embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Saan Makakabili? DIY Pink And Gold Minnie Mouse Birthday Party
PHOTO BY courtesy of Sol Abigan
  • Hindi maikakailang hit talaga sa mga bata ang Disney, kaya naman madalas itong tema sa mga birthday parties. Pati tayong mga nanay at tatay, aminado ring mahilig sa Disney movies.

    Tulad na lang ni mommy Sol Abigan na nakilala namin sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Ayon sa kanya, ipinagbubuntis pa lang niya ang kanilang baby girl, mahilig na talaga siya sa Minnie Mouse kaya ito na talaga ang napili niyang tema para sa unang kaarawan ng anak niya. Narito ang lahat ng elementong mayroon sa kanyang pink and gold Minnie Mouse birthday party:

    Pink Cake 

    PHOTO BY courtesy of Sol Abigan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa Facebook post na ibinahagi ni mommy Sol sa Village, sa Goldilocks niya inorder ang pink cake ni baby. “Hindi na ako nakapagpa-customize dahil bawal kapag peak season,” kwento niya. “Buti mayroon silang pink na cake na nag-match sa theme,” dagdag pa niya. 

    PHOTO BY courtesy of Sol Abigan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May mga nanay pa sa Village na nag-DIY ng cakes ng mga anak nila. Sundan mo lang ang link para malaman kung paano. Para sa cake ng anak ni mommy Sol, gumawa lang siya ng magandang topper gamit ang gold foam sheet na binili niya sa Geppco sa Divisoria. Tinusok lang niya ito ng barbecue stick, instant cake topper na! 

    More from Smart Parenting

    Loot Bags for Kids

    Para naman sa mga loot bags ng mga bata, umorder siya sa Bagela.ph (Facebook: @Bagelaph-324494518067699). Personalized string bags ang inorder niya para magagamit pa ng mga makakakuha pagkatapos maubos ang laman.

    PHOTO BY courtesy of Sol Abigan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bawat cute na loot bag ay naglalaman ng DIY personalized coloring book, crayons na binili ni mommy sa Divisoria, pencil set, at bubbles. 

    Candy Corner

    PHOTO BY courtesy of Sol Abigan

    Pagbabahagi ni mommy Sol, tuwang-tuwa siya sa pagdidisenyo ng candy corner para sa birthday ni baby. “Na-addict ako sa kaka-browse sa Google at Pinterest at hindi ako nagsisi,” kwento niya. “Masyado akong na-in love sa candy corner kaya pinaglaanan ko talaga siya ng oras at na-aachieve ko kung anong gusto kong kalabasan.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY courtesy of Sol Abigan

    Binili ni mommy ang mga candies at gummies sa RFC Mall, habang ang iba ay binili niya sa groceries tulad ng Puregold. 

    More from Smart Parenting

    Souvenirs

    PHOTO BY courtesy of Sol Abigan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagdating naman sa souvenirs, napili ni mommy na magpamigay ng DIY hand sanitizers.

    PHOTO BY courtesy of Sol Abigan

    Bumili siya sa Shoppee ng mga empty bottles at ng mismong sanitizer na ilalagay. Siya na rin ang nag-layout ng personalized label. 

    More from Smart Parenting

    Backdrop

    Kalimitan naman ay namomroblema ang mga nanay sa paghahanap ng backdrop para sa celebrations ng pamilya. Para sa party ng baby ni mommy Sol, plywood na pininturahan nila ng pink ang ginamit niya. Sapin naman ng kama ang ginamit niya para sa ‘kurtina’—sobrang resourceful! Isang beses mo nga lang namang magagamit kaya mas magandang maging praktikal.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY courtesy of Sol Abigan

    Si mommy na rin ang mismong gumawa ng balloon garland sa tulong ng kanyang kapatid. Mano-manong pump ang ginawa nila at sa tulong ng mga instructional videos sa YouTube, nakagawa sila ng isang magandang garland. 

    More from Smart Parenting

    Extra Toys

    Para naman sa mga prizes sa party games, bumili si mommy Sol ng maliliit na laruan sa Divisoria na Php20 lang ang isa. Hindi alintana ng mga bata ang presyo ng prize dahil enjoy sila sa games at tuwang-tuwa sila sa mga napanalunan nila. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY courtesy of Sol Abigan

    “Sobrang simple lang ng celebration,” kwento ni mommy. “Sa tapat lang ng bahay namin ang venue. Parents ko lang din ang nagluto—super tipid talaga,” dagdag pa niya. 

    PHOTO BY courtesy of Sol Abigan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon kay mommy, halos dalawang buwan din niyang pinagpuyatan ang paghahanda para sa birthday ni baby. “Every night, ‘pag tulog na si baby at tapos na ako sa gawaing bahay, doon ako gumagawa ng kung anu-ano para sa first birthday niya,” paliwanag ni mommy.

    “Sobrang saya ko sa naging outcome ng pinagpuyatan ko,” aniya. “Ang sarap ng feeling. Ang saya-saya ng baby ko at ng mga bisita. Kaya sa mga mommies na nag-start na ring mag-DIY, go lang kayo diyan!” paghihimok niya.

    PHOTO BY courtesy of Sol Abigan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Simple lang talaga ang party nina mommy Sol ngunit dahil na rin sa matinding paghahanda, naging sophisticated ang dating nito. Patunay na tamang paglalaan ng panahon, resourcefulness, at kaunting tiyaga lang ang kailangan para makabuo ka ng isang memorable na party na hindi lang magugustuhan ng anak mo, kundi pati na rin ng mga bisita. 

    Kayo? Kumusta ang first birthday ng anak ninyo? Nag-DIY din ba kayo? I-share niyo na sa comments section. Pwede niyo ring ibahagi sa mga kapwa ninyo nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles