embed embed2
DIY Christening Invitation Ideas: Designs, Themes, At Apps Na Pwede Mong Gamitin
PHOTO BY iStock
  • Kung noon, ang mga christening invitations ay kalimitan pang pinapaprint at ipinapaabot sa mga imbitado, ngayon ay mas pinipili na ng mga magulang ang gumawa ng digital na kopya. Sa halip na i-print pa sa papel, ipinapadala na lang ito sa pamamagitan ng electronic mail o e-mail o hindi naman kay ay sa messaging apps. Minsan ay inilalagay o ipinopost na lang ito sa social media platforms tulad ng Facebook at Instagram.

    Sa panahon din ngayon ng apps at editing software, hindi na kailangan ng extensive o malawak na kaalaman sa graphic designing at editing. Mayroon na kasing mga templates na pwedeng gamitin at may mga imahe na ring handa nang ilagay na lang sa layout na napili mo—mas madali na talagang gumawa ng mga personalized at unique na christening invitations ngayon.

    Kaya naman kung gusto mong mas maging in control ka sa kalalabasan ng overall look ng invitations na ibibigay mo sa iyong mga bisita, pwedeng-pwede na ikaw na lang ang gumawa ng mga ito. Nakakapagod man ang mag-DIY, worth it naman ito dahil bukod sa nakatipid na kayo, sunod na sunod pa sa tema at disenyo ng party ang inyong mga imbitasyon. 

    What other parents are reading

    Bago ka magsimula, mamili ka muna ng tema

    Dahil mas simple at intimate ang binyag, hindi mo na kailangan pang magisip ng komplikadong tema para dito. Kahit simpleng color theme lang ay pwede na. Pink ang kalimitang napipiling motif ng mga magulang kapag babae at asul naman para sa mga batang lalaki. Ngayon, hindi na lang isang kulay ang ginagamit ng mga magulang. Mayroon nang kombinasyon tulad ng pink at gold, blue at yellow, o hindi naman kaya ay maroon at peach.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa pa sa mga temang maganda para sa binyag ay forest o rainforest. Malamig kasi ito sa mata dahil sa iba't-ibang shades ng greens at blues—bagay na bagay para sa mainit na klima dito sa atin. Bukod pa riyan, pwede ka ring mag hot air balloon theme o hindi kaya ay clouds theme.

    Mayroon ding vintage, rustic, unicorn, safari, nautical, fiesta, floral, super heroes at marami pang iba.

    What other parents are reading

    I-download mo na ang apps

    Umpisahan mo sa pagdownload ng app na Pinterest kung wala pa ito sa cellphone mo. Dito ka kasi makakakuha ng mga ideas na pwede mong gawing inspirasyon sa pagbuo mo sa christening invitation ng anak mo. May mga designs para sa babae at lalaki, mayroong neutral, may minimalist, may traditional, modern, at iba pa.

    Kadalasan ay dito mo rin makikita ang mga color palettes na magandang pagsama-samahin maging ang mga fonts na dapat mong gamitin. 

    What other parents are reading

    Anu-anong apps ang pwedeng gamiting pang layout?

    Canva

    Sobrang daming pagpipilian sa app na ito pagdating sa layout, background, colors, fonts, icons at iba pa. Maaari mong palitan ang mga larawan, patungan ng mga nakakatuwang stickes at kung anu-ano pa ang iyong invitation. Imahinasyon lang ang limit mo sa app na ito. 

    Mayroon ding illustrations at graphics na pwede mong pagpilian. Hindi lahat ay libreng gamitin sa app na ito, pero karamihan sa mga basic elements na kailangan mo ay makukuha mo ng walang bayad.

    Kung mayroon mang mga pagbabago sa detalye kaugnay ng binyag ng anak mo, tulad ng petsa o ng venue, madali na lang itong palitan gamit ang app. Pwede mo kasing i-save ang nagawa mo nang design at balikan na lang itong muli kung mayroong kailangang palitan.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    May mga options din para sa sizes ng invitation. Maaari mo itong palitan kung mapagdesisyonan mo mang i-print ang iyong invitation. Pwede ka pa ngang magdesign dito ng ilalagay mo sa tarpaulin para sa venue ng binyag. I-save mo lang ang design bilang PDF file at saka dalhin sa iyong suking printing shop.

    Pwede ka ring pumunta sa website ng app at doon gumawa ng designs kung nahihirapan kang mag-layout sa iyong telepono. Walang bayad ang paggawa ng account. 

    What other parents are reading

    Greeting Island

    Ang maganda sa app na ito, hindi sila naglalagay ng watermark sa mga disenyong matatapos mong gawin. Bukod pa riyan, libre rin ito at napakadaling gamitin. Hindi mo kailangang maging graphic designer, artist, o techie para makagawa ng personalized invitations dito. 

    Gaya ng Canva, pwede kang magpalit ng kulay, font size at style, at mag-upload ng mga larawan. Mayroon ding mga illustrations at graphcis na magandang idagdag. Pwede mong baguhin o dagdagan ang mga nakahandang templates. Hindi mo na kailangan pang mag-isip ng color coordination at kung anu-ano pa dahil naroon nang lahat ng iyong kailangan.

    What other parents are reading

    Maari mo ding mabago ang orientation ng gagawing christening invitation cards depende sa gusto mo. Pwede mo ring baguhin ang size depende sa kung saan mo ito ilalagay—ipiprint mo ba? Ilalagay sa Facebook o ipopost lang sa Instagram.

    Bukod pa sa mga layouts at designs na maaring gamitin sa sa invitation, may mga helpful tips and ideas pa silang sinusulat sa kanilang blog posts para tulungan kayo sa inyong DIY journey. Maaring basahin ang mga ito bago simulan ang pag-gawa ng invitation para magkaroon ka ng guide kung paano mapagtatagumpayan ang iyong DIY invitation.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Pwede mong gawing espesyal ang iyong christening invitations nang hindi gumagastos ng malaki. Marami sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang halos walang ginagastos pagdating sa paggawa ng invitations sa ano mang parties ng kanilang mga anak. 

    Sa panahon kasi ngayon, kailangan mo lang maging imaginative at open para makalikha ka ng magagandang DIY projects. Importante ring maging resourceful at matiyaga sa pagreresearch ng mga murang materials at libreng applications na pwedeng gamitin.

    What other parents are reading

    Maraming mga magulang ang naeengganyong mag-DIY. Bukod kasi sa tipid ito, isa rin itong magandang paraan para mag-bonding kayong mag-asawa, pati na rin ang buong mag-anak.

    Nasubukan mo na bang mag-DIY ng invitations para sa mga parties ng inyong pamilya? Kumusta ang inyong experience? I-share mo lang ang inyong recommendations sa comments section. Kung gusto mo namang makakita ng maraming inspirasyon o 'di kaya ay humingi ng tulong sa pag-DIY, pwede kang sumali sa Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close