embed embed2
  • Nautical Party Theme: Saan Magandang Umorder Ng Cake At Iba Pa?

    Narito rin ang mga listahan ng pwede mong orderan ng iba mo pang kailangan.
    by Ana Gonzales .
Nautical Party Theme: Saan Magandang Umorder Ng Cake At Iba Pa?
PHOTO BY @clanginess/Facebook
  • Sobrang cute na tema ng birthday o binyag ang nautical theme dahil bagay na bagay talaga sa mga bata ang sailor’s uniform. Nakakatuwa silang makita na may sailor’s hat pa. Bukod pa sa cute itong tignan, madali lang din ayusin ang isang nautical party theme. Ginalugad namin ang aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa mga suppliers na pwedeng mag-provide ng iyong nautical party theme needs.

    More from Smart Parenting

    Party decorations and setup

    Events 911 Catering Republic

    (Facebook: @D.Catering.Republic.By.Events911)

    Ano man ang tema ng party mo, matutulungan ka ng Events 911. Ilan sa mga serbisyong mayroon sila ay venue styling, flower arrangements, sounds and lights rental, at balloon twisting.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mayroon din silang catering, clown service, photo booth, at photo and video coverage.

    More from Smart Parenting

    Nanorac’s Party Favors

    (Facebook: @NanoracsPartyFavors)

    Bagaman sa Cagayan ang location nila, sulit naman ang kanilang styling. Ramdam mo talaga ang tema ng inyong event dahil maganda ang kanilang set design.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi na bago sa kanila ang nautical theme, kaya matutulungan ka nila sa iyong susunod na party.

    Mula backdrop hanggang sa dessert buffet ay may disensyo sila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Cake

    Clanginess

    (Facebook: @Clanginess)

    Ilan sa mga nakita naming cake suppliers sa Facebook ay ang Clanginess. Cute at nakakaaliw ang disenyo ng cakes nila.

    Mayroon din silang cupcakes na sa sobrang ganda ng disenyo ay panghihinayangan mong kainin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa katunayan, hindi lang sila pang nautical theme. Ano man ang tema o disenyong hanap mo, susubukan nila sa abot ng kanilang makakaya na buuin ito.

    The Cakeshop by Iko’s

    (Facebook: @thecakeshopbyikos)

    Pwede ka ring umorder ng cake mula sa The Cakeshop by Iko’s.

    Mayroon silang ilang nautical-themed cakes na pwede mong pagpilian. May iba’t-ibang disenyo rin sila na akma sa iba pang themes.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Simple Cups N Cakes

    (Facebook: @simplycupsncakes)

    Kung gusto mo naman ng combination ng cupcakes at cakes, dito ka pwedeng umorder. 

    Game na game silang mag customize ng cakes—swak kung mayroon ka ng sarili mong design.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Souvenirs and invitations

    Misha Ink Work

    (Facebook: @Misha-Ink-Works-1656909307723248)

    Highly recommended naman ng mga nanay sa Village ang Misha Ink Works pagdating sa customized souvenirs at invitations.

    Maganda ang kanilang mga bag tags at personalized notebooks.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon din silang mga mugs at keychains.

    Paperoo Invites by Ann

    (Facebook: @PaperoobyAnn)

    Loot bags, invitations, cake toppers o souvenirs man ang kailangan mo, mayroon sila niyan sa Paperoo Invites by Ann.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa kanilang nautical theme, pwede rin sa kanila ang Star Wars, Harry Potter, o iba pang paborito mo sa pop culture.

    Mayroon din silang personalized goody cups na pwedeng i-customize.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Nautical outfit

    Happeekidz

    (Facebook: @happeekidzph)

    Syempre hindi kumpleto ang party kung hindi nakasuot ng nautical costume si baby. Pwede kang umorder nito sa Happeekidz.

    Pwede rin kayong makisunod ni daddy sa theme!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagsuot ng costume, ang baby mo na siguro ang pinakacute na navy officer na makikita mo.

    Ilan lamang sila sa mga suppliers na nilalapitan ng mga nanay sa Smart Parenting Village pagdating sa kanilang nautical party needs. Mayroon ka bang supplier na gusto mong i-recommend? Banggitin mo lang sa comments section o ‘di kaya ay ibahagi sa mga nanay sa Smart Parenting Village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles