embed embed2
  • Tuloy Pa Rin Ang Baby Milestone Photo Sa Halagang P350 Para Sa Cake At Costume!

    Pwede mo ring gamiting inspirasyon ang iba pang photoshoots ni mommy.
    by Ana Gonzales .
Tuloy Pa Rin Ang Baby Milestone Photo Sa Halagang P350 Para Sa Cake At Costume!
PHOTO BY courtesy of Glory Ann Cantos Perez
  • Maaasahan mo talaga tayong mga Pilipino na maging masiyahin at resourceful ano man ang mga pinagdadaanan natin. Kaya naman hindi katakataka na sa kabila ng banta ng COVID-19, nakukuha pa rin nating ngumiti at mag-isip ng mga creative na paraan para proteksyonan ang ating mga sarili.

    Nakahanap na rin tayo ng paraan para kahit papaano ay maipagdiwang ang kaarawan at milestones ng ating mga anak nang hindi lumalabas ng bahay o nagkakaroon ng pagtitipon ng higit sa anim na tao.

    What other parents are reading

    Isa sa mga DIY milestone celebrations na nakita namin sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ay ang kay mommy Glory Ann Cantos Perez.

    Kamakailan ay ipinagdiwang nila ang ika-siyam na buwan ng kanyang anak. Ayon sa kanya, naplano na nila ang milestone photoshoot ng anak niya, kaya naman nakabili na sila ng telang gagamitin. "'Yung sister-in-law ko, ang ninang Rochelle ni baby ang tumahi ng costume," kwento ni mommy. "Ang selling prize ng ganitong costume [online] at Php400."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Ang galing magtahi ng ninang ni baby! Kuhang-kuha ang costume ni Princess Jasmine.
    PHOTO BY courtesy of Glory Ann Cantos Perez
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ayon kay mommy, Princess Jasmine ang napiling costume niya dahil presko ito pero classy pa rin. "She loves [comfortable] outfits," paliwanag niya.

    Pagdating naman sa mga props, gumamit sila ng puting tela para sa background, kumot para sa 'magic carpet', at mga artificial flowers para sa dekorasyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Bagay na bagay ang props na flowers sa costume ni baby.
    PHOTO BY courtesy of Glory Ann Cantos Perez

    Ginamit din nila ang lumang wig ng ninang ni baby para mas magmukhang pang-Disney Princess ang buhok ng bata. Wala silang ginastos sa props dahil lahat ng ito ay mayroon na sa bahay nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang secret weapon naman ni mommy para malitratuhan ng maayos si baby ay ang paboritong biskwit nito na Coco Honey Biscuits. "Medyo challenging sa stage niya ngayong 'yung pictorial since medyo malikot na siya," paliwanag ni mommy. "We let her rest and [pinapadede] namin siya 'pag medyo uncomfortable na siya. Pinahawak [din] namin sa kanya 'yung favorite biscuit niya so she just enjoyed the moment [and we ended up having] a perfect outcome."

    Ang photographer ni baby ang ang kanyang ninang Poula Monique kaya wala ring binayaran si mommy. 

    Ninang ni baby ang photographer niya at tulong-tulong naman ang buong pamilya para aliwin si baby at hawakan ang mga props.
    PHOTO BY courtesy of Glory Ann Cantos Perez
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tip naman ni mommy, hayaan mo lang maglaro ang mga anak mo kapag may milestone photoshoot kayo. Payo pa ni mommy, "Turn her 'imperfections' into assets." Lagi raw kasing napupunta ang mga mata ng anak niya. "Lagi [nilang sinasabi] na malaki ang mata ni baby. We saw beauty in her eyes and it became her biggest asset."

    Ang haba ng buhok ni baby noh? Ginamit nilang props ang wig ng ninang ni baby.
    PHOTO BY courtesy of Glory Ann Cantos Perez
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May chocolate cake din si baby na sila mommy na rin ang nag-bake. Gumamit sila ng cake flour, cocoa powder, vanilla, sugar, baking powder, at itlog. Ayon kay mommy, Php200 lang ang nagastos nila. "[Noon pa lang ikatlong buwan] ni baby, we decided to look [for a cake] na hindi costly. [We just] watched the procedure online," kwento niya.

    Marami nang iba pang milestone themes na nagawa ang kanilang pamilya para sa baby nila. Mayroong Darna, Hello Kitty, unicorn, Starla, at Little Mermaid.

    Sobrang cute naman na Darna ni baby!
    PHOTO BY courtesy of Glory Ann Cantos Perez
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Nasubukan na rin ni baby ang unicorn na milestone photoshoot theme.
    PHOTO BY courtesy of Glory Ann Cantos Perez
    Ito naman ang Starla costume ni baby.
    PHOTO BY courtesy of Glory Ann Cantos Perez
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tulong-tulong lang din ang buong pamilya para ma-achieve ang cute na cute na milestone photoshoot themes na ito. Kwento ni mommy, kasama sina tita April, ninong Ken, lola Lina at daddy Ericson, naging posible ang mga photoshoots ni baby.

    Kayo? Paano ninyo naaachieve ang monthly photoshoot ng anak ninyo? Anu-anong themes na ang nagawa ninyo? I-share niyo lang ang inyong tips sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles