embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • DIY Harry Potter Cake Smash Pictorial Sa Halagang P2,000

    Paborito ni mommy ang Harry Potter kaya ito ang naisip niyang tema para sa cake smash ni baby.
    by Ana Gonzales .
DIY Harry Potter Cake Smash Pictorial Sa Halagang P2,000
PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
  • Isa sa mga challenges ng mga nanay pagdating sa party planning ay ang pag-iisip ng theme. Buti na lang at mahilig sa Harry Potter ang mommy na nakilala namin sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Ayon kay mommy Marianne Uy-Quiogue, na isang self-proclaimed Gryffindor, bata pa lang siya ay talagang mahilig na siyang magbasa ng mga libro. “I love reading books, every single books, comics, magazines, i will find in our house, I will read them,” kwento niya. “A friend knew I love reading then she let me borrow her Harry Potter collection and I fell in love with the story.” At gaya nga ng sabi nila, the rest is history.

    Kaya naman nang magkaanak si mommy Marianne, Harry Potter ang naisip niyang theme para sa pre-birthday photoshoot ng kanyang baby.

    Magkano ang photoshoot at venue? 

    PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Libre ang photoshoot at venue ni mommy dahil ninang ni baby ang kumuha ng mga litrato at sa hardin lang sa bahay nila ginanap ang photoshoot.

    Paano ginawa ang mga props?

    Nagtapos si mommy na may degree sa pagpipinta kaya naman hindi na kami nagtaka kung bakit maganda ang disenyo ng mga props na ginamit niya.

    Luggages

    PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para mabuo ang mga luggages, gumamit siya ng mga lumang kahon ng computers na galing sa IT department sa opisina nila. Saka niya ito binalot ng kraft wrappers at dinisenyohan ng brown na ribbons, stamps, at acrylic paint details. Narito ang breakdown ng nagastos niya:

    • Old computer boxes - Free (galing sa office ni mommy)
    • Kraft wrappers - Php45
    • Brown ribbons - Php61
    • Stamps - Php38 para sa 48 piraso
    • Acrylic paint - Free (galing sa sariling gamit ni mommy)

    Total: Php144

    Wands 

    PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kahit na pre-birthday photoshoot pa lang ito ay ready na ang giveaway ni mommy—64 piraso ng wands na siya mismo ang gumawa. Sa itsura ng mga ito, maniniwala ka bang gawa ito sa mga lapis at melted glue stick?

    PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue

    Babalutin mo lang ang taas na bahagi ng lapis ng melted glue stick at ipapalibot mo ito para magsilbing hawakan ng iyong DIY wand.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue

    Para sa tags naman, nag-print lang si mommy sa Kraft paper ng sarili niyang disenyo at doon niya inipit ang mga wands na ginawa niya. Narito ang breakdown:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Pencils - Php60 para sa 64 pieces)
    • Spray paint - Php85 sa Divisoria
    • Glue gun - Php125
    • Glue sticks - Php102 para sa 100 piraso
    • Letter-size Kraft paper para sa tags - Php95
    • Printing - Php110 para sa 11 sheets ng tags

    Total: Php577 o Php10 para sa isang piraso ng wand

    Candles

    PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue

    Syempre, hindi kumpleto ang Harry Potter theme ni mommy kung wala ang mga enchanted na kandila.

    PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Binuo niya ang mga ito gamit ang mga lumang tissue rolls. Para naman makuha niya ang melted candle effect, gumamit siya ng melted glue stick. Inilagay niya lang ito sa gilid at sa paligid na malapit sa “apoy” ng kandila.

    More from Smart Parenting

    Para mas mag-mukhang realistic ang kanyang enchanted candles, gumamit siya ng spray paint para pinturahan ito ng puti.

    Bumili rin siya ng LED tea light candles sa Divisoria para magmukhang nakasindi ang mga kandila.

    Ito ang total ng kanyang ginastos:

    • Tissue rolls - Free (inipon ni mommy ng matagal ang mga ito)
    • Spray paint - Php85
    • Glue sticks - Mula sa mga natira na ginamit sa wands
    • LED tea light candles - Php216 sa Divisoria para sa 24 piraso

    Total: Php301

    Bertie Botts Every Flavor Beans

    PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa ito sa mga unang treats na natikman ni Harry nang makarating siya sa Wizarding World, kaya naman hindi pinalampas ni mommy na isama ito sa photoshoot ng kanyang anak.

    More from Smart Parenting

    Mayroong printable boxes na pwede mong makuha online, basta may printer ka, pwedeng-pwede mo itong gawin. Bumili lang si mommy ng jellybeans sa Divisoria.

    • Every Flavor Beans boxes - Php175 hindi kasama ang jellybeans

    Total: Php175

    Costume

    PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para sa costume, binili ni mommy ang tutu at glasses sa nakaraang 10.10 sale ng Shopee kaya naman nakuha niya ito ng murang-mura.

    • Tutu Skirt - Php200
    • Eyeglasses - Php55
    • Necktie - Free (meron na si mommy)

    Total: Php255

    Cake

    PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue

    Agaw pansin din ang smash cake ni baby dahil kuhang-kuha nito ang firt birthday cake ni Harry na makikita mo sa film adaptation ng libro.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Inorder niya ang cake mula sa Rylhomemade at nakuha niya ito sa halagang Php550. Ito’y isang 8in x 3in na banana cake na may strawberry frosting.

    More from Smart Parenting

    Ayon kay mommy, nakuha niya ito ng mura dahil simple lang ang design. Unique rin daw ito kaya nagustuhan ng may-ari ang challenge na buuin ang cake.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iba pang mga elemento

    PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue

    Kung mapapansin mo ay may mga libro rin ng Harry Potter sa background. Ang isa dito ay iniregalo kay mommy, habang ang ilan naman ay mga libro niyang binalot niya ng printable book covers para talagang lumutang ang Harry Potter concept niya. 

    PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May makikita ka ring felt letter board pagmamay-ari ni mommy. Dito niya inilagay ang mga katagang “Midori solemnly swears she’s up to no good”—isa sa mga pinaka-popular na linya sa pelikula.

    More from Smart Parenting

    Pagdating naman sa mga letter names, cartolinas ang ginamit niya. Ni-recycle niya lang ang mga ito mula sa company Halloween decorations nila.

    PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Gustong-gusto talaga namin ang pagiging creative at resourceful ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Patunay sila na hindi mo kailangang masyadong gumastos para maging espesyal, makabuluhan, memorable, at maganda ang mga celebrations sa inyong pamilya.

    More from Smart Parenting

    Mayroon ka bang DIY photoshoot o party na gusto mong i-share? Ikwento mo lang sa comments section o ‘di kaya ay i-share sa mga nanay sa Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles