embed embed2
  • Walang Celebration Dahil Sa Social Distancing? 'Drive-By Birthday Party' Na Lang Ang Gawin

    Salamat sa creativity nila, naging masaya pa din ang birthday party celebration ng bata
    by Lei Dimarucut-Sison .
  • Hindi man natuloy ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan, naging masaya pa din ang anim-na-taong-gulang na si Scot Michael Meemo na taga-Missouri, United States.

    Ayon sa Facebook post ng kanyang nanay na si Tiffany, may nakahandang birthday party dapat para kay Scot Michael noong March 23, 2020. Pero dahil sa COVID-19 at ang ipinatutupad na social distancing, nagdesisyon sila na huwag na lamang itong ituloy. 

    "Scot Michael’s 6th birthday party was cancelled due to the Coronavirus. Friends really stepped up to make him feel special by having a car parade!" sabi niya sa post.

    What other parents are reading

    Ang tinutukoy niya ay ang "drive-by" party na inihanda ng mga kaibigan ni Scot Michael at kanilang mga magulang. 

    Imbes na magtipon sila sa isang lugar, ipinarating ng mga ito ang kanilang pagbati kay Scot Michael sa pamamagitan ng pag-drive-by sa tapat ng bahay ng birthday celebrant.

    Nakaabang sa bangketa si Scot Michael at kanyang pamilya at nagpatugtog ng "Happy birthday," habang isa-isang dumadaan sa kalsada ang sasakyan ng mga kaibigan nila. May mga DIY "Happy Birthday" signs na nakapaskil sa mga ito, at dinisenyuhan pa ng balloons, buntings, at iba pang palamuti.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Ayon pa kay Tiffany, tumulong din ang isang fire truck para maidaos ito.

    "A Fire Truck came by to help celebrate Scot Michael’s 6th birthday after the Coronavirus cancelled his birthday party. The car parade followed."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa video, maririnig ang paalala ng mga magulang ni Scot Michael sa kanya at kanyang kapatid: "Don't go any further than that," bilang pagpapanatili ng social distancing.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaway at ngiti ang tugon ni Scot Michael sa mga bumati sa kanya. Ang iba, inihagis na lang ang mga regalo para sa kanya sa bangketa. "Thank you!" paulit-ulit niyang sinasabi.

    Nang tanungin siya ng kanyang nanay kung ano ang naramdaman niya sa kanilang inihandang sorpresa, sabi ni Scot Michael, "Really cool!"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mensahe ni Tiffany sa mga nagbigay ng oras para dito, "I can’t thank you enough! You are all so amazing." 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles