napigil ng ulan at malakas na hangin ang birthday party ng baby ni mommy April Angelica Yuta noong October. Halos tatlong buwan din niyang pinaghandaan ang celebration na ito, kaya naman puspos ang panalangin niya na hindi talaga tumuloy ang ibinalitang low pressure area ilang araw bago ang kanilang selebrasyon.

    Ayon sa kanya, nagsimula siyang magprepare sa mga huling linggo ng August. Bagaman busy sa kanyang mga trabaho at responsibilidad bilang isang kinder teacher, isinisingit niya araw-araw at gabi-gabi ang paggawa ng mga dekorasyon para sa unang kaarawan ng kanilang anak na si Zia Angelique.

    More from Smart Parenting

    Bakit bee ang theme?

    Bee ang napiling theme ni mommy at daddy dahil ito ang tawagan nila. “‘Yun ‘yung tawagan namin ni hubby simula nung mag bf/gf pa lang kami. Now na may little one na kami, ‘yung two bees nagkaron na ng bayBEE,” kwento niya sa aming Smart Parenting Village moderator na si Sara Palma. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maganda ang theme na ito lalo na kung naghahanap ka ng kulay na talaga namang bright, inviting, at masaya. Madali lang din itong gawin dahil dalawa hanggang tatlong kulay lang ang kailangan mo: dilaw, itim, at puti para sa mga accents.

    Paano ginawa ang mga invitations? 

    Pagdating naman sa pag gawa ng mga invitations, gumamit si mommy ng Workx specialty paper na mabibili online sa halagang Php185.50 hanggang Php249, depende sa dami ng kukunin mo. Two pages ang invitation na ginawa ni mommy. Photo paper ang ginamit niya para sa second page kung saan mo makikita ang matte photos ng buong pamilya. Bumili rin si mommy ng paper doilies sa Shoppe para magkaroon ng mas sophisticated na dating ang mga invitations.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagpatulong si mommy sa isang kakilala para mabuo ang layout. Siya na mismo ang nagprint nito sa bahay pagkatapos niyang i-edit ang ilang elements. 

    More from Smart Parenting

    Paano ginawa ang letter standee?

    Para naman sa letter standee, umorder si mommy sa isang online shop at saka niya ito dinikitan ng illustration board at papel na may glitters. Siya na rin mismo ang nag-isip ng design na ilalagay. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Saan binili ang prizes at giveaways?

    Pagdating naman sa game prizes, tip ni mommy na bumili na lang ng wholesale sa palengke o hindi naman kaya ay sa Divisoria. Bumili lang siya ng candy cones sa Shoppee at doon niya matiyagang ni-layer ang iba’t-ibang candies na nabili niya sa palengke. “Ang challenging lang diyan ilagay, ay ‘yung sour belt dahil mahirap pantayin sa gilid,” sabi niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “‘Yung idea, sa pinterest ko nakita. Umorder ako sa Shoppee nung plastic candy cones, bili ng ribbon, layout and print ng sticker,” dagdag pa ni mommy. Ayon pa sa kanya, nagsimula siyang gumawa ng giveaways at prizes ng 9pm hanggang 3am kinabukasan sa mismong araw na ng event. Nakagawa siya ng 100 piraso.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Paano ginawa ang party decorations?

    Outdoor ang birthday celebration kaya pinuno ni mommy ng dilaw at itim na balloons ang harap ng kanilang bahay. Nakatipid din sila sa gastos sa venue dahil sa bahay nila ito ginanap. Nagpatulong siya sa kanyang mga pamangkin. Siya lang din ang nagdecorate nito para maging polka dots.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para hindi rin magmukhang plain ang mga pader, nilagyan ito ni mommy ng artificial grass na pinuno niya ng mga larawan ni baby mula nang isang buwan pa lang ito. Pinalibutan niya rin ito ng magagandang bulaklak at marami pang balloons. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May mga DIY paper pompoms din na ginamit si mommy. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng Japanese paper. Ayon sa kanya, mas maganda raw itong gamitin dahil hindi madaling mapunit, hindi katulad ng crepe paper.

    More from Smart Parenting

    Saan inorder ang cake?

    Bee-themed din ang cake ni baby Zia at maraming miyembro ng Smart Parenting Village ang talaga namang humanga sa pagkagawa nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon kay mommy April, inorder niya ito sa Yabear’s Sweetlife (FB: @SweetYabear).

    Saan inorder ang handa?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi na kinailangang umorder o magpa-cater pa nina mommy April at daddy Winston dahil si daddy na mismo ang nanguna sa pagluluto. Mayroon silang ihinandang spaghetti, pansit, fried chicken, embutido, at lechon. Ayon kay mommy April, galing ang lechon sa kanyang mother-in-law pero ang cooking team ni daddy ang nagkatay. Ipinalechon lang nila ito sa bakery. Nagdagdag din sila ng sandwich, hotdog na may marshmallows, at kanin sa kanilang menu. Para sa drinks, naghanda sila ng blue lemonade at cucumber lemonade.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi pa hihigit sa Php20,000 ang nagastos nila mommy April at daddy Winston sa birthday ni baby Zia. Karamihan kasi sa materials na ginamit nila para sa decorations ay galing sa mga natitirang materials ni mommy kapag may ibang mga projects siya. Bukod pa dito, mas nakamura rin dahil sila na ang nagkatay ng lechon at sila na rin ang nagluto ng pagkain. Kahit ang simpleng party hats ay si mommy na rin ang gumawa. Bumili lang siya ng mga dilaw na party hats, dinikitan ito ng mga litrato ni baby at saka ito nilagyan ng itim na design sa taas. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kahit pa inulan ang handaan nila mommy, pinili nilang mas maging positive. “‘Di kami nagdecor nung night before nung birthday niya. Kasi inisip ko, baka umulan talaga at mabasa lang lahat. Saka na-busy ako sa candy cones,” kwento niya. “Kinabukasan, medyo nagpakita na si Haring Araw. Medyo gumaan na ‘yung feelings ko. Inspired na mag decor pero check pa rin ako ng check sa weather forecast.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bumuhos nga ang ulan kaya nabasa ang kanyang mga paper lanterns at iba pang decorations. “Pero kahit ganoon, tuloy lang sa pag arrange. I just grabbed the opportunity na makapagbihis na. Nakapambahay pa ako eh. Talo pa ako ng clown na all set na,” kwento niya. “Buti tumila rin ‘yung ulan. Ambon-ambon na lang pero okay na. Buti na lang may party hats ‘yung mga kids. ‘Di na rin nila pansin ‘yung maya’t-mayang ambon kasi nalibang na sila sa clown,” dagdag pa niya. 

    Gusto mo bang i-share ang binuo mong birthday party para sa anak mo? Ikwento mo yan sa amin sa Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles