embed embed2
Saan Makakabili? Lahat Ng Kailangan Mo Para Sa Safari-Themed Party
PHOTO BY Pinky Javier Pascual Santos
  • Isa sa mga pinakamasaya at interactive na birthday party themes na pwede mong gawin para sa mga anak mo ay ang safari theme. Tulad ng ibang birthday party themes, pwede mo itong ipa-style pero pwedeng-pwede rin naman na ikaw ang mag-DIY. Narito ang ilan sa mga highly recommended suppliers na nasubukan na ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Backdrop

    Ang backdrop ang mag-seset ng mood ng party mo. Kung maganda at akma ito sa iyong tema, pagpasok pa lang ng mga bisita ay mararamdaman na nila ang party theme mo.

    PHOTO BY Pinky Javier Santos
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Isa sa mga suppliers na pinagkakatiwalaan ng mga nanay sa Village ay ang 854partymania (Facebook: @854partymania).

    Mayroon silang iba’t-ibang klase ng balloons, pansabit, at backdrop na swak sa kahit anong party theme.

    Kung safari ang tema mo, pwede mong bilhin itong balloon sets nila na ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Highly recommended din ang Dream Board Events na maraming backdrops for rent na pwedeng pagpilian.

    Costumes

    Dagdag impact din sa overall theme ang costume na isusuot ng iyong anak. Ang maganda sa safari theme, madali lang maghanap ng costumes kaya kahit ang mga bisita ay pwede ring pumunta sa party ng anak mo na naka-costume.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung naghahanap ka ng zookeper o safari costumes, pwede mong hanapin sa Facebook ang Lola Nely’s Costume Collection. Matatagpuan mo ang kanilang physical store sa Divisoria Mall (Unit 2A-16).

    Para sa iyong safari theme, pwedeng-pwede ang kanilang lion costume.

    Mayroon din silang tiger at safari costume:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Highly recommended din ng mga nanay ang Mischa’s Shop dahil mayroon silang mga costumes na pwede para sa buong pamilya.

    Maganda ito kung gusto mong pati kayo ni daddy at iba pang mga bata ay nakacostume din.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Cake

    Talagang pinakaaabangan sa birthday parties ang cake, kaya naman dapat ay siguraduhin mong hindi lang ito maganda, kailangan ay masarap din.

    PHOTO BY Pinky Javier Pascual Santos

    Isa sa mga pinakamagagandang cakes na nakita naming ibinahagi sa Village ay ang sa baby ni mommy Pinky Javier Pascual Santos.

    Inorder niya ito mula sa Grandeur Cakes (Facebook: @grndeurcakes) at nakuha niya ito sa discounted price na Php4,800 mula sa original price nito na Php5,500.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marami kang pagpipiliang disenyo mula sa Grandeue Cakes at pwede ka ring magbigay ng sarili mong design.

    Pwede ka ring umorder sa Wheatberry Bakery & Cafe. Sobrang creative rin ng kanilang mga cakes at ayon sa mga nanay na nakaorder na sa kanila, masarap din daw ang kanilang mga creations.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Masks at iba pang props at party needs

    Kung kailangan o gusto mo pang magdagdag ng props tulad ng masks, banners, streamers, balloons at kung anu-ano pa, highly recommended ng mga nanay ang Funnykyle's Party Needs Center. Mayroon silang clay na pwedeng pang activities o 'di kaya ay giveaway.

    Pwede ka ring tumingin sa Lazada at Shoppee kung saan ka makakabili ng safari boxes na pwede mong lagyan ng mga treats at iba pang items pang giveaway.

    Kung kailangan mo naman ng invtations, loot bags, activity books, souvenirs at kahit tarpaulin, kumpleto mo iyang makukuha sa Papers & Prints (Facebook: @papersndprints). 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa mga nakasubok ng umorder dito, madali lang ang transaction at accommodating ang mga nakausap nila.

    Mayroon din silang paper standees na makukuha mo mula Php974 hanggang Php1,180, depende sa laki na gusto mo.

    Nagbirthday ba ang anak mo na safari ang theme kamakailan? Ipadala mo na sa amin ang kanyang party photos para maisama sa iba pang feature articles na gagawin namin. Pwede mo rin itong ibahagi sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para magsilbing inspirasyon sa kanila kung sakaling gustuhin nila ang isang safari themed-birthday party.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles