-
Your Health FDA Warns Against 5 Face Mask Brands: Here Is A List That Is FDA-Approved
-
News And Then They Were 5! Nanganak Na Si Andi Eigenmann
-
Love & Relationships Cheaters Beware: Supreme Court Upholds Jail Time For Unfaithful Husband
-
Love & Relationships 25 Secrets I've Learned in 38 Years of Marriage: 'Jealousy Is a Useless Emotion'
-
Pwede Ang Unique Party Themes Sa McDonald's Branch Na Ito
Humigit-kumulang P20,000 ang nagastos ni mommy para sa safari-themed party ng anak niya.by Ana Gonzales .

PHOTO BY courtesy of Gabrielle Francisco
Kalimitan, hindi lahat ng mga branches ng fast food ay pumapayag na maglagay ng ibang dekorasyon sa venue maliban sa party theme na mayroon sila.
Kaya naman masayang-masaya sina mommy Gabrielle Francisco at ang kanyang pamilya sa McDonald’s RMR Square Tandang Sora. Bukod daw kasi sa na-accommodate ng branch ang kanilang 100 na bisita, pwede ring mag-decorate ng ano mang theme na gusto nila. Ayon pa kay mommy, bagaman hindi sila strikto sa dekorasyong pwedeng ilagay, mas maganda pa ring makipagcoordinate sa McDonald’s (saan mang branch) para walang maging aberya.
What other parents are reading
Kwento ni mommy, safari ang napili niyang theme para sa party dahil mahilig sa mga hayop ang anak niya, lalong-lalo na sa mga lions. Kaya naman pinuno talaga ni mommy ang venue ng animal balloons at iba pang mga cute na safari decorations. Sponsored aman ng ninang ni baby ang backdrop sa venue.
Pagdating naman sa pagkain, Php20,520 ang nagastos nila mommy para sa 100 katao—kasama na rito ang Php2,000 na party fee. "Pumili lang ako ng pagkain nila sa menu, instead na kumuha ng package nila," kwento ni mommy. Narito ang breakdown ng kanilang handa:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWFor adults:
- 1-piece chicken with rice, fries, and drink for Php105
- Sundae for Php29
- Burger McDo for Php35
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosFor kids:
- 1-piece chicken with rice, fries, and drink for Php139
- Sundae for Php29
- Spaghetti for Php55
- Happy Meal
"Nagdagdag kami ng spaghetti kasi alam naming gustong-gusto ito ng mga bata," paliwanag niya. "'Yung Happy Meal naman ang naging giveaway namin sa kanila," dagdag pa niya.
Para naman sa cake, umorder si mommy sa Clanginess (Facebook: @Clanginess)—isa sa mga pastry suppliers na madalas irekomenda ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Sobrang cute at mukhang masarap ang birthday cake!PHOTO BY courtesy of Gabrielle FranciscoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"I got the cake for only Php2,000 including 12 pieces of cupcakes," kwento ni mommy. "I highly recommend Clanginess because she’s so accommodating and masusunod tlaga yung gusto mo sa cakes. Super sarap pa ng cakes niya," dagdag pa ni mommy.
What other parents are reading
Binili naman ni mommy sa Divisoria (Php50 each) ang mga ipinamigay niyang souvenirs na animal toys—35 pieces ang binili niya.
Ito ang kinalabasan ng invitation na ginawa ni mommy sa Canva.PHOTO BY courtesy of Gabrielle FranciscoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPara naman sa loot bags, namili si mommy ng mga candies sa grocery at inilagay niya ito sa paper bags na binili niya rin sa Divisoria.
Sobrang cute ng souvenirs!PHOTO BY courtesy of Gabrielle FranciscoNakatipid naman si mommy sa invitations dahil siya na mismo ang nag-layout nito gamit ang app na Canva. "Super daling mag-edit!" Excited na kwento ni mommy. "Lahat doon ko ginawa," pagpapatuloy niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"'Yung invitation, ipinadala ko na lang through Facebook Messenger kaysa magpa-print pa dahil nasasayang lang. Na-experience ko ito noong binyag ni baby—ang daming natirang invitations kaya mas pinili kong online na lang magpadala ng invites."
Isang daan ang inimbitahan ni mommy pero halos kalahati lang ang nakapunta. "Masaya pa rin naman. Kasi, 'yung mga guests namin ay nakaulit pa sa food at nakapag-uwi pa." Payo niya, kung magpapabook ng party at hindi sure kung ilan talaga ang dadating, mas magandang i-book muna ang kalahati ng bilang ng expected guests para hindi sayang. "For example: 'Yung guests namin ay expected na 100pax. Ang ipa-book lang muna ay 50-70pax. Kung kulang man, pwede naman magpa-add during the party. Unlike kapag 100pax agad, sobrang dami ng food," paliwanag niya.
Naisip din ni mommy na gumawa ng time capsule para sa kanyang anak. Nakiparticipate naman ang kanilang mga bisita para mabuo ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSiguradong matutuwa ang anak ni mommy kapag binasa niya ito paglaki niya.PHOTO BY courtesy of Gabrielle FranciscoNakapagcelebrate na ba ang mga anak mo sa McDonald’s? Anong theme ang napili ninyo? I-share mo lang sa comments section.

View More Stories About
Trending in Summit Network