embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • MORE Cakes We Love! Saan Magandang Umorder Ng Party Cakes?

    Pang birthday man o pang binyag, siguradong bagay ang mga cakes na ito sa party mo.
    by Ana Gonzales .
MORE Cakes We Love! Saan Magandang Umorder Ng Party Cakes?
PHOTO BY Clanginess/Custom Cakes By Bam
  • Isa ang cake sa mga pinakaaabangan kapag may handaan. Isa rin ito sa pinakaagaw pansin pagpasok mo sa isang party. Kaya naman todo bigay ang mga nanay pagdating sa paghahanap ng supplier ng cakes. Dapat, hindi lang pasok sa tema ng party, kailangan masarap din at presyong maka-nanay.

    Kaya naman inipon namin ang lahat ng highly recommended cake suppliers na nakita namin sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    (Paalala, ang mga cakes na ito ay nakalista na walang isinasaalang-alang na criteria o kategorya, maliban sa sila’y inirekomenda ng mga nanay na miyembro ng Village.)

    The Cakeshop by Iko’s

    (Facebook: @thecakeshopbyikos)

    Ayon sa mga nanay na nakasubok ng umorder dito, masarap ang kanilang moist chocolate cake.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang ilang mga nanay naman, paborito nila ang chiffon cakes dito sa Iko’s. Sabi nila, mala-meringue raw ang icing—kahit hindi sila fan, nagulat sila dahil masarap.

    Highly recommended din nila ang Iko’s dahil sa magagandang designs ng cakes nila. Insider tip ng mga nanay: five days ang preorder kaya kailangang umorder agad.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    Cakes of Joy

    (Facebook: @cakesofjoyph)

    Kung naghahanap ka naman ng magaling mag-customize, recommended ng mga nanay sa Village ang Cakes of Joy para diyan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano man ang paborito mong bagay, pwede mong ibigay sa kanila para gayahin.

    Mayroon din silang cupcakes o mas maliliit na cakes, kung sakaling ayaw mo ng masyadong malaking cake para sa iyong party.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Clanginess

    (Facebook: @clanginess)

    Design din ang ipinagmamalaki ng Clanginess. Makikita mo naman sa kanilang mga cakes na hindi basta-basta ang pagkakagawa.

    Mayroon din silang cupcakes na pwede mong isama sa cakes na oorderin mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Fully customizable kaya sigurado kang pasok sa tema ng party mo.

    More from Smart Parenting

    Custom Cakes by Bam

    (Facebook: @customcakesbybam)

    Mabulaklak at detalyado naman ang mga cakes dito sa Custom Cakes by Bam. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hand-painted din ang kanilang mga cakes kaya napakaganda ng mga ito.

    Kung mayroong favorite characters ang mga anak mo, walang problema ‘yan sa kanila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Rylhomemade

    (Facebook: @Rylhomemade-2353138881626572)

    Kung may special request ka pero limited ang budget, pwede kang magpagawa dito sa Rylhomemade.

    Ilan sa mga nanay sa Village ay nakapagpagawa na sa kanila ng pang cake smash.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon din silang Brownie Choco Butternut cake kung hindi ka kuntento sa donut version nito.

    More from Smart Parenting

    Rosemary’s Home Made Treats

    (Facebook: @RosemarysHomeMadeTreats)

    Pasok din sa budget ng mga nanay ay cakes dito sa Rosemary’s Home Made Treats. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Madalas ay two-layered cakes ang ipinapagawa sa kanila ng mga nanay. 

    May mga cute na cute din silang one-layer cakes kung kaunti lang naman ang kasama sa party mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede sila sa kahit anong okasyon, birthday, graduation, o binyag.

    More from Smart Parenting

    Cakes by Miriam

    (Facebook: @cakesbymiriamph)

    Kung holiday cakes naman ang hanap mo, recommended ng mga nanay ang Cakes by Miriam.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Katulad ng ibang cake shops dito sa listahan, tanging mga freshest ingredients lamang ang ginagamit nila para sa kanilang mga cakes.

    Isa sa mga highly recommended ng mga nanay ay ang kanilang Merry Berry Cake.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ito’y vanilla butter cake na may strawberry filling at whipped cream frosting. Walang makaka-hindi sa slice nito.

    Dolce Amore Cakes & Pastries

    (Facebook: dolceamorecakeshop)

    Kung buwan-buwan naman ay naghahanda ka ng cake para sa anak mo, suggestion ng mga nanay na umorder dito sa Dolce Amore. 

    Bukod kasi sa sobrang cute ng kanilang mga creations, babagay sa kahit anong budget ang kanilang mga cakes.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano man ang disenyo, laki, o style, kaya nilang gawin dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ilan lamang ‘yan sa mga paborito at highly recommended suppliers ng mga nanay sa Smart Parenting Village.

    Syempre, hindi rin nawala ang mga cake shops katulad ng Red Ribbon, Goldilocks, Caramia, Conti’s, Boulangerie, Costa Brava, at Purple Oven.

    Kayo? Saan ninyo madalas inoorder ang mga cakes para sa parties ninyo? I-share mo na sa comments section. Pwede mo rin itong ibahagi sa mga nanay sa Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles