Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Saan Makakabili? Lahat Ng Kailangan Mo Para Sa Mermaid-Themed Party

    Narito ang ilan sa mga suppliers na pwede mong lapitan para sa susunod ninyong celebrations.
    by Ana Gonzales .
Saan Makakabili? Lahat Ng Kailangan Mo Para Sa Mermaid-Themed Party
PHOTO BY Fevy Jacob Catacutan-Suberon?/Loren Way
  • Hit na hit talaga, lalo na sa mga batang babae ang birthday themes na princess at unicorn. Kung nagawa mo na ito sa mga nakaraang birthday parties ng anak mo, bakit hindi mo naman subukan ang mermaid theme?

    Maganda ito dahil bukod sa usual na pastel na kulay, mahahaluan mo ang motif ng dark and light greens and blues. Narito ang ilan sa mga suppliers na nasubukan na ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Backdrop

    Pagdating sa backdrop, mahilig talaga ang mga nanay na mag-DIY—bukod kasi sa mura, makukuha mo pa ang eksaktong itsura na gusto mo.

    PHOTO BY Bape Loren Way
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung wala ka namang oras na gumawa ng sarili mong backdrop, pwede kang umorder o magpadesign sa 854partymania (Facebook: @854partymania). 

    PHOTO BY Dia Huliganga-Juganas
    More from Smart Parenting

    Costume

    Para naman sa mermaid costume, pwede kang umorder mula sa Lazada. Mayroong mga nagkakahalaga ng mula Php285 hanggang Php620. 

    Pwede ka ring umorder sa mga Facebook at Instagram sellers tulad ng Thea's Pinkboxshoppe (Instagram: @theaspinkboxshoppe). 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maganda rin ang mga costumes sa Rambulilit (Instagram: @rambulilitshop) at sa Baby Costumes for Sale. Mayroon silang mga selections na hindi lang pambata—meron din para kay mommy at daddy. 


    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Highly recommended din ang Little Munchkins Baby and Kids Store.

    Kung ayaw mo namang umorder online, pwede kang pumunta sa Alex & Alexa Boutique sa Las Piñas, malapit sa RFC Mall.

    Cake

    Pagdating naman sa cakes, baka sa sobrang ganda ng colors ng mermaid theme ay panghinayangan mo ng kainin ang ma-oorder mong party cake.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa sa mga nirekomenda sa Village ay ang Rosemary Homemade Treats (Facebook: @RosemarysHomeMadeTreats).

    Bukod sa maganda ang kanilang mga designs, masarap din ang kanilang cakes.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa pang highly recommended na cake supplier ay ang Cakes Of Joy (Facebook: @cakesofjoyph). Gustong-gusto sila ng mga nanay sa Village dahil accommodating sila at kaya nilang mag customize ng cakes base sa design na meron ka.

    Gusto rin ng mga nanay sa Village ang Custom Cakes By Bam (Facebook: @customcakesbybam). 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    'Yun nga lang, sa sobrang ganda ng kanilang designs, nakakapanghinayang na talagang kainin! Mabusisi nilang binubuo ang bawat cakes nila, kaya siguradong kang dekalidad ang makukuha mo para sa kaarawan ng anak mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iba pang party decor needs

    Para naman sa iba pang party decoration needs ninyo, pwede kayong makipag-ugnayan sa Faithytale Designs (Facebook: @DisenyongFaithytale). Ilan sa mga serbisyong mayroon sila ay ang tarpaulin layout, thank you tag layout, at customized invitations.

    Kung kailangan mo pa ng cups, straws, plates at iba pa na sunod sa iyong theme, pwede mong i-contact ang Party Pals (Instagram: @partypalsph). 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nasubukan mo na ba ang mermaid-themed party para sa anak mo? I-share mo sa comments section ang mga suppliers na nakausap mo. Pwede mo ring i-recommend ang mga suppliers na kilala mo sa mga nanay sa aming Facebook group. Hanapin mo lang ang Smart Parenting Village sa Facebook.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles