-
Listahan Ng Online Suppliers: Mermaid At Under-The-Sea-Inspired First Birthday Party
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Kakaiba talaga ang dulot na kalma ng ating mga karagatan. Kaya naman isa ito sa mga top choices ng mga magulang pagdating sa bakasyunan.
Popular din itong birthday theme dahil sa lawak ng mga lamang-dagat na pwedeng i-incorporate sa parties ng mga anak natin. Sadyang captivating din ang ating mga karagatan dahil sa taglay na misteryo ng mga ito.
Kwento nga ni mommy Jessa Santos, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, isa ito sa mga pinakapaborito niya simula pa lang noong bata siya. Kaya ngayong may anak na siya, ito ang naisip niyang gawing tema ng party nito. Narito ang listahan ng kanyang mga suppliers:
Balloons, decorations, at backdrop
Dahil backdrop at entrance decorations ang unang bubungad sa mga bisita, siniguro ni mommy Jessa na maganda ang mga ito. Nagpatulong siya sa CreativeMinds Events Management (@creativemindsevents).
Kuhang-kuha ng supplier ni mommy ang tema na gusto niya.PHOTO BY courtesy of Jessa SantosADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMarami silang mga packages na pwedeng pagpilian. Kinuha ni mommy ang Package "E" na nagkakahalaga ng Php12,000. Kasama na dito ang styro backdrop at standees, styro entrance design, at balloon decor.
Backdrop pa lang feel na feel na ng mga bisita ang mermaid theme nina mommy.PHOTO BY courtesy of Jessa SantosKasama sa balloon decor ang 150 piraso ng 'balloonderitas' para sa kisame, isang pares ng 5ft na balloon pillars, sampung piraso ng table centerpiece, isang pirasong cake arch, at sampung piraso ng cluster ceiling balloons.
Catering, chairs, tables, at ice cream
Jardin Preciosa (@JardinPreciosa) naman ang pinagkatiwalaan ni mommy pagdating sa venue at catering services. Sila na ang nag-asikaso sa kulay ng mga upuan at lamesa.
Elegante ang pagkakaayos ng mga lamesa sa venue.PHOTO BY courtesy of Jessa SantosCONTINUE READING BELOWwatch nowKasama na rin sa binayaran ni mommy ang ice cream na talaga namang patok na patok sa mga bata.
Bentang-benta rin sa mga bata ang ice cream!PHOTO BY courtesy of Jessa RamosCake at pastry buffet
Pagdating sa cakes at ibang pang sweet treat needs ni mommy, kay Rennet Celestina Chua (@rennet.celestinochua) siya umoorder.
Hindi rin pinalampas ng mga bata ang mga treats sa candy buffet.PHOTO BY courtesy of Jessa SantosADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKasama ang mga cute na cupcakes na ito sa dessert buffet.PHOTO BY courtesy of Jessa SantosMayroon ding chocolate-flavored cupcakes!PHOTO BY courtesy of Jessa SantosSino namang hindi matatakam sa red velvet treats na ito?PHOTO BY courtesy of Jessa SantosKwento ni mommy Jessa, dito rin daw sila umorder para sa first month at binyag ni baby.
Nakakapanghinayang namang kainin ang cake dahil sa ganda ng disenyo nito.PHOTO BY courtesy of Jessa SantosSobrang ganda ng mga detalye sa cake.PHOTO BY courtesy of Jessa SantosADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSouvenirs
Para naman sa mga items na ipinamigay ni mommy sa mga bisita, umorder lang siya ng mga maliliit na beach pails sa Shoppee at saka niya ito pinuno ng mga assorted chocolates na binili nila sa SNR.
Ang cute ng mga beach pails na ito! Pwedeng gamitin ulit sa Summer.PHOTO BY courtesy of Jessa SantosMay mga ipinamigay din na laruan sina mommy.PHOTO BY courtesy of Jessa SantosNagpamigay rin ng activity papers si mommy para hindi mainip ang mga batang bisita nila. Ginawa ito ng kanyang nakababatang kapatid kasama ang mga thank you tags na nakakabit sa mga souvenirs.
Perfect and activity paper para hindi mainip ang mga bata.PHOTO BY courtesy of Jessa SantosKasama rin sa party si Jollibee na nirentahan nila ng nakahiwalay. Kailangan mo lang umorder ng minimum na Php5,000 worth of food at magdagdag ng Php1,000 para kasama ang Jollibee mascot.
Titig na titig si baby kay Jollibee!PHOTO BY courtesy of Jessa SantosADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon kay mommy, halos Php8,000 ang nagastos niya kasama na ang bayad sa extension dahil natagalan si Jollibee sa party.
Siyempre hindi kumpleto ang party kung hindi sasayaw si Jollibee!PHOTO BY courtesy of Jessa SantosNagkaroon din ng pre-birthday photoshoot sina mommy. Click n Play Studio ang kumuha ng mga litrato ni baby.
Para naman sa damit ni baby, umorder si mommy sa Shoppee. Nakabili siya ng swak sa party theme sa halagang Php500 lang. Terno rin silang mag-ina ng headdress, na binili rin ni mommy online.
Sobrang cute ni baby!PHOTO BY courtesy of Jessa SantosSiyempre terno sina mommy and baby!PHOTO BY courtesy of Jessa SantosMalaki ang pasasalamat ni mommy dahil sa pamamagitan lang ng paghahanap online ay nabuo niya ang first birthday party ng anak niya.
Kasalukuyan ka rin bang nagpaplano ng birthday ng anak mo? Mayroon ka na bang suppliers? I-share mo na ang iyong experience sa comments section.
Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa mas maraming birthday party inspirations.
What other parents are reading

- Shares
- Comments