Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Lechon, Crispy Pata, At Iba Pa, Saan Masarap Umorder?
PHOTO BY iStock
  • Bahagi na ng kahit anong selebrasyong Pilipino ang lechon. Hindi rin mawawala ang crispy pata at liempo, pati na rin ang lechong manok. May mga pamilyang mayroong sariling lechon recipe kaya sila na mismo ang gumagawa nito sa kanilang mga tahanan. 

    Kung hindi kayo makakapagluto nito, pwedeng-pwede namang umorder. Narito ang ilan sa mga highly recommended ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village:

    More from Smart Parenting

    General’s Lechon

    (Facebook: @generalslechon)

    Kung gusto mo ng Negros-style native Philippine lechon, dito ka sa General’s Lechon pwedeng umorder. Bukod pa rito, mayroon din silang iba’t-ibang flavors ng lechon tulad ng garlic, chili-garlic, at curry.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang lechon nila na pwede sa anim hanggang walong tao ay nagkakahalaga ng Php7,000. Ang para naman sa labindalawa hanggang labinlimang tao naman ay mabibili mo sa halagang Php8,000. Para naman sa medium lechon o iyong kasya sa hanggang apatnapung katao, gagastos ka ng hanggang Php8,800. Php9,800 naman para sa hanggang animnapung tao. Ang pinaka-mahal na lechong mabibili mo sa kanila ay hanggang Php14,100 na pwede para sa hanggang 120 na katao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaari kang tumawag sa mga numerong ito para umorder: (0917) 853 4266, 02-8-853-2466, or 0945-254-2134.

    Nelia and Melchor’s Native Lechon

    (Facebook: @neliasnativelechon)

    Ayon sa mga nanay sa Village, mas abot-kaya ang mga lechon dito pero hindi nila isinasakripisyo ang lasa. 

    Pwede kang tumawag sa mga numerong ito para magtanong ng mga available na presyo ng lechon na mayroon sila: (0942) 072 5788, (0956) 649 6715, (0975) 378 7871.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Elarz Lechon

    (Facebook: @elarzlechon)

    Maganda rin ang feedback ng mga nanay sa Elarz Lechon. Ayon sa mga nakasubok na, malambot, juicy, at malasa ang laman. Umaabot ng hanggang Php6,600 ang presyo ng kanilang lechon.

    Maaari kang pumunta sa kanilang website para umorder: https://www.elarzlechon.com/z-lechon/.

    Sabroso Lechon

    (Facebook: @sabrosolechon)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bacolod-style lechon naman ang specialty ng Sabroso. Mayroon silang lechon para sa hanggang 30 na katao—umaabot ang presyo nito ng hanggang Php6,800.

    Mayroon din silang lechon belly na pwede mong mabili sa halagang Php5,500.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede kang tumawag sa numerong ito para umorder: (0920) 123 9999.

    More from Smart Parenting

    Lydia's Lechon

    (Facebook: @lydiaslechonrestaurant)

    Syempre, hindi mawawala sa listahan ang lechong kinalakhan na ng nakararami sa atin. 

    Kung dati ay ang usual lechon lang ang maoorder ninyo, ngayon ay pwede na rin itong samahan ng ibang putahe. Mayroon na silang Lechon-in-a-box na hindi lang convenient, sulit pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung masyadong marami para sa inyo ang isang buong lechon, pwedeng ito lang ang orderin mo para sa iyong pamilya.

    Zubuchon

    (Facebook: @zubuchonphilippines)

    Dati, kailangan mo pang pumunta sa Cebu bago ka makatikim ng masarap na Cebu lechon. Ngayon, matitikman mo na rin ito kahit nasa Metro Manila ka. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede kang umorder sa kanilang website: www.zubuchon.com o di kaya ay tumawag sa (02) 8777-zubu.

    More from Smart Parenting

    Para naman sa iyong lechon manok at liempo needs, pwede kang umorder sa Andok's at Baliwag Lechon. Ilan sa mga lechon providers dito sa listahan ay nag-ooffer din ng crispy liempo at pata. Pwede mo ring i-check ang link na ito para sa iba pang bilihan ng lechon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kayo? Sinong paborito ninyong supplier ng lechon at crispy pata? Ilagay mo na ang suggestions mo sa comments section. Miyembro ka na ba ng Smart Parenting community? Sumali ka na sa Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles