embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Listahan Ng Suppliers: Lahat Ng Kailangan Mo Para Sa Mexican Fiesta-Themed Party

    Mula sa souvenirs, costume ninyong mag-anak, at iba pa.
    by Ana Gonzales .
Listahan Ng Suppliers: Lahat Ng Kailangan Mo Para Sa Mexican Fiesta-Themed Party
PHOTO BY courtesy of Kat Juagpao
  • Patok na patok na choice talaga para sa mga magulang ang fiesta party theme dahil sa taglay nitong makulay na disenyo at masayang vibe.

    Iyan din ang isa sa mga dahilan ni mommy Kat Juagpao kung bakit niya napili ang temang ito para sa kaarawan ng kanyang anak. "I saw a male celebrity in his Instagram account that he had a Mexican-themed birthday for his daughter. I was really amazed because it was such a unique theme," kwento niya sa amin sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview. "It was very festive and just like when Tasha came into our live, it was the best and the happiest moment—parang fiesta 'yung bahay kasi may baby na kami," dagdag niya.

    Ayon pa sa kanya, siya mismo ang nag-ayos ng party ng anak niya. "I wanted it to be meaningful and I wanted all the details to be achieved. Everything was planned according to my preference especially in choosing the suppliers," paliwanag niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano na-achieve ang backdrop at party design?

    Para talagang magmukhang Mexican fiesta ang venue nina mommy, humingi siya ng tulong mula sa Pamie’s Party Prints (Facebook: @pamiepartyprints). Kuhang-kuha nila ang design na gusto ni mommy.

     

    Sobrang cute at festive ng backdrop!
    PHOTO BY courtesy of Kat Juagpao
    Bukod sa backdrop, Pamie's Party Prints na rin ang nag-handle ng ceiling design, dessert table styling, at table centerpiece. Php18,500 ang nagastos nila mommy para sa lahat ng ito.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

     

    Sinong hindi matatakam sa dessert table na ito?
    PHOTO BY courtesy of Kat Juagpao
    Isa ang dessert table sa mga pinakaaabangan sa birthday parties.
    PHOTO BY courtesy of Kat Juagpao
    More from Smart Parenting

    Saan binili ang costume ni baby?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si mommy Kat na mismo ang nagdisenyo ng costume ni baby. Nakakuha siya ng inspirasyon mula sa Pinterest. "I bought the cloth from a mall and had it made by our neighbor. Her costume costs 1,500 only," sabi ni mommy.

    Pinatahi ni mommy ang damit ni baby para eksakto ang kulay at design sa party theme.
    PHOTO BY courtesy of Kat Juagpao
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Happy naman si baby sa costume niya.
    PHOTO BY courtesy of Kat Juagpao
    More from Smart Parenting

    Saan mabibili ang cake?

    Swerte naman si mommy dahil nagbabake ng homemade cakes at pastries ang kapatid niya. Libre na niyang nakuha ang cake na kalimitan ay nagkakahalaga ng Php1,500 pataas.

    Nakakapanghinayang namang kainin ang cute na cake na ito!
    PHOTO BY courtesy of Kat Juagpao
    More from Smart Parenting

    Saan binili ang souvenirs at loot bags?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagdating naman sa souvenirs, umoder si mommy sa Shoppee (fortuntgiftshop). Animnapung piraso ng souvenirs ang ipinamigay ni mommy. Anim na sets of 10 na nagkakahalaga ng Php90 per set ang binili niya. "I also had her picture printed for the souvenir frame. The printing only cost Php40," kwento niya.

    Napakakulay ng mga souvenirs!
    PHOTO BY courtesy of Kat Juagpao
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si mommy rin ang gumawa ng loot bags. Ayon sa kanya, bumili siya ng plain paper bags mula sa Shoppee. Siya rin ang gumawa ng paper flowers.

    More from Smart Parenting

    Ginanap ang party ni baby sa Chali Beach Resort and Conference Center sa Cugman, Cagayan de Oro. "I chose this venue kasi it's not that expensive. Child and nature-friendly 'yung place, complete with pool and playground," kwento niya. Mahigit 80 ang bisita nila, kasama ang kanilang immediate family at pinakamalalapit na kaibigan. 

    Ibinahagi rin sa amin ni mommy na nagkaroon din sila ng pre-birthday shoot para kay baby.

    Sobrang cute ni baby! Nakakagigil!
    PHOTO BY courtesy of Kat Juagpao
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "The UNO standee was made by my friend who has a styling and printing business," pagbabahagi niya. "Those standees costs 900 pesos only. It was so pretty and colorful," dagdag pa ni mommy. Pwede mong i-check ang kanilang Facebook account na @happyquingscreations.

    More from Smart Parenting

    Bibs and Smiles Studio (Facebook: @bibsandsmilestudio) naman ang kinuha ni mommy para sa pre-birthday photoshoot ni baby.

    Winner na family photo!
    PHOTO BY courtesy of Kat Juagpao
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Samantalang PicMe Photobooth (Facebook: @PicMe.Photobooth001) ang kinuha nila para sa kanilang photobooth needs.

    Mayroon ding bubble show, fries booth, at ice cream booth kaya naman talagang enjoy na enjoy ang mga bisita.

    More from Smart Parenting

    Nasubukan niyo na ba ang Mexican fiesta-themed party? I-share mo na ang inyong experience sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles