embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Kenny Rogers Pororo-Themed Birthday Party: Complete With Host, Magician, at Ventriloquist!

    Pwedeng-pwede magcustomize sa kanila kahit hindi ka kumuha ng party package.
    by Ana Gonzales .
Kenny Rogers Pororo-Themed Birthday Party: Complete With Host, Magician, at Ventriloquist!
PHOTO BY courtesy of Krista Doronila-Espinosa
  • Aminin man natin o hindi, hectic talaga ang buhay natin bilang mga magulang. Kaya naman hanggat mayroon tayong pagkakataon, mas pinipili natin ang mga bagay-bagay na magpapadali sa ating mga buhay. Isa na riyan ang parties sa mga fast food chains at restaurants. Madalas kasi, nakaayos na ang mga parties nila, babayaran na lang natin at dadagdagan ng kaunting desserts at giveaways, ayos na!

    Ganyan ang naisip ni mommy Krista Doronila-Espinosa, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village. "Most of us gusto na ng hassle-free parties so we opt to choose Jollibee and/or Mcdo (and etc.) because subok na ang mga parties nila and masaya naman talaga," kwento niya. "But for me, for the same goal, I still want to have it differently naman," dagdag pa niya. "Ayaw ko naman ng parang minadaling event because mahalaga sakin itong first bday ng anak ko—and hindi ako binigo ni Kenny Rogers."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa isang Facebook interview, ikinwento sa amin ni mommy kung paano niya nabuo ang Pororo-themed Kenny Rogers party na ito.

    Si baby ang namili ng theme

    Kwento ni mommy, sa first growing year ng kanyang baby girl, paborito nito ang Bananachacha sa Pororo kaya naman ito ang napili nilang tema ng kanyang first birthday.

    Napabilib ng party ogranizer si mommy at ang mga bisita!
    PHOTO BY courtesy of Krista Doronila-Espinosa
    More from Smart Parenting

    May partner ang Kenny Rogers na party organizer

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon kay mommy, pwede kang magcustomize ng party sa Kenny Rogers, Quezon Avenue branch kahit na hindi ka kumuha ng party packages nila. "You just have to order their food. I’m not sure, pero parang Php10,000 minimum," pagbabahagi niya. Two hours ang parties sa Kenny Rogers at may additional na Php1,000 per hour excess.

    Pagdating naman sa pagdedesign at decorate ng venue, nirekomenda ng Kenny Rogers ang Lleben Gutz (Facebook: @lleben.gutz). "Advantage 'yun kasi kabisado na nila ang time frame at gamit sa Kenny Rogers," ani mommy.

    More from Smart Parenting

    "May mga event inclusions and packages sila. May mga photo booths, face paint, hosts at iba pa. Sila din ang magdedesign. Basic design package nila, I think, is Php5,000," pagdedetalye ni mommy. "Super accommodating ni Ms. Alma to meet our demands. May entrance arc gaya ng sabi namin, table designs, front arc and ceilings," pagpapatuloy niya.

    Nagdagdag na rin daw ang team ng kanilang party organizer ng ilaw sa event na libre na nilang nakuha. "Sobrang ganda ng pagkagawa nya ng lettering ng name ng baby ko," kwento pa ni mommy. Php7,000 ang nagastos niya para sa disenyo ng venue.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ding dalawang hosts na kinuha si mommy. Sila na ang gumanap bilang ventriloquist at magician. "Php6,000 all in na," sabi niya sa amin. "Maraming games and talagang kabisado na nila. Ibigay mo lang ang number of prizes na naihanda ninyo at sila na ang bahalang pagkasyahin 'yun. After the game, kain na then magic show. Last is 'yung puppet show—nagenjoy lahat, even the adults!"

    Sa labas pa lang, ang ganda na!
    PHOTO BY courtesy of Krista Doronila-Espinosa
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Php250 per head ang pagkain

    Pumunta kami sa website nila para i-check ang detalye ng kanilang packages. Mayroon silang dalawa: Package A na makukuha mo sa halagang Php6,000 at Package B na makukuha mo sa halagang Php5,700. 

    Narito ang mga kasama sa Package A:

    • 1pc OMG Chicken
    • Spaghetti
    • Choco Mousse
    • 12 oz Iced Tea
    • Good for 30 pax
    • Amenities not included

    Narito naman ang mga kasama sa Package B: 

    • 1pc OMG Chicken
    • Rice
    • Mac and Cheese
    • Choco Mousse
    • 12 oz Iced Tea
    • Good for 30 pax
    • Amenities not included
    More from Smart Parenting

    Ayon sa kanilang website, bukod sa mga party packages pwede ka ring bumuo ng sarili mong meals.

    Kasama sa binuo na food package ni mommy ang quarter chicken, kanin, at dalawang side dishes. Para naman sa mga bata, chicken, rice, isang side dish, at choco mousse ang ihinanda nila.

    Ayon kay mommy, pwede raw na buffet-style and setup. "Doon sa sides, nagpahain ako sa buffet table ng apat na klase so the visitors can choose," pagdedetalye ni mommy. Nagdagdag din daw siya ng iced tea para sa inumin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Php20,000 ang total ng nagastos niya para sa pagkain ng 60 bisita.

    More from Smart Parenting

    Sariling version ni mommy ang dessert table

    "Seafarer si daddy and onboard siya ngayon kaya ako lang lahat ito," kwento niya. "Ayaw ko na mapamahal pa and get a dessert table. So instead, gumawa ako ng version ko."

    Nakakatakam na desserts!
    PHOTO BY courtesy of Krista Doronila-Espinosa
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Php1,000 worth ng sweets ang binili at inayos ni mommy. Ayon sa kanya, sa grocery sa Trinoma niya nabili ang cute na lalagyan ng popcorn. Doon na niya inilagay ang sampung varieties ng candies and sweets na napili niya. 

    More from Smart Parenting

    Fake ang cake! 

    Dahil marami na ang desserts na nakaserve, dessert table + 60 pieces ng cheesecake cookies for Php1,000, pinili ni mommy na hindi na bumili ng totoong cake.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Iisipin niyo bang fake ang cake na ito? 
    PHOTO BY COURTESY OF KRISTA DORONILA-ESPINOSA

     

    Fake cake ang ginamit nila na pasok sa design. Pinalibutan niya ito ng 24 piraso ng totoong cupcakes.

    Matamis din ang mga giveaways

    Ang animnapung piraso na ng cheesecake cookies ang nagsilbing giveaway ng mga adults habang ang Php1,000 worth naman ng candies ang nagsilbing giveaways ng mga bata.

    Sobrang yummy din ng mga giveaways!
    PHOTO BY courtesy of Krista Doronila-Espinosa
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para naman sa mga prizes sa games, matagal pa bago ang first birthday ni baby ay namimili na si mommy ng mga pwedeng ipamigay na prizes. Halos 60 items din ang naipamigay niya sa mga sumali sa games at pakulo ng hosts.

    More from Smart Parenting

    Twinning si mommy at baby

    Sa Fluffy Tutu naman inorder ni mommy ang terno nila ni baby, complete with headdress pa. "I just said I want it blue yellow and orange. Tapos noong dumating sa akin 'yung tutu ni baby, nag giveaway pa ang seller ng headdress. Naisip ko, baka pwedeng terno na lang kami. I reordered a bigger piece of the same design and headdress din," kwento niya sa amin.

    Ang cute nina mommy and baby!
    PHOTO BY courtesy of Krista Doronila-Espinosa
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ni mommy, 70 guests ang inimbita niya at 60 ang dumating. Masaya si mommy sa kinalabasan ng kanyang DIY party at happy din siya na naging masaya ang mga bisita. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang suppliers lalo na sa Kenny Rogers branch na napili nila at sa party organizer na Lleben Gutz.

    Nasubukan mo na bang mag-party sa Kenny Rogers? Kumusta ang inyong experience? Lleben Gutz din ba ang inyong provider? I-share mo na ang party ninyo sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village for more inspirations!

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles