embed embed2
  • Price Tag Para Sa Isang Party Sa Chowking: P7,700 Para Sa 35 Katao!

    Kung intimate na celebration ang gusto mo, pwedeng-pwede ang set up na ito.
    by Ana Gonzales .
Price Tag Para Sa Isang Party Sa Chowking: P7,700 Para Sa 35 Katao!
PHOTO BY courtesy of Izan Blanco-Darle
  • Hindi pa masyadong maraming mga mag-asawa ang gumagawa ng gender reveal parties o celebrations dahil hindi ito nakasanayan dito sa ating bansa. Ngunit dahil unti-unti na ring nakikilala ito at nagiging mas madali na lang ang paghahanap ng mga suppliers dahil sa mga online shops, mas naeengganyo na ang mga magulang na subukan ang gender reveal parties.

    Sa gender reveal kasi, pare-parehong masusurprise ang mga bisita at ang mga magulang. Masaya na sabay-sabay malalaman ng buong pamilya kung ano ang kasarian ng baby na paparating.

    Para kina mommy Izan Blanco-Darle, napili nilang idaos ang kanilang gender reveal party sa Chowking, C5 Pinagsama branch. "They let you use their second floor as venue for two hours, free of charge, as long as you order a set meal for at least 30 people," kwento sa amin ni mommy sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview. "We ordered their chicken lauriat meal," dagdag pa niya. Php5,775 ang total ng nagastos nila—Php165 ang isang meal para sa 35 na tao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ding choco pops na inorder si mommy para sa kanilang dessert. Php500 ang nagastos niya para sa 50 pieces na Php10 ang isa.

    Pang Team Baby Girl ang choco pops na ito.
    PHOTO BY courtesy of Izan Blanco-Darle
    More from Smart Parenting

    Kung Team Baby Boy ka naman, ito ang choco pops na dapat mong hawakan.
    PHOTO BY courtesy of Izan Blanco-Darle
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para naman sa cake ni mommy, umorder siya sa Red Ribbon. Nakuha niya ito sa halagang Php350 lang.

    Gender-neutral naman ang cake ni mommy para hindi ma-spoil ang reveal ng gender ni baby.
    PHOTO BY courtesy of Izan Blanco-Darle
    More from Smart Parenting

    Pagdating naman sa mga decorations, bumili si mommy at daddy ng balloon sa Baclaran. Ang keychain souvenirs naman nila ay binili nila sa Shoppee. Gumastos sila ng Php225 para sa balloons at Php500 naman para sa souvenirs.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Si mommy na mismo ang gumawa ng karamihan sa mga decorations sa party.
    PHOTO BY courtesy of Izan Blanco-Darle
    Boy man o girl ang baby ni mommy at daddy, swak pa rin ang souvenirs!
    PHOTO BY courtesy of Izan Blanco-Darle
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Bago pa ang lahat, kailangan munang pumili ng guests ng side!
    PHOTO BY courtesy of Izan Blanco-Darle

    "'Yung mga pangsabit na designs ginawa ko lang, pati na rin 'yung tusukan ng choco pops. 'Yung invitations naman, ginawa ko gamit ang app na Collage Maker na pang-edit ng photos. Gumawa lang din ako ng event sa Facebook at doon na lang kami nag-invite," kwento niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon pa sa kanya, mayroon din daw silang group games kaya masaya. "Sobrang sulit and enjoy kase may pa group games kame, ang walang kasawaang charade," sabi niya.

    More from Smart Parenting

    Malaki rin ang pasasalamat ni mommy sa lahat ng mga bisita dahil hindi lang nag-uumapaw na pagmamahal at suporta ang natanggap nila, kundi pati na rin mga gamit ng bata at tulong pinansyal. "May mga cash gifts din kaming natanggap kaya dinagdag na lang namin sa pambili ng diaper ni baby. God is good kase our baby was very blessed that day kahit nasa tummy pa lang," kwento niya.  

    Thankful si mommy sa lahat ng mga natanggap nila mula sa mga bisita.
    PHOTO BY courtesy of Izan Blanco-Darle
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagbabalak ka bang magkaroon ng sarili mong gender reveal party? Anu-ano ang themes at restaurants na pinagpipilian ninyo? I-share mo ang inyong preparations sa comments section.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa mas maraming inspirasyon ng gender reveal parties.


    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles